Chapter 6

6 0 0
                                    

Third Person's POV

Sabay na sumugod ng pag ataki ang apat na kalaban ni Kerita, sa bawat suntok at sipa nila ay mabilis lang itong naiiwasan ni Kerita. Sa tulong ng kanyang clairvoyant skill ay napag alaman nyang mabilis na nadidect ng kanyang mga mata ang susunod na pag ataki ng kalaman. Di makagawa ng kahit anong pag ataki si Kerita sapagkat sunod sunod ang pag ataki ng apat nyang kalaban. Si Xyver naman ay masyadong namangha sa pinapakitang galing ni Kerita at hindi makapaniwala kung papaano nagagawa iyon ni Kerita sa apat na nagpapaulan sa kanya ng pag ataki.

"Puro pag ilag nalang ba alam mo?" sambit ng isang kalaban nya sabay tawa ng malakas habang patuloy sa pagsugod kay Kerita.

Sinubukang atakihin ni Kerita ang isa sa kanyang kalaban at nabigyan nya ito ng malakas na sipa sa mukha at napatumba ito sa sahig at dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Kerita ay nawalan agad ito ng malay ang isa sa kalaban nya. Subalit pagkatapus naman nun ay nabigyan naman sya ng isang sapak sa mukha na galing sa isa pa nya kalaban. Ngunit di manlang nakaramdam nag gaanong sakit si Kerita sapagkat para sa kanya ay napakahinang suntok lamang iyon. Napaatras naman ang kalaban nyang nakasapak sa kanya at nakaramdam ng pag aalinlangan na sumugod pang muli. Binigyan sya ng matalim na tingin ni Kerita na parang isa ahas na handang manuklaw sa ano mang pagkakataon, pero di nag padala sa takot ang kanyang kalaban at sumugod muli. Agad na nailagan ni Kerita ang suntok nito at ginantihan naman sya ni Kerita ng pagtuhod nito sa sikmura ng kanyang kalaman. Napasuka ng dugo ang kanyang kalaban at napaluhod sa harapan ni Kerita, pero di pa nakuntinto si Kerita at sinundan nya ng malakas na pagsipa sa mukha. Napahandusay ito at nawalan na ng malay.

Samanta, may dalawa pang natitirang kalaban at nauna sumugod ang isa sa mga ito. Nagbitaw ng sunod sunod na suntok at sipa ang kalaban ni Kerita pero naiilagan lang ito ni Kerita at minsan naman sinasangga nya lang ito ng kanyang mga kamay. Nang mapansin ni Kerita na napagod ang kanyang kalaban sa kakaataki sa kanya ay mabilis na kumilos si Kerita papalapit kalaban nya at hinawakan nito ang mukha ng kalaban at ibinagsak ang ulo nito sa sahig at pinaulanan ni Kerita ng mga suntok.

Si Xyver naman ay di maalis ang kanyang mga mata kay Kerita dahil sa  napaka flawless nitong kung kumilos at napaka unpredictable ng bawat ataking binibitaw nya at dahil dito ay sinimulang kahangaan ni Xyver si Kerita sa galing nito sa pakikipaglaban.

Maya-maya ay sumugod naman ang isa pang kalaban ni Kerita at may hawak na kunsilyo. Winasiwas ng kanyang kalaban ang hawak nitong kutsilyo na sinusubukang tamaan si Kerita.

"Subukan mong ilangan to!" galit at nagwawalang sigaw ng kalaban ni Kerita na halatang gigil na gigil na masugat si Kerita.

"Sa tingin mo ba matatalo mo ako gamit lang ang kutsilyong yan?" kalmadong sabi lang ni Kerita kasabay nun ang paghawak ni Kerita ang kamay ng kanyang kalaban kung saan may hawak na kutsilyo. Nang mahawakan ni Kerita ang kamay nito ay inaikot at pinisil ni Kerita ang kamay ng kanyang kalaban at sinunubsob ang katawan ng kalaban nya sa sahig at sabat naman nitong nabitawan ang hawak nyang kutsilyo. Agad namang pinulot ni Kerita ang  kutsilyong nabitawan ng kanyang kalaban habang nakapatung sa likod ng kanyang kalaban at hawak hawak parin ang kamay nito. Hinawakan ni Kerita ang buhok ng kanyang kalaban at inangat ito upang magkasalubong ang kanilang mga tingin. Tiningnan ng madilim ni Kerita ang kanyang kalaban at nanginig ito sa sobrang takot. Itinutok ni Kerita ang kutsilyong napul sa liig ng kanyang kalaban at sinubukang takutin ito.

"Saan kaya magandang butasan, sa liig o dito?" sambit naman ni Kerita sabay lipat ng pagtutuk ng patalim sa mata ng kanyang kalaban.

"P-pakiusap usap wag mong gawin yan." pagmamakaawa ng kanya kalaban.

"Pakiusap, nakinig ka ba sa pakiusap ng mga taong ginulpi nyo kahit wala namang kasalanan sa inyo?" malamig at mapanakot na boses ang inilabas ni Kerita kasabay non ang pag angat ng patalim para saksakin ang mata nito.

"Waagggggg! wagggggg! waggggggg!" nagwawalang sigawa ng kalaban ni Kerita na halos maihi na sa kanya salwal hanggang sa nahimatay ito nang makita papalapit na ang pagsaksak sa kanyang mata.

Nang mapansin ni Kerita na nahimatay ang kanyang kalaban ay agad nya naman binitawan ang kutsilyo dahil wala naman talaga syang plano na patayin ito o kahit saksakin manlang. Ang hindi alam ni Kerita ay naiinpluwensyahan na pala sya ng kapangyarihan ng Black Sacred hoops kaya nagagawa at nasasabi nya ang mga bagay nayon kanina.

Lumapit si Kerita kay Xyver at nakatulala ito kay Kerita dahil sa di makapaniwala sa ginawa ni Kerita. Nakabalik lamang si Xyver sa kanyang katinuan nang may sinabi sa kanya si Kerita na kahit kaylan ay di nya pa narinig kanino man.

"Di mo kaylangan ng myembro, isang kaibigan lang ay sapat na para hangaan ka sa bawat bagay na natutunan mo. At humanga ako sayo dahil maspinili mo tamang disisyon kahit buhay mo pa ang magiging kapalit." sambit ni Kerita sa kanya habang inaalalayan sya sa paglalakad.

Nang marinig ito ni Xyver ay di nitong mapigilang umagulhol sya dahil sa sobrang nararamdaman nyang galak sa kanyang sarili. Pakimramdam nito ay nakaramdam sya ng kalayaan at natakasan na nya ang malungkot at malaalipin nyang buhay.

Hinayaan naman syang umiyak ng umiyak ni Kerita at di nya pinagsisihang tinulungan si Xyver sa halip ay naging masaya pa nga ito para kay Xyver.

Dinala ni Kerita si Xyver hospital at pinaubaya ang lahat sa nurse at na naka assign kay Xyver. Di na nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang dalawa sapagkat nakatulog si Xyver habang inaalalayan sya kanina ni Kerita sa daan.

Agad na dumiretso si Kerita sa kanyang skwelahan at sobrang late na sya para sa kanyang klase at lunch break  na sya nang makarating doon. Kaya naman napagpasyahan ni Kerita na domiritso nalang sa Cafeteria para kumain nalang muna ng lunch. Habang dumadaan sya sa whole way ay napansin nyang nakatitig sa kanya ang lahat ng manga estudyante lalo na ang mga babae. Narinig naman ni Kerita ang mga bulungan nito.

"Ang gwapo nya at ang tangkad, transfer student ba sya dito?" bulong ng isang babae na may cute na boses.

"Oo nga para syang celebrity, pero parang nakita ko na sya dati, di ko lang maalala kung saan at kaylan." sagot naman isa nyang kasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Galaxy Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon