Chapter 5

4 0 0
                                    

Third Person's POV

Kerita open his eyes and he saw the ceiling of his room then he heard the voice of Wit in his mind.

[Clairvoyant Skill unlocked- Level 1] Wit declared.

Nang marinig ni Kerita ang sinabi ni Wit ay kasabay non ang pag litaw ng pag activate ng clairvoyant skill sa kanyang mga mata. Halatang nagulat si Kerita at agad nabumangon sa pagkakahiga. Tumingin tingin ito sa paligid at lahat ng mga bagay na nakikita nya ay nagu-authomatic na nag zuzoom sa kanyang paningin, maging mga impormasyon ng mga bagay na nakikkita nya agad na lumalabas at maihahalintulad ang kanyang clairvoyant sa isang cyborg vision. Maya-maya ay napansin nya ang oras sa kanyang clairvoyant at nakita nyang 8:27Am na. Biglang nag panic si Kerita at agad na binuksan ang banyo para maligo. Matapus non ay magbibihis na sana sya nang kanyang uniform nang mapansin nyang napakaliit ng mga damit nya para sa tangkad nyang 6'2.

"Kerita?" tawag ni Manong Oliver sa labas ng kanyang kwarto na agad namang pinagbuksan ng pinto ni Kerita.

Nagulat si Kerita nang biglang inabot ni Manong Oliver ang bagong biling uniform ni Kerita na agad naman nyang tinanggap na may halong pagtataka kung bakit parang alam ni Oliver ang nangyari sa kanya sa Dream world pero di na ito tinanong pa ni Kerita sapagkat wala na syang oras para makipag usap, agad syang nagbihis ng kanyang bagong uniform at inihanda ang kanyang mga gamit sa para sa kanyang pagpasok sa paaralan. Sa kabilang banda naman, nakangiti ang mukha ni Oliver papalayo  sa kwarto ni Kerita at ramdam nito ang labis na kagalakan sa kanyang sarili sapagkat nakita nyang maayos ang kalagayan ni Kerita galing sa Dream world.

Nagsimulang tumakbo si Kerita papunta sa kanyang paaralan. Habang tinatahak nya ang daan papunta sa kanyang paaralan ay may narinig syang pagtatalo ng mga lalake sa loob ng isang iskinita. Nilapitan ito ni Kerita para silipin kong kani-kanino ang mga boses na narinig nya at nakita nyang binubog si Xyver ng mga myembro nya. Nakaramdam si Kerita nang pagkaawa sa kanya sapagkat alam nya kung ano ang pakiramdam na mabully lalo na kung sariling myembro mo pa ang tatraidor sayo kapareho sa kalagayan ngayon ni Xyver. Naisip ni Kerita na deserve naman ni Xyver  na traidorin sya ng kanyang mga kamyembro sa kabila nang pagiging masama nyang leader at sa walang awa nyang pagugulpi kay Kerita. Aalis na sana si Kerita para di na pansinin pa ang mga ginagawa nila nang biglang narinig nyang nagsalita si Xyver.

"Tantanan nyo na ako, di ko na gusto ang mga pinapagawa nyo." nanghihinang sabi ni Xyver na pinipilit na binabangon ang sarili para lumaban muli, pero bago paman sya makabangun ay agad naman syang tinatadyakan ng mga kamyembro nya.

"Ginawa ka na nga naming leader ng grupo tapus magrereklamo ka sa mga pinapagawa namin." sagot naman ng isa sa myembro nya na tinugunan naman ng mahinang pagtawa ni Xyver nagad namang kinainisan ng mga kamyembro nya.

"Wag ka ngang magpatawa, sa simula palang pinilit nyo akong maging leader nyo. Di nyo kaylangan ng leader and kaylangan nyo alipin, kaya sawa na ako maging alipin nyo at sawa na din akong gulpihin ang mga taong wala namang atraso sakin." pagalit at namamaus na sigaw ni Xyver na agad naman pinaulanan sya ng pangugulpi ng mga kasama dahil sa di nito nagustuhan ang mga sinabi nya.

Si Kerita naman ay di alam ang dahilan kung bakit hindi nya parin maalis ang atensyon nya sa nakikita nyang kalagayan ni Xyver, kahit alam nyang sobrang late na sya sa kanyang klase.

"May gana ka pang sumagot na tarantado ka. Di mo ba alam ang kinalalagyan mo ngayon? Pwede ka naming dispatyahin sa oras na maubos ang pasensya namin. Di mo ba nakikita ang sarili mo ngayon? Halos kapareho na kayo ng walang kwentang batang si Kerita. Diba ganito ang ginagawa mo sa kanya araw-araw? Ganito! Ganito Ganito! " bulyaw naman sa kanya ng isa sa kanyang myembro na panay hataw ng sipa sa tagiliran ni Xyver.

"Bakit mo ikukumpara ang sarili ko kay Kerita, di hamak na mas duwag ako kesa sa kanya. Kaya nyang tiisin ang lahat ng pang gugulpi ko araw-araw at patuloy na hinaharap ang katotohanan na ganon lagi ang magiging kapalaran nya, samantalang ako ay nabubuhay sa kasinungalingan na hindi malang sinusubukang harapin ang katotohanang meron ako." malungkot at nanghihinang sabi ni Xyver sabay bitaw ng malungkot na pagtawa sa kanyang sarili na nagbigay naman ng pagkaubos ng pasensya ng kanyang mga ka myembro.

Nang marinig ni Kerita ang huling sinabi ni Xyver ay nakaramdam sya labis na pagkagalis sa mga kamyembro ni Xyver sa di malamang dahilan mabilis syang naglakad sa kinaroonan nina Xyver at habang papalapit sya sa kanila ay naglabas naman ng kutsilyo ang isa mga myembro ni Xyver at aakmang sasaksakin na sana nito si Xyver nang biglang binigyan sya nang napakalakas na suntok ni Kerita. Nagulat ang lahat sa nangyari sapagkat di manlang nila napansin ang pagdating ng hindi pamilyar sa kanila ang bagong physical na kaanyuan ni Kerita. Natumba ang lalaking sinuntok ni Kerita na halatang nagtataka kung bakit basta na lamang sya sinuntok nito nangangapoy sa galit ang kanyang itsura. Naging alerto naman ang mga membyo ni Xyver at naghahanda sa maaring sunod na pag ataki ni Kerita.

"S-sino ka? Ang lakas nang loob mong pumasok sa territoryo namin nang mag isa." utal na sagot naman ng lalaking sinuntok ni Kerita dahil sa pagkagulat pero hindi ni Kerita sinagot ang kanyang tanong at iba ang sinabi nito.

"Ang pinakayaw ko sa lahat ay may humaharang sa dinadaanan ko." sarkastikong sabi ni Kerita na sinubukang gayahin ang pamamaraan ng pananalita ni Xyver na lagi nyang naririnig naririg sa tuwing nagkakabangga nya si Xyver. Napansin naman ito ni Xyver at alam nyang gingaya sya nito sapagkat madalas nyang ginagamit ang mga katagang iyon oras na naghahanap sya ng gulo. Dahil sa ginawa ni Kerita ay naging interesado si Xyver na makilala kung sino ang lalaking humahamon ng away sa myembro nya.

Samantala, ang mga kagrupo naman ni Xyver ay pinaligiran si Kerita na may balak na atakihin sya. Naging seryuso ang mukha ni Kerita at alam nyang wala pa syang karanasan sa pakikipaglaban at umaasa lamang sya sa natanggap nyang kapangyarihan. Alam ni Kerita di magiging madali ang laban na ito sa kanya nang biglang may sinabi si Wit sa isipan ni Kerita.

[Defeat them to unlock another Skill.]

Nang marinig ito ni Kerita ay mas lalong naging pursigido sya na kalabanin silang lahat nang mag isa.

Galaxy Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon