004

11 6 0
                                    

Pinipilit kalimutan ang pait ng nakaraan
Kung saan matatagpuan ang babaeng luhaan
Habang binabanggit ang pangalan ng lalaking nang iwan
Dahil sa babaeng ubod ng kagandahan.

Ganito naman talaga, diba?
Di ka pa ba nasanay sa kanila?
Na kapag di ka maganda, balewala kana.
Para bang di nababagay, sa mundo nila.

Ito lang naman ako, simpleng tao.
May paninindigang totoo,
Hindi tulad ng iyong pangako na may halong panloloko.
Pero wag ka magalala, nagiging okay na ko.

Salamat dahil iniwan mo ko.
Dahil nahanap ko na ang magmamahal sakin ng totoo.
Walang halong biro, walang halong panloloko
At higit sa lahat, mahal ako kung sino at ano ako.

By: kiraaaayy_

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon