Kerita's POV.
Lumapit sya sakin at may inabot na parang tablet. Pagkaabot nya ng tablet sakin ay bigla itong lumiwanag. Habang ito'y hinahawakan ko, unti-unti itong nalulusaw at may lumalabas na ibat ibang kulay ng liwanag. Pumalibot sakin ang mga ilaw at nakikita kong nagtatransform it na parang curve screen. Nang natapus na, napansin kong Isa pala itong holographic monitor.
"Wow, ang galing naman. Isang holographic monitor ba to?" tanong ko kay D-bot na pinapakitang namangha ako sa technology nya.
"Hindi Lang yan basta-bastang holographic monitor na katulad sa Mundo nyo. I-isang magical ritual altar ang nakikita mo at nakapaligid sayo ngayon.Katulad sa mundo nyo, meron din tayong tinatawag na baptism sa mundong Ito. Upang maging ganap Ang pagkatawag sayo sa mundong Ito, kaylangan mong mapasailalim sa ritual na ito na ikaw mismo ang gagawa. Ang tawag sa r-ritual na ito ay ang Holy Rebirth." pagpapaliwanag ni D-bot sakin.
Tiningnan ko sya at ina-absorb pa ang lahat ng sinabi nya at ang tanging naiintindihan ko lang ay ang salitang baptism. Pano ko isasagawa ang pagbibinyag gamit ang hologram na to? Isang tradition ang pagbibinyag pero sa pamamagitan ng isang holographic monitor? Pinaghalong science at magic, paano?
Sa pag iisip ko, maya-maya ay may mga lumabas na kakaibang letra at symbols sa holographic monitor. Hindi sakin pamilyar ang mga letra at symbols na nakikita ko pero madali ko Lang itong nababasa. Kaya napatanong ako kay D-bot.
"Bakit naiintindihan kong basahin Ang lingwahe nyo?" pagtatakang tanong ko.
"Noong unang panahon ang mga tao ay may iisang linguahe, pero sa haba ng panahon ay napapalitan ito ng mga ibat-ibang linguahe at tuluyan nang nakalimutan ang pinagmulan nito. Pero dahil sa natanggap mong kapangyarihan nagawang gisingin nito ang iyong kaisipan, at yan ang dahilan kong bakit naiintindihan mo ang sinaunang salita." pagpapaliwag nito na mas lalong dumagdag sa mga impormasyon na mga narinig ko.
"Sa mga sinabi nya ay sadyang hindi talaga makapaniwala. Dagdag pa ang sinsabi nyang meron akong natanggap na kapangyarihan, pero saan naman kaya ako nakakuha ng kapangyarihan? Ang weird talaga ng mga panaginip. Kahit alam kong panaginip lang ito, di ko talaga mapigilang mag isip. Hayst." bulong ng isip ko. Maya-maya ay muling nagsalita si D-bot, siguro ay napansin nitong nalilito ako sa mga sinasabi nya.
"Sa ngayon ay di mo pa masyadong naiintindihan ang lahat ng sinasabi ko sapagkat di pa ganap ang pagkagising ng kapangyarihan. Para maging ganap na ang iyong pagkagising ng itong kapangyarihan, kaylangan na nating simulan ang Holy Rebirth." dagdag na sabi nito. Pumayag naman ako para sakyan nalang ang panaginip nato, at ang totoong dahilan kung bakit pumayag ako ay parang gusto ko rin malaman ang Holy Rebirth. Para kasing nasa vitual games ako at naglalaro lang at nakikita kong maienjoy ko ang panaginip na to.
"So paano ako magsisimula" tanong ko sa kanya.
" B-basahin mo nalang at sundin Ang instructions." tipid na sagot ni D-bot sakin.
Tama nga Naman sya, di ko naman kaylangan pa ng tulong nya dahil halos naiintindihan ko naman lahat ng ito basahin. Masimulan na ngang basahin.
[Click the enter to Pick a "Sacred hoops" according to your fate.]
"Sacred hoops? Ano naman kaya to? Bahala na nga susundin ko nalang mga pinapagawa dito." bulong ko saking sarili.
Nang naclick ko na yong enter at may mga lumabas na mga ibat-ibang kulay na parang tatoo na dream catchers.
"So ang sacred hoops pala ay dream catchers? Dahil ba to sa dream catcher na binigay sakin ng matandang lalake na yon, kaya nagkakaroon ako ng panaginip na ganito? Ano ba tong mga iniisip ko. Coincidence lang ang lahat nang ito." bulong kong muli at pinagpatuloy nalang ang ritual.
[Which color would you choose of sacred hoops?]
[Gray] [Pink] [Purple] [Blue] [Green]
[Black] [Red] [Orange] [Brown] [White]
Sinimulan ko nang pumili at pinili ko yong color black. Since na nagagandahan talaga ako sa color black na dream catcher, at agad ko itong pinindot. Maya-maya ay may lumabas sa hologram yong itim na tatoo na dream catcher at biglang pumasok sa katawan ko. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng matinding bigat ng kapangyarihan na hindi ko maintindihan. Naramdaman kong umiinit ang buong likod ko na Parang may umuukit na parang tinutusok ng nagbabagang apoy.
"Aaaaaaaahhhh!!! Ang sakit!!! Di ko na kaya!!! Napakasakit!!! Ayaw ko na!!! " nababaliw kong sigaw dahil sa sobrang sakit na kahit kaylan ay di ko pa naranasan sa buhay ko.
Namimilipit ako sa sakit na halos wala na akonh nakikita sa paligid. Ang sikmura ko'y parang babaliktad at biglang napasuka ako ng dugo.
"Mamamatay na ba ako? Ito ba yong tinatawag nilang bangungut?" tanong ng isip ko na parang hindi na alam ang gagawin.
Biglang dumilim ang aking kapaligiran, at kasabay non ang naramdaman kong inirhiya ng kamatayan sa kinatatayuan ko.
"Nasa ibang lugar nanaman ba ako?" tanong ko saking sarili na may pagtataka.
Maya-maya ay may isang malademonyong boses akong narinig sa madilim na paligid.
"Anong ginagawa mo dito mababang nilalang? Naparito ka ba para makipagkasundo sakin o di kaya naparito ka para kainin Kita?" nakakatakot boses na sabi nito.
Isang dyablo na nakakatakot ang kanyang mukha ang nasa tapat ko ngayon. Napakalaking itim na halimaw. May mahahabang pangil at mahahabang sungay. May itim at nakakatakot na mata. Sa mga tingin nya ay kahit ilang sigundo ay pwede nyang tapusin ang buhay ko. Pero naisip kong parti lang ito ng aking panaginip at dahil na rin sa takot ako na mahantong to sa bangungut sinubukan kong labanan ang aking takot at sinagot ang tanong nya.
"N-naparito ako para makipagkasundo." nanginginog kong sagot sa kanya.
"Ano Naman Ang gagawin mo sa kapangyarihan ko mababang nilalang? Mas gugustohin kong gamitin mo Ito para kumitil ng buhay bilang pagkain ko." tanong ng halimaw sabay bitaw ng maladimonyong pagtawa.
Dahil sa di ko na makayanan ang takot na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko sa kanya. Kaya naman napawalang bahala na ako at basta nalang binuka ang aking bibig kung ano man ang masasabi nito.
"H-hindi ko Alam! Ang gusto ko lang ay mabuhay! pasigaw kong sagot sa kanya nagdulot sa kanya ng muling pagtawa ng malakas.
"Kakaiba ka mababang nilalang. Gusto mo Ang kapangyarihan ko dahil gusto mo Lang mabuhay? Nakakawa ka." sambit nito sakin na may kasamang pananakot na tingin.
"W-Wala ka nang pakialam don!" sagot kong muli sa kanya na halatang ang mga sinasabi ko ay di na sa tamang pag iisip.
"Sabik na akong kainin ka pero mukhang mas nakakaintirisanti kung papanoorin kita kung paano mo gagamitin ang kapangyarihan ko. Kaya ibibigay ko Ang hiling mo. Binabalaan kita wag mong hayaang kainin ka ng kapangyarihan ko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal." sambit ng halimaw. Kasabay non ang unti-unti nitong pagkawala sa paningin ko.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nasaharap ko si D-bot na nakaabang sa pag-gising ko.
"Balak pa s-sana kitang pigilan p-pero bigla mong pinili ang itim na sacred hoops. Napakadilikado ng ginawa mo. Buti nalang at nakabalik ka pa ng b-buhay. Ikaw pala unang nakabalik ng buhay na pinili ang black sacred hoops." bungad sakin ni D-bot na may halong pag-aalala.
Kakaiba ang nararamdaman kong pakiramdam na parang bang kargado ng kapangyarihan ang katawan ko. Pakiramdam ko ay parang totoo na ang lahat at hindi lang ito basta panaginip.
Tumayo ako at tinanong si D-bot kung tapus na ba ang ritual at sinagot naman ako nito na tapus na at kasabay non ang paglabas nya ng holographic mirror saking harapan. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili.
Inikut-ikot ko ang aking sarili at di ako makapaniwala sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Galaxy Dream Catcher
FantasíaKerita Raizel V. Landria is rock bottom in everything.Looks, grade,life, everything.He is a normal boy with low self esteem. Bullied by people around him.But all of that might change when he accidentally enter the unknown dimension called "Dream wor...