Chapter 4

0 0 0
                                    

H A P P Y
R E A D I N G
🤤



Simula ng matapos ang usapan nila ng kaibigan ay hindi na siya mapakali hanggang sa maka uwi siya, papasok na sana siya sa kwarto para maka iwas sa tatanungin ng magulang niya pero tulad noon ay nahuli parin sya ng mga ito. "great." sarkastikong bulong niya sa sarili bago nilingon ang mga magulang na hinihintay siya. "Ma, Pa!, good afternoon" pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang bibig.

"Zah--ra" may diing tawag sakanya ng ina na ikina irap niya. Bakit ko nga ba nakalimutan na may kasalanan akong ginawa?

"uhmm, pasok na po ako sa kwarto ko, napagod po ako eh." akmang hahakbang na sana si Zahra ng biglang sumigaw ang ama nito na ikinatigil niya, napabuntong hininga nalang siya dahil may mga bagay palang hindi niya kayang baguhin ngayong narito na siya. "Okay, i'm sorry." pilit niyang sabi, dahil ito ang bagay na hindi niya ginawa noon, at alam niyang mas lalala ang galit nila kapag hindi siya humingi ng tawad.

Napahimas na lamang ang kanyang ama sa noo dahil sa inis, "Wala ka ng ibang binigay samin kundi sakit ng ulo. Ilang beses ko bang sabihin sayong----"

"Mag aral ako ng mabuti" pag tatapos ni Zahra sa sasabihin ng ama.

"YES!, alam mo naman pala!" sigaw ng ama.

Alam ko talaga, dahil pangalawang beses natong nangyari.

"sorry, hindi nako ma ze zero sa quiz namin." alam ng magulang niya ang tungkol dito dahil bawat kalokohang ginagawa ng mga studyante sa paaralan ay na rereport ito sa mga magulang.

"Dapat lang." may diing sabi ng ina.

"pwede na ba akong pumasok sa kwarto?" tanong ni Zahra sa magulang, wala namang magawa ang mag asawa kaya't tumango na lamang sila na ikina hinga ng maluwag ni Zahra, ng maka pasok sa kwarto ay agad siyang nag bihis at nag pahinga, habang nag papahinga ang kabang nararamdaman kanina ay biglang bumalik, dahil nag tataka parin siya kung paano siya naka balik sa nakaraan, at paano siya makakabalik sa future niya?. Paano kapag hindi nako makabalik?, but i have plans!, kailangan ko lang iligtas si Twaine at tapos ang plano, baka kapag natapos ko na ang balak kong gawin dito, makakabalik nako sa dati!. "but what if, may kabayaran ang nangyayari?" biglang tanong nito sa sarili. "NO, don't go there Zahra, nandito kana. Stop over thinking." pag ka usap nito sa sarili ng biglang may babaeng nag salita ngunit hindi naman niya makita, sa takot ay nag sumiksik siyang muli sa kama.

"Ako ang dahilan kung bakit ka narito." panimula ng boses. "at bibigyan kita ng pagkakataon para baguhin ang hinaharap mo. Tandaan mo, tapos na ang mga pangyayaring ito at ang taong balak mong ibalik ay patay na at may kabayaran ang bagay na ito Zahra." kinilabutan si Zahra dahil sa sinabi ng boses.

"S-sino ka?!, K-kung may kabayaran, a-ano yun?" nanginginig ang boses na tanong ni Zahra.

"malalaman mo ang lahat pag dating sa dulo Zahra, ang mga dapat mangyari noon ay hindi mangyayari kung babaguhin mo ang mga ito , sana'y mag tagumpay ka." huling bigkas ng boses at tuluyan na itong naglaho. Ngunit ang kaguluhan kay Zahra ay hindi mawala, hindi nito maintindihan ang sinabi ng boses.

Bakit pinagbigyan niya ako?, bakit ako?

Tanong niya sa sarili, pero wala siyang sagot, at sa halip na tanungin pa ang sarili, pinili na lamang niyang matulog para makapag pahinga.

Begin AgainWhere stories live. Discover now