Chapter 3

0 0 0
                                    

Nagbabagang init ang nararamdaman ni Zahra at para lamang siyang naka lutang sa ere, hindi rin niya magawang imulat ang kanyang mga mata dahil sa hilo at parang malalagutan siya ng hininga, hindi niya malaman kung ano ang nangyayari, pero nanatitiling bukas ang pag iisip niya, hanggang sa biglang humupa ang init at bumabalik ng paunti unti ang bigat niya, pakiramdam niya ay naka tayo na siya kaya naman pilit niyang pinapakiramdaman ang paligid at dahan dahan niyang iminulat ang mata.

Sobrang kaba ang nararamdaman niya dahil sa bumungad sakanya, napalingon lingon siya at pinagmamasdan ang mga studyanteng naglalakad at may kanya kanyang mundo. "I- imposible, anong nangyayari?" kinakabahang tanong sa sarili.

"hoy, anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ng kaibigan na si Tristine. Natatawang tinitignan ni Tristine si Zahra na parang baguhan sa lugar at hindi maka paniwala, bakas rin ang kaba at kaguluhan sa mukha nito na ikinatawa ni Tristine.

Agad na nilingon ni Zahra ang pinang galingan ng boses at halos mapa lundag sa tuwa dahil meron ang kaibigan niya. "TRISTINE! O MY GOSH, YOU'RE HERE!"

"Sira ulo kaba?, malamang, mag kasama tayo kanina pa." natatawang sagot ni Tristine at hindi pina pansin ang kakaibang kilos ng kaibigan dahil baka niloloko lang siya nito.

"What?!, magkasama?" sa gulat ay biglang bumalik sa kanya ang mga alaala kanina at nanlalaki ang mga matang hinawakan sa magkabilang balikat ang kaibigan. "Wait, wait, wait. A- anong year ngayon?, a- anong araw?" kinakabahang tanong niya habang lumilingon lingon sa paligid para maka pag isip.

"alam mo Zah, tigilan moko, halika na." hindi interesadong sabi ni Tristine.

"No, No, No.. Please tell me."

Pinag taasan nito ng kilay ang kaibigan dahil sa tanong nito. "August 16, 2016." sagot niya.

"August 16, 2016." paulit ulit na bigkas ni Zahra habang nag iisip. "O my gosh, hindi ako makapaniwala. --- Tine, kurutin moko, please"

Naguguluhan si Tristine sa ikinikilos ng kaibigan, dahil kanina lang ay hindi naman ito ganito, masaya pa nga silang nag uusap ng bigla itong nahilo at napahinto saglit at pagkatapos nun, bigla nalang itong nag kaganito. "Look Zahra, ayukong makipag biruan sayo." napapairap nalang siya dahil sa kinikilos ng kaibigan at pamimimilit nitong kurutin siya, kaya sinunod na lamang niya ang hiling ng kaibigan at kinurot ito sa braso na ikina igik ni Zahra.

"Totoo nga. O my gosh, totoo!" sa sobrang tuwa ay napapatalon ito at hindi pinapansin ang kaibigan niyang may pagtataka ang titig sakanya.

"kung ano man ang trip mo Zahra, mamaya na yan. Ayukong ma late sa klase dahil sa kalokohan mo." dahil sa sinabi ni Tristine ay napahinto sa pagtalon si Zahra.

Sinuri ni Zahra ang Uniform na suot niya at ngumiti ng napaka tamis sa kaibigan. Naaalala na niya ang pangyayaring ito. Hindi mawala ang saya sakanya at kaguluhan dahil sa mga nangyayari, pero nang tuluyan niyang maalala ang mangyayari ngayon bigla niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang kaibigan na nagulat naman sa ginawa niya. "Tine, wag kang iiyak mamaya." matamis parin ang ngiting pinapakita ni Zahra sa kaibigan na naguguluhan sakanya.

"Bakit naman ako iiyak?"

"Zero tayo sa quiz mamaya." sa sinabi niya ay mas nag taka ang kaibigan.

"Pano mo naman nasabing may quiz tayo at zero pa?"

"i just know " pabulong na sabi niya sa kaibigan at nauna ng naglakad, habang napapailing namang sumusunod sakanya si Tristine.

Hindi nga nagkamali si Zahra, dahil zero sila ng kaibigan sa quiz, at tulad ng ginawa niya noon, wala parin siyang pake alam, ngunit ang kaibigan niya ang palaging umiiyak, kaya naman sa pangalawang pagkakataon, sasamahan niyang muli ang kaibigan at pagagaanin ang loob dahil sa nangyari. Napabuntong hininga nalang siya habang hinahagod ang likod nito.

Begin AgainWhere stories live. Discover now