Lumipas ang mga araw at paulit ulit lamang ang mga nangyari, minsan gustong i fast forward ni Zahra ang lahat dahil sa pag kainip at pag kasawa, ngunit tuwing naiisip niyang paglipas ng ilang araw, magkikita silang muli ni Twaine ay bumabalik ang sigla sa buong katawan niya.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Tristine sa natutulalang kaibigan habang nag tuturo ang kanilang guro, hindi naman sumagot si Zahra at ngumiti lamang ito na ikina kunot noo ni Tristine, pero sa halip na muling mag tanong ay mas pinili na lamang niyang makinig sa guro.
Matapos ang pakikinig, muling sumapit ang recess na kina gigiliwan ng lahat. Habang kumakain ang dalawa, muling napatanong si Tristine. "Ano nga ang iniisip mo?"
Natawa si Zahra at hindi pinansin ang kaibigan, pinag patuloy lamang niya ang pag kain pero napahinto siya dahil sa titig ni Tristine. "why are you looking at me like that?"
"Ang damot mo ah, bakit nga?"
"Sakin nalang yun."
"hindi pwede." may diing sabi ni Tristine at ayaw talagang mag patalo. "kaibigan moko at parte ako sa plano mo."
"i'm not sure but according to my memory---"
"what do you mean you're not sure?" biglang putol ni Tristine sa sasabihin ng kaibigan.
"Masyado ng matagal ang mga pangyayaring to, at mga importanteng bagay lang ang natatandaan ko, kaya pakiramdam ko may mangyayaring maganda ngayon." napapangiting sagot ni Zahra at muling sumubo ng pag kain.
"Mabuti naman, dahil ayuko ng marinig ang pag rereklamo mo." nakaramdam ng kaginhawahan sa loob dahil sawa na siyang marinig ang mga reklamo ng kaibigan na napaka bagal daw ng ikot ng mundo, at bakit daw hindi full package ang binigay sakanya dahil wala daw fast forward.
"May mga bagay talagang ayaw kong balikan sa nakaraan ko tulad nito, pero hahayaan ko nalang dahil tutal, maibabalik ko na rin si Twaine." masayang sabi ni Zahra at walang pake alam sa paligid.
napa irap nalamang sa kawalan si Tristine dahil sa pinag sasabi ng kaibigan.Malapit ng muli sumapit ang hapon, at dahil wala silang guro sa last period, napaka ingay ng klase na ikina inis ni Zahra, nilingon niya ang natutulog na kaibigan at walang pag aalinlangang ginising ito na ikina galit ni Tristine. "Zahra naman!, walang guro oh, patulugin mo naman ako." reklamo niya ngunit umirap lamang si Zahra at walang pake alam sa pinag sasabi ng kaibigan.
"Hindi ito ang kwarto mo Tine, gumising kana at samahan mokong lumabas." pamimilit niya habang inaalog ang balikat ni Tristine.
"Ikaw na, inaantok ako" padaskol na sabi niya at muling natulog. Napabuntong hininga nalang si Zahra at walang ganang napatitig sa kawalan at pilit na inaalala ang mga pangyayari noon, ngunit wala talaga siyang mahagilap, sobrang tagal na kasi kaya't halos maka limutan na niya lahat at mga importanteng pangyayari lang ang mga na aalala niya.
Hindi niya namalayang uwian na pala, kung hindi pa siya kinalabit ng kaibigan ay hindi pa mapuputol ang malalim niyang pag iisip. Nilingon niya ang kaibigang naka pag ayos na. "ano? Tulala ka nalang diyan?" tanong ni Tristine na ikina ismid ni Zahra at nauna ng umalis, habang sumusunod naman sakanya si Tristine. "Bad trip ka ah."
Huminto sa paglalakad si Zahra kaya't pumantay sila ni Tristine. "Nakakawala ka ng gana"
"ano nanaman ba ang ginawa ko sayo?" napipikong tanong ni Tristine kay Zahra na sa malayo ang tingin at umiirap pa ito.
"hindi mo maalala?" malditang tanong ni Zahra na ikinatawa ni Tristine.
"Ang sama ng ugali mo ah, natutulog ako malamang. Alam mo, ewan ko ba kong bakit kita naging kaibigan." natatawa paring sabi ni Tristine, sanay narin naman siya sa ganitong ugali ng kaibigan, dahil madalas itong ganito, sarili lang niya ang iniisip, at ang lakas ng loob mag maldita kahit ito naman ang may kasalanan, mabuti nga at natatagalan niya ang ugaling ganito. "Halika na, wag kanang umarte." aya niya sa kaibigan at nag patuloy na sa paglalakad at labag sa loob namang sumunod si Zahra.
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...