I'm in a good mood so, happy reading💗
Days had passed at parehong iniiwasan ni Zahra at Ino ang isa't isa, walang nag tangkang tapusin ang gulong namamagitan sa kanilang dalawa, hindi naman nakiki alam ang mga magulang nila dahil wala namang ka alam alam ang mga ito.
Sumapit muli ang umaga, at maagang nagising si Zahra habang ang asawa ay nag hahanda para sa trabaho.
Kumakain ng mag isa si Zahra ng matag puan ito ni Ino. "kung may gusto kang puntahan, puntahan mo na." saad ni Ino habang pababa sa hagdan, hindi naman umimik si Zahra dahil hindi parin siya maka paniwala sa sinabi ng asawa noong nag away sila. "Hindi nako kakain. Aalis nako" malamig na sabi ni Ino at nagmamadaling umalis. Pakiramdam ni Zahra ay niloloko lamang siya ng asawa dahil kong mahal siya nito ay gagawa ito ng paraan para mawala ang galit na nararamdaman niya, pero lumipas nalang ang ilang araw ay wala parin, bakit pa ako umaasa?, bakit ako umaasa?.
Pero para kay Ino naman, ayaw niyang pilitin ang sarili sa asawa dahil ramdam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapasaya si Zahra, at hindi lahat ng pag kakataon, pwede mong ipag tulakan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto.Ilang minuto ang lumipas bago natagpuan ni Zahra na natutulala pala siya kaya naman ng maka bawi ay agad na tinapos ang pag kain at agad na naligo para puntahan ang kaibigan.
Nang makarating sa pupuntahan, ang ina ng kaibigan niya ang sumalubong sa kanya. "Zahra, anak, halika, tuloy ka." sabi ng Ginang, sumunod naman si Zahra at pumasok sa loob ng bahay.
"Si Tristine po?"
"nasa taas, ipapatawag ko nalang" nilingon ng Ginang ang katulong, "Paki gising nga si Tine." tumango naman ang katulong, pag ka tapos paki usapan ni Trina, ina ni Tristine, ay humarap ito sa kaibigan ng anak. "kamusta naman ang buhay may asawa?"
Umayos ng upo si Zahra, "ayos naman mo tita." pagsisinungaling ni Zahra, hindi niya magawang mag sabi ng totoo dahil hindi siya komportableng pag usapan ang bagay na ito lalo na sa ina ng kaibigan niya, kahit pa parang ina na ang turing nito sa ginang.
"mabuti naman kung ganun, tsaka napapansin ko naman sa asawa mong maayos naman ito." ngumiti na lamang si Zahra at kinuha ang juice na nakahanda sa harap niya at uminom. "Kailan niyo nga pala balak mag karoon ng anak?" nabulunan si Zahra dahil sa tanong ng Ginang, hindi nito inaasahan ang tanong nito kaya dahan dahan nitong ibinalik ang basong hawak niya at napapahimas sa puso nitong sobrang lakas ng tibok habang ang Ginang naman ay natatawa dahil sa reaksiyon ni Zahra.
Kailan man ay hindi pumasok sa isip niya ang mag karoon ng anak simula ng maikasal sila ni Ino, kaya labis ang gulat niya ng itanong ito sa kanya. "S-sorry tita, n-nabigla lang ho." mag sasalita pa sana si Trina ng biglang dumating ang anak.
"ZAHRAAA!" tili nito habang pababa ng hagdan, ngumiti naman si Zahra dahil sa tuwa dahil hindi narin makakapag tanong sakanya ang tita Trina niya. "buti naman naisipan mong dalawin ako."
"kailangan ko ng kausap eh."
"ganyan ka naman, na aalala mo lang ako kapag kailangan moko." pag dra drama nito na ikina tawa niya. Nag paalam muna sila sa Ina ni Tristine bago pumunta sa garden at doon maka pag usap ng maayos. "nag sisisi ka na ba?" walang paligoy na tanong nito na ikina buntong hininga ni Zahra.
"hindi ko alam."
"ano bang nangyari at kilangan mokong maka usap?"
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...