Kerita's POV
"Huff.... Hufff.... Hufff... Hufff. Makikiraan po." sambit ko sa mga taong nagsisiksikan sa daan habang ako ay tumatakbo.
"Hoy, bata gabi na! Napakadilikado para sayo maglaro dito sa daan." sigaw sakin ng isang matandang lalake matapus ko syang mabangga ng hindi sinasadya.
"Pansensya na po, tyaka di na po ako bata!" pasigaw kong sagot sa kanya nang nakalayo na ako dahil sa walang tigil kong pagtakbo.
Bakit ba kasi pinanganak akong hindi matangkad? College na ako pero mukhang grade 7 parin ang tangkad. Hindi ko na masyadong inisip pa yon at binilisan ko nalang ang pagtakbo ng maiiksi kong mga binti dahil sa mga oras na to kaylangan ko nang ihanda ang katawan ko sa mga sakit na matatanggap ko mamaya. Sa patuloy kong pagtakbo ay pumasok ako sa isang madilim na eskinita at doon ay may nakaabang saking limang lalake na kanina pa naghihintay.
"A-andito na ako. Nabili ko na ang mga pinabili nyo."bungad ko sa kanila.
Sa madilim na paligid ay di ko maaninag ang mukha ng lalaking papalapit sakin. Wala saking kaalaman, bigla nitong sinipa ng napakalakas ang patpatin kong katawan.
"Arrrrrrggggghh!!!!" ungol ko sa sobrang sakit na nagbunga ng pagsuka ko ng dugo.
Hinawakan ako nito sa buhok at tinulak ako sa pader. Inilapit nya ang mukha nya papalapit sakin at naaninag ko ang mukha ni Xyver at nagsimulang mag salita.
"Alam ko na alam mong ayaw ko sa lahat na ako ay paghintayin!" galit na sigaw sakin nito sabay hataw ng malakas na suntok saking mukha. Matapus non ay di pa sya nakuntento at sinakal nya ko sa liig at inangat ang aking katawan na halos di na dumidikit sa lupa. Nabitawan ko ang mga pinamili kong pagkainat sinubukang tanggalin ang pagkakasakal sakin Xyver pero mas-hinigpitan nito ang pagkakasakal sakin na halos di na ako makahinga at binato ang patpatin kong katawan sa kabilang pader ng eskinita. Kumalabog ang likod ko at napahandusay sa sulok. Sinubukan kong tumayo pero di makayanang bumangon ng katawan ko, ramdam ko lahat ng sakit ng natamo ko mula sa sipa at suntok ni Xyver.
"Basura ka kahit kaylan, sa simpling utos di mo pa magawa ng mabilis." kalmado nang sambit nito sabay pulot ng mga pagkaing pinagutos nilang bilhin ko.
Nagsimula na silang lumabas ng eskinita dala-dala ang pagkain at dinaanan lang ako na para bang walang nangyari. Pinilit kong bumangon hanggang sa makatayo ako at nagsimula naring lumabas ng eskinita habang kumakapit sa pader upang suportahan ang paglalakad ko.
Habang patuloy na naglalakad sa daan ay napatingin ako sa langit at nakita ko ang mga naggagandahang mga bituwin at sa mga oras na yong may lumitaw na isang bulalakaw. Sabi nila ay pag makakita ka raw ng bulalakaw sa langit at tutuparin nito ang mga hiling mo. Pero sa realidad ay, ang ganyang paniniwala ay kahit kaylan ay di mangyayari.
"Masmabuti pang mabuhay nalang ako sa isang panaginip." bulong ko habang nakatingala parin sa langit at kasabay nito ang pagkawala ng bulalakaw sa kalangitan.
Binalik ko ang atensyon ko sa daan at nagpatuloy sa paglalakad. Sa napaka bagal kong paglalakad dahil sa sakit ng aking katawan di ko na alam kung ilang oras na ako naglalakad sa kawalan at maya-maya ay may tumambad sakin na isang matandang lalaki naduguan. Agad ko itong nilapitan at tiningnan ang kanyang mukha upang alamin kong buhay pa ba ito o hindi. Nang tiningnan ko ito ay nakita ko ang pamilyar na mukha at naalala ko na sya yong nakabangga ko kanina. Minulat nito ang kanyang mga mata at tumingin saking mga mata.
"Bata bakit andito ka parin sa labas, diba sabi ko sayo napakadilikado dito sa labas?" nanghihinang sabi nito sakin.
Di ko na sya sinagot pa at dali-daling hinila ang kanyang mabigat na katawan. Napakahina ng usad namin dahil ang lakas ko ay di sapat.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw ko sa mismong lugar na kung kanina ay napakaraming tao, pero ngayon kahit na isa ay wala manlang nakarinig nang paghingi ko nang tulong.
"Bata, pabayaan mo nalang ako, ilang sandali nalang ay mamamatay na rin naman ako. Sa mundong ito tanging sarili mo lamang ang makakatulong sayo, kayat maging matatag ka kahit anong mangyari." nanghihinang sabi nito sabay ngiti sakin.
Hinawakan ko sya sa mukha at di ko namalayan tumutulo ang luha ko dahil sa sinabi nya. Di ko man sya kaano-ano pero nararamdaman ko sa kanya na meron kaming pagkakapareho. Mabibigat ang mga sinabi nyang salita na kahit sino man ay di maaring sabihin ng isang normal na tao na tanggapin nalang ang kamatayan, pero nakuha pa nitong ngumiti sa harap ko kahit sa malala na ang kalagayan nya.
"Hindi, may oras pa kaya pa kitang dalhin sa ospital." paangal ko sa sinabi nya habang patuloy parin sa pag-iyak, pero hinawakan ako nito sa kamay at pinigilan akong hatakin sya.
"Makinig kang mabuti bata, ang mundong ito ay hindi normal higit pa sa inaakala mo." pagpapaliwanag nitong.
"Ano pong pinagsasabi nyo? Hindi kita maintindihan at tyaka di nga ako bata." pagpapaliwanag ko.
Pero di agad ito sumagot at may inabot na bagay saking kamay. Nang tiningnan ko ito ay nakita ko ang isang itim na kwentas ng may hugis ng isang dream catcher.
"Ingatan mo ang bagay na yan, naway proteksyonan ka ng kwentas na yan. Maraming salamat sa pagtangkang tulungan ako, sanay marami pang natitirang tao tulad mo at sana hindi ka magbago." huling habilin nito sabay bitaw sa kamay ko at pagpikit ng kanyang mga mata.
"H-hindi. Hindi! Manong gumising ka!" sigaw ko habang iyak ng iyak na parang bata. Inalong ko pa ang kanyang katawan para gisingin sya pero wala na akong narinig pang boses nya. Tumayo ako at hinila ang kanyang bangkay sa maayos na lugar.
"Manong, maraming salamat binigay mong regalo sakin. Iingatan ko itong mabuti at di ko kakalimutan ang mga payo mo sakin, pangko yan."sambit ko kanya habang patuloy paring umiiyak.
Nang matapus na ako sa kakaiyak ay agad akong tumayo at isinuot ang kwentas na binigay nya at nagsimulang maglakad. Muli kong sinulyapan ang bangkay ni manong.
"Di ko manlang nalaman ang pangalan mo manong pero. Simula ngayon, di na ako magiging kagaya ng dati. Pangako yan kahit anong mangyari." sambit ko sabay alis at iniwan ang wala buhay na katawan ng matanda.
BINABASA MO ANG
Galaxy Dream Catcher
FantasyKerita Raizel V. Landria is rock bottom in everything.Looks, grade,life, everything.He is a normal boy with low self esteem. Bullied by people around him.But all of that might change when he accidentally enter the unknown dimension called "Dream wor...