S U L A T E R A
♥Tsaran! Chapter 8 nako, diko akalaing aabot ako dito. Uwu ^ω^
Sana matapos ko tong story na to. Kahit walang mag babasa ayos lang pero kung meron man kahit tatlo lang.
Magiging masaya nako dun
♥"bakit naman wala ka kahapon?" tanong ni Zahra sa kaibigang naka upo sa kanyang tabi at parang wala ito sa sarili. May pasok nanaman kasi. "Tine, nakikinig ka ba sakin?"
"nag away kami ni Mama kahapon kaya wala ako." walang emosyong sagot nito at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi makapaniwala si Zahra sa sinabi ng kaibigan.
"ano bang ginawa mo?"
"wala" hindi naniniwala si Zahra sa sagot ng kaibigan.
"Wala?, sira ka. Hindi naman magagalit ang mama mo sayo kung wala kang ginawang mali." sagot niya, dahil totoo naman ito. Hindi suwail na anak si Tristine kaya nga pinapayagan siya ng magulang na maki halubilo dito. Wala rin siyang matandaan na pinapagalitan si Tristine ng sarili nitong ina kung wala itong ginagawang mali.
"nakakainis si Mama, she's so controling. Pag ayaw niya, ayaw niya, hindi niya man lang tinatanong kung anong gusto ko. I just want to get rid of my mom." napa kunot noo si Zahra dahil sa sinabi ng kaibigan.
"sira ulo ka Tine, grabe ka ah, hindi ka ganito sa past ko, i swear. Kapag nagagalit ka sa mama mo, palagi mo lang sinasabi na ISA AKONG SUWAIL NA ANAK kahit hindi naman, tapos iiyak ka lang sa harap ko." napa irap siya. "hindi ka nagbibitiw ng salitang ganyan maliban sa MAKAKAPAG TAPOS AKO NG PAG AARAL AT MAG PAPAGAWA AKO NG SARILING BAHAY, LALAYO AKO KAY MAMA KAHIT SAGLIT LANG." ginaya pa niya ang boses ng kaibigan habang sinasabi ito.
"iba naman na ngayon. This is your past, so this is my past too. Ang pinag kaiba lang, wala akong kaalam alam sa mga susunod na pangyayari." napailing siya sa kaibigan, pero may punto naman ito, kung gusto nitong baguhin ang buhay niya, nasa sakanya na yun.
"pero, masaya ka naman sa future mo. Nakita ko Tine, kitang kita ko. Masaya ka---"
"do you really think na masaya ako? Nakita mo lang akong nakangiti pero hindi ibig sabihing masaya ako." makahulugan siyang tinitigan ng kaibigan.
Napabuntong hininga siya. "ang lalim nun ah." biro niya pero hindi tumawa ang kaibigan. "okay, kung anong plano mo, hindi kita papake alaman. I want you to be happy, at tulad ng sabi mo hindi ka masaya, kaya hahayaan kitang gawin ang gusto mo"
"may nililihim sakin si mama at wala siyang balak sabihin sakin yun." napabuntong hininga si Zahra dahil bakit pati ang kaibigan niya ay nag babago? Hindi ganito ang kaibigan niya sa nakaraan, epekto ba to ng pagbabago niya sa nakaraan niya?.
"just call me if you need a friend. Nandito lang ako." tanging sabi niya.
Hindi naman siguro maaapektuhan ang kaibigan niya.
Ang pag aalalang nararamdaman niya ay ipinag sawalang bahala niya lang ito, hindi na rin naman umimik ang kaibigan hanggang sa dumating ang kanilang guro.
Mabilis na lumipas ang oras. Pareho silang tahimik ng kaibigan at nag aabang kung anong susunod na mangyayari sa kanila. Napabuntong hininga si Zahra.
Wala na bang ibang mangyayari sa buhay ko ngayon?
Napairap siya at nilingon ang kaibigan. "Tine, ang tahimik mo naman yata ngayon, hindi ako sanay." nakasimangot na reklamo niya sa kaibigan.
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...