Ilang araw ng hindi mapakali si Zahra dahil sa kilig at pinag halong kaba dahil ilan sa usapan nila ay may nabago at nadagdag. Hindi ganun ang naaalalang usapan nila noon, dahil maikli lamang ang mga naging usapan nila noon, pero tuwing kinakabahan siya ay meron naman ang kaibigan na nagpapakalma sa kanya tulad ngayong nasa bahay sila ng kaibigan dahil walang pasok
Pilit pinapagaan ni Tristine ang pakiramdam ng kaibigan dahil halos hindi ito mapakali sa kakaisip. "relax ka nga lang Zah, stop overthinking, pinapalala mo lang ang mga bagay bagay."
Hindi kayang tumagal na Zahra sa iisang uupuan at ng marinig ang kaibigan na muling nag salita ay tumigil siya at pilit pinapakalma ang kanyang sarili. "Tine, natatakot ako, p-pano kong masira yung plano ko, ibang iba kasi yung nangyari eh."
"Zah, ano ka ba, conversation niyo lang yung nag iba okay?, at hindi naman pwedeng kung ano ang nangyari sa past mo, ay ganun din ang mangyayari ulit. Pangalawang beses mo ng gagawin to at malamang may magbabago talaga." sa sinabi ni Tristine ay napa isip naman si Zahra ng malalim at napa buntong hininga.
"kinakabahan ako. P-paano kung panaginip lang ang lahat ng to?" mahinang tanong ni Zahra habang naka titig sa kaibigan.
Hindi alam ni Tristine ang isasagot kaya't ngumiti nalang siya at niyakap ang kaibigan. "Stop overthinking. Binabaliw mo lang ang sarili mo."
"Tine"
"Shhh" ng maramdamang kumalma na ang kaibigan, saka niya ito pinakawalan sa pagkakayakap. "tell me, ano bang nangyari, nag iisip ka ng kung ano ano, hindi mo naman sinasabi sakin lahat. Ilang araw na ang lumipas, hinihintay lang kitang mag kwento ng kusa."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Zahra bago tuluyan kwinento ang lahat, ng natapos mag kwento ay biglang hindi matapos tapos sa pag tawa si Tristine.
Pilit pinipigilan ni Tristine ang tawang gustong kumawala sa bibig niya. "sinabi mo yun?!" natatawa paring tanong ni Tristine na ikina kunot noo ni Zahra.
"tuwang tuwa ah." naiinis niyang sabi.
"anong mukha ang ihaharap mo nan kapag nag kita kayo?, eh umalis ka pag katapos mong sabihin yun." natatawa paring sabi ni Tristine at hindi pinapansin ang naka kunot noong si Zahra.
"Tsk, meron parin akong mukhang ihaharap sakanya, hindi naman nakakahiya yung ginawa ko."
"sabi mo eh."
Mabilis na lumipas ang oras at malapit ng sumapit ang hapon, hindi man gustong umuwi ni Zahra ay kailangan niya paring umuwi dahil wala sa usapan nila ng kanyang magulang ang mag palipas ng gabi sa bahay ng kaibigan.
Nilingon niya ang kaibigang naka tutok sa telebisyon. "Tine, uuwi nako." paalam niya.
"Hmm" tanging sagot ni Tristine at hindi man lang nilingon ang kaibigan.
"hindi moko ihahatid?" tanong ni Zahra pero umiling lang si Tristine kaya napabuntong hininga nalang siya at pumuntang kusina para makapag paalam sa Tita Trina niya, ina ni Tristine. "Tita, uuwi na po ako."
Napahinto sa pag lilinis ng gulay si Trina at nilingon si Zahra. "hindi ka matutulog dito?"
Umiling si Zahra. "wala po sa usapan namin ni mama ang matulog dito tita, baka sa susunod nalang po."
"sayang naman, akala ko dito ka matutulog, ako pa naman ang maghahanda ng hapunan."
Tumawa si Zahra. "pasensya na tita, diko nasabi kaagad."
"may susundo ba sayo?" tanong ni Trina at ipinag patuloy ang ginagawa.
"opo" pag sisinungaling ni Zahra dahil hindi naman totoong may susundo nga sakanya. Tuwing may pasok lamang siya sinusundo at inihahatid ng kanilang driver, ayaw daw kasi siyang sanayin ng magulang na laging sumasakay kaya tuwing pumupunta siya sa bahay ng kaibigan ay nakikitulog nalang siya at hindi na umuuwi, ngayon lang talaga siya maglalakad dahil hindi sumang ayon ang mommy niya, ayos lang din naman sakanya dahil ngayon lang rin naman niya ito gawin kaya ayos na rin sakanya. "uuwi na po ako tita."
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...