Hope you like it. Happy reading
-Sulatera 💗
Hindi na mapakali sa upuan si Zahra dahil sa pagkabagot, ang pag kaing naka handa sa harapan niya ay paubos na dahil kumakain lang naman siya simula ng dumating sila ng asawa niya. "sana pala hindi nalang ako sumama." naiinis na bulong habang ngumunguya ng cake na ibinigay ni Ino.
Isang birthday party ang dinaluhan nila dahil imbitado ang asawa niya, at sumama lamang siya dahil nababagot na siya sa bahay pero mas mababagot pa pala siya rito.
kung alam ko lang na puro matatanda ang meron dito, edi sana hindi nako sumama.
Napalinga linga siya at pilit hinahanap ang asawa ng biglang lumitaw ito sa harap niya.
Umirap siya at umayos ng upo. "na iinis nako sa party na to Ino, uuwi nako." naiinis at mahina nitong bulong kay Ino na walang pake alam sa sinabi niya. Sanay na sanay na si Ino sa ugali ni Zahra, dahil palaging ganito ang eksena tuwing may pinupuntahan sila. "iuwi mo na ako Ino."
"mamaya na"
"ayuko!, gusto ko ngayon na!" napakamot na lamang sa sintido si Ino, wala naman siyang magagawa pa, ayaw na niyang palakihin pa ang ganitong eksena dahil malalagot lang siya sa asawa.
"wala pa tayong dalawang minuto dito" napairap muli si Zahra dahil sa sinabi ng asawa dahil para kay Zahra ay dalawang oras na siyang naka upo at sumasakit na ang pwet niya, at wala pa siyang maka usap na kaedad niya, hindi siya makakasabay sa mga matatandang naka paligid sakanya.
"Kung ayaw mong umuwi, ako uuwi na" napabuntong hininga nalamang si Ino at tinulungan na lamang tumayo si Zahra, ng makatayo ang asawa ay pumulupot ang kanang kamay ni Ino sa bewang ng asawa at dahan dahan silang lumapit sa mga matatandang Businessman na nag uusap usap para mag paalam. "Ninong." tawag ni Ino sa ninong nitong may birthday, agad namang bumaling ang atensiyon ng mga matatanda sakanya.
"Hijo!, come here." nakangiting tawag ni Harold sa inaanak, palihim namang umirap si Zahra dahil sa nangyayari. "eto ang inaanak kong si Ino, at ang asawa niyang si Zahra. Sobrang proud ako sa batang to, napaka husay" papuri ng matanda na ikinangiti ng marami, muli pa sanang mag sasalita ang matanda ng biglang mag salita si Zahra ng walang paligoy ligoy.
"Tito, uuwi na po kasi kami, pwede po ba?"
"aba!, ang aga naman?" balik tanong ng matanda, sumipol naman ang ibang kalalakihan na animoy may ibang iniisip na ikina kunot ng noo ni Zahra.
"Hayaan mo na sila Harold, alam mo naman ang mga bagong mag asawa, mapupusok ang mga yan." nagsitawanan ang lahat dahil sa sinabi ng isang matanda na kasamahan rin nila sa trabaho. Nanigas sa kinatatayuan si Zahra at parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.
what the fuck is wrong with these old people?! sigaw ng isip niya.
Nilingon niya ang asawa. "Sabihin mo sakanilang hindi yun ang tinutukoy ko!" inis na bulong niya ngunit nginisihan lamang siya ni Ino na mas ikina kulo ng dugo niya.
Walang hiya! Ang kapal kapal ng mukha!
Sa sobrang inis ay umalis na siya at iniwang mag isa si Ino sa harap ng matatandang nag tatawanan, wala siyang pake alam kung ano man ang isipin ng matatanda. Napapa iling nalang si Ino at nag paalam na sa matatanda na pinayagan naman siya, lakad takbo ang ginawa niya para mahabol ang asawang galit na galit, ng mahabol ito ay huminto siya sa pagtakbo para pumantay ang paglalakad nila.
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...