Chapter 4

60 30 17
                                    

Kerita's POV

Tumayo ako galing sa aking pagkakahiga, at napansin kong naging mas lumiit si D-bot sa paningin ko. Kung dati ang tangkad nya ay nasa balakang ko pa, ngayon ang tangkad nya nalang ay nasa tuhod ko na. Sa aking pagtataka ay mas inuna kong tinanong ito.

"D-bot anong nangyari sayo bakit mas lalo kang lumiit?" pagtatakang tanong ko sa kanya pero di ako nito sinagot at iniharap nya sakin ang salamin. Nang makita ko ang pigura ko sa salamin ay nagulat ako sa malaking pagbabago ng aking mukha at katawan. Hinawan ko ang aking mukha at inikot-ikot ang sarili ko sa harap ng salamin.

Ngayon ay alam ko na kung bakit naging maliit sa paningin ko si D-bot sa dahilang labis akong tumakad, at saking pagkakatansya ay umaabot sa 6'2 ang aking tangkad na dati ay 4'8 lang. Naging makinis ang aking balat at naging gwapo rin tingnan ang aking mukha. May malalamig na mata, makapal na kilay, matangus na ilong at may manipis na bibig. Pero isa sa pinaka namamanghaan ko ay ang pagkakaroon ko ng balaking tatto ng itim na dream catcher sa upper part ng likod ko. Lahat ng nakikita ko saking sarili ay labis kong nagugustohan at alam kong naaayon iyon sa kagustuhan ng mga pinapangarap ko bilang isang binata.

Di ko na tinanong pa kay D-bot ang lahat ng pagbabago saking sarili sapagkad alam kong resulta ito ng ritual o ang Holy Rebirth. Nang matapus na akong tumingin sa salamin ay agad na nagsalita si D-bot at agad ko namang tinuon ang atensyon ko sa kanya.

"Lagi mo tong tatandaan, sa oras na lumabas ka sa spirit world (Dream World) na ito, ay hindi na magiging normal ang buhay mo sa totoong mundo. Lahat nang nakikita mo sa mundong ito ay parti lamang nang iyong utak, sapagkat nalikha lamang kami dahil sa iyong mga panaginip at imahinasyon simula noong bata ka pa." seryusong sabi nito sakin. Sa huli nyang sinabi ay parti lamang sila ng aking utak, pero bakit nabanggit nya kanina na may iba pang kagaya ko na nabinyagan sa mundong ito. Sadahilang medyo naguguluhan ako sa sanabi nya patungkol sa huli nyang nabanggit ay agad na tinanong ko ito.

"Nabanggit mo na nalikha lamang ang mundong  ito ng isip ko, pero nabanggit mo rin na may ibang tao ang nabaptist sa mundong ito. Medyo may kulang ang yong mga sinabi, pwede mo bang ipaliwanag sakin ng mabuti? tanong ko sa kanya at inaasahan ko ang magiging sagot nya.

"Ang mundong ito ay billiong beses nang nabago dipindi sa utak ng gumagamit nito, sa madaling salita ay billiong tao na ang nakapunta sa mundong ito at karamihan sa kanila ay nakatanggap na nang kapangyarihan maliban sa iilang mga tao na pinili ang black sacred hoops sapagkat lahat sila ay namatay maliban sayo." seryusong pagpapaliwanag naman nito.

Sa sinabi nya ay nagkaroon naman ng kasagutan ang tanong ko, pero naalala ko ang nakakatakot na boses ng isang babae na kumausap sakin kanina bago paman kami nagkakilala ni D-bot, kaya naman ay dinagdag ko ito sa aking mga tanong sa kanya.

"Pero kaninong nakakatakot na boses yong narinig ko kanina bago tayo nagkita? Nagpakilala pa nga syang si Wit (means brain) pero di manlang sya nagpakita sakin." tanong kong muli sa kanya.

"Siya ang aking Ina, lahat ng nabubuhay sa mundong ito ay mga anak nya. Si Wit ay ang iyong utak at sya ang tagapamahala ng lahat sa mundong ito dipindi sa mga disisyon nagagawin mo. Si Wit o ang aking ina ay may  tatlong-libong organ mo na pinamamahalaan sa lahat ng mga pag-andar ng iyong katawan, binibigyang kahulugan ang lahat ng impormasyon nang lahat nang nahahawakan, naririnig at nakikita mo; ang katalinuhan, pagkamalikhain, damdamin, at memorya ay ilan sa maraming mga bagay na pinamamahalaan ng aking ina depende sayong mga karanasan at mga nararamdaman." pagpapaliwanag nito.

Sa mga sinabi nya ay wala nang naiwang tanong pa sa isip ko at nakuntento na ako sa mga sagot nya. Ang tanging natitirang katanungan na lamang sa isip ko ay kung totoo nga ba ang lahat ng panaginip na ito o hindi sapagkat may parti sa isip kong totoo nga ito at nararamdaman ko rin ang kakaibang kapangyarihan sa loob ko. Malalaman ko lamang ang kasagutan sa tanong na ito kung makakabalik na ako sa mismo mundong kinaroroonan ko. Kaya naman tinanong ko si D-bot patungkol dito.

"D-bot total tapus naman na ang ritual pwede na ba akong makabalik sa totoong mundo ko?"  tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Mukhang ito na ang huli nating pagkikita, pero pwede mo parin  akong bisitain kahit anong oras. Tawagin mo lang pangalan ko at magbubukas ang portal ng mundong ito para sayo." sambit nito sabay ng pagkumpas ng kanyang kamay. Sa pagkumpas ng kanyang kamay ay may lumabas na portal sa harapan ko.

"Ito na ba ang lagusan pabalik sa totoo kung mundo?" paniniguradong tanong ko sa kanya na tinugunan nya nang pagtangu ng kanyang ulo.

Nagsimula na akong humakbang papalapit sa portal at aakmang papasok na sana nang biglang pinigilan ako ni D-bot. Nilingon ko sya at tinanong.

"Bakit D-bot, may problema ba?" pagtatakang tanong ko.

"May nakalimutan akong ibigay sayo, at sa tingin ko ay magiging kapaki-pakinabang ito sa oras na makabalik ka na sa mundo nyo." sambit nito.

"Ano naman iyon?" tanong ko na agad namang may inabot syang bagay sa kamay ko. Tiningnan ko ito at nakita kong isa itong capsule.

"Ano naman ang bagay nato?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bilang isang science priest, gumagawa ako ng  mga imbensyon basi sa iyong mga imahinasyon. At sa lahat ng iyong mga imahinasyon ay tanging yan pa lamang napagtagumpayan kung likhain sapagkat humihingi lamang ito nang kaunting kapangyarihan para mabuo. Sa kasalukuyang kondisyon mo ngayon ay napakahina mo pa at kaylangan mo pang lumakas. Kaylangan mong matutunang gamitin ang kapangyarihan ng black sacred hoop upang lumakas ka. The more power you have, the more skill I could create and the more power you have, the more skill you could unlock through me." pagpapaliwag nito.

Sa narinig ko ay masyado akong namangha at lumaro sa isip ko ngayon na kaylangan ko pang lumakas para makapag unlock ng marami pang skills. Sa kabila non ay nadagdagan muli ang katanungan saking isipan. Nabanggit kasi nito na ang skills ay basi sa  mga imahensyon ko, pero bakit wala akong naaalala na inimagine ko ito noon gaya ng capsule na ibinigay nya sakin? Kaya naman tinanong ko sya patungkol.

"Bakit wala akong na-aalala sa mga imagination na meron ako na nabanggit mo?" pagtatakang tanong ko.

"Likas sa tao na madaling kalimutan ang kanilang mga dating imahinasyon noong bata pa sila sapagkat napapagtutuunan ng tao ang kanilang mga imahenasyon na nakabase sa realidad kaga ng pagyaman, pagiging sikat, at makapag lakbang sa ibat-ibang bansa. Sa madaling salita mas makapangyahiran ang mga inyong mga imahinasyon noon bata kesa sa kayo lumalaki o tumatanda na, pagkat ang mga bata ay nakakapag imagine ng mga napaka imposibleng bagay kagaya ng paglipad,  paglalakad sa tubig, paghamamapula ng apoy o tubig at iba pa." pagpapaliwanag nito natinugunan ko naman ng pagtango bilang sinyalis na naiintindihan ko ang lahat ng sinabi nya.

"So, ano naman gagawin ko sa capsule na to?" dagdag na tanong ko sa kanya.

"Pag ininum mo ang capsule na iyan ay magkakaroon ka ng clairvoyant skills. Ang clairvoyant skills ay binibigyan ka ng kakayahang makakita sa malayo at mabilis na makapagkolekta ng kahit na anong impormasyon basi sa iyong mga nakikita kasama na dyan ang sukat, bigat, bilis, at maging weak points ng maari mong makalaban, pangalan ng tao at expression nang mukha at maging kondisyon ng naturang mongkatawan at kapangyarihan." agad namang sagot nito.

Nangmarinig ko ang mga paliwanag nya ay nagsimula na muli akong naglakad papuntang portal at nagpa alam kay D-bot sa pamamagitan ng pagkaway ng aking kamay. Sa akinh paglalakad ay agad ko namang ininum ang capsule at sabay pasok sa portal. Kasabay nang pagpasok ko sa portal ay pumasok agad sa isip ko kung ano ang maaring magagawa ng clairvoyant skills ko kung maaari mang totoo ang panaginip ko.

I open my eyes and I saw the ceiling of my room then I hear the voice of Wit in my mind.

[Clairvoyant Skill unlocked- Level 1]

Galaxy Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon