Enjoy reading ♥
-S U L A T E R AMaulan sa labas pag gising ni Zahra, malamig ang paligid kaya't napayakap siya sa sarili, wala paring pasok dahil linggo ngayon, ngunit na dismaya siya dahil balak pa naman niyang mag simba ngunit maulan talaga. Hindi naman niya alam na may bagyo pala. Bagyo nga ba?, napabuntong hininga nalang siya at tumuloy sa kusina kahit balot na balot pa siya ng kumot. "MA!" tawag niya sa ina ngunit walang tumugon sakanya. Nang hindi matagpuan ang ina sa kusina ay nagtungo siya sa sala at duon nanood ng telebisyon.
Habang nanonood siya ay bigla siyang nakaramdam ng pagka gutom, hindi nga pala siya kumain kagabi. Napairap siya sa kawalan at tamad na tumayo para maglakad papuntang kusina, nadatnan naman niya ang kanyang inang ayos na ayos ang suot at pinaghahanda siya ng makakakain.
"akala ko ay hindi ka pa gising, iiwanan sana kita ng pag kain dito."
Napakamot siya ng kilay at pilit na ngumiti. "asan ka ba pupunta Ma?"
Nilingon siya ng ina habang pinaghahanda parin siya ng makakakain. "magsisimba kami ng Papa mo, akala ko kasi ay wala kang balak gumising ng maaga."
"pero maulan pa."
"kanina pa huminto Hija, at may sasakyan naman." agad siyang napalingon sa bintana ng kusina at napansin nga niyang tumila na ang ulan, napatagal yata ang panonood niya at hindi man lang niya ito napansin. "Sasama ka ba?" tumango na lamang siya at agad na kumain. Nakasanayan na talaga nilang pamilya ang magsimba kahit paminsan lang siyang sumasama, bigla tuloy niyang naisip ang asawa dahil palagi siya nitong sinasama sa simbahan simula nang maging mag asawa sila. Napabuntong hininga siya dahil ngayon lang niya naisip na palagi pala silang mag kasama ni Ino tuwing nag sisimba. Masyado nga talagang ayaw niya sa asawa dahil lutang na lutang siya kapag kasama ito.
Matapos siyang kumain ay agad siyang naligo, ayaw na ayaw kasi ng kanyang ina ang naghihintay. Agad siyang sumakay ng tahimik sa sasakyan. "himala, sumama ka yata ngayon?" tanong ng ina at nilingon pa siya para makita siya ng husto.
Alam na niya na itatanong ito ng ina dahil nangyari na ito, kung hindi naman kasi siya sasama, mababagot lamang siya sa bahay, mabuti ng sumama dahil may plano rin siyang mamasyal mag isa. "mababagot lang po ako sa bahay."
"hindi yata maganda ang tulog mo?" natatawang tanong ng ama habang nag mamaneho. Arrghh, nakakapagod ang ganito, minsan talaga may pagkakataon sa buhay niyang ayaw niyang balikan. Tsk. Hindi nalang niya sinagot ang ama, hindi tulad ng dati.
Masyado siyang apektado sa nangyari kagabi, kahit sabihin niya sa kanyang sarili na magiging maayos ang lahat, hindi parin niya maiwasang kabahan. Nahinto ang kanyang pagiisip ng huminto ang kanilang sasakyan sa hindi kalakihang simbahan. Agad siyang lumabas at walang imik at emosyong pumasok sa simbahan, para tuloy siyang na guilty dahil sa ikinikilos niya, dapat ay excited siya dahil nasa loob siya ng simbahan, kaya naman pilit niyang pinapakalma ang sarili ang ngumiti ng pilit.
Wala ang kaibigan niyang si Tristine na ipinag taka niya, umaasa siyang meron ang kaibigan tulad ng dati. Bakit wala ito ngayon?, anong pinagkakagawa ng babaeng yun?, sa halip na mag isip pa ng kung ano ano ay umupo nalang siya at wala sa sariling nakinig sa sermon ng pastor.
Mabilis na lumipas ang oras, nag silabasan na ang mga tao mula sa simbahan kaya't ganon rin ang kanyang ginawa, tulad ng plano niya ay nag paalam siya sa magulang na may pupuntahan siya at uuwi rin siya agad.
Mag isa siyang naglalakad papasok sa mall, at parang nag sisisi sa naging desisyon niya. "this is really a boring day. Tsk" bulong niya sa sarili at nag patuloy sa paglilibot, wala siyang kaalam alam sa susunod na mangyayari dahil hindi naman niya ito ginawa noon at sana hindi nalang rin niya ito ginagawa ngayon. Patuloy siya sa paglalakad ng biglang may tumawag sa kanya sa pamilyar na boses.
YOU ARE READING
Begin Again
FantasyZahra, ang babaeng walang ibang hiniling kundi ang bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga pangyayari at hindi maikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Gusto niyang baguhin ang kanyang nakaraan upang mapakasalan niya ang lalaking mahal niya...