Chapter 1: Mortal Life

77 8 8
                                    

Chapter 1

PEARL

Hila-hila ang maleta ay naglakad na ako papasok sa gate ng mansion, of course with poise and elegance. The gardeners are staring at me as I walked pass them. Habang tinitignan nila ako ay napapapikit-pikit pa sila na parang nasisilaw well can't blame them. Talaga namang nakasisilaw ang kagandahan ko.

Napangiti nalang ako pero agad din namang napawi yun nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng mansion. Parang feeling ko ay nawala lahat ng
beautiful vibes ko sa katawan. Papasok na naman ako sa kuta ng mga demonyo. Makikita ko na naman ang mga walang class kong mga kapatid. Napasign of the cross muna ako bago buksan ang pinto.

Pagbukas ko palang ng pinto ay agad na akong nagpose ng fighting stance na pangkarate pero siyempre with class pa rin. I was waiting for something na dumating. Might be a fireball, lightning or yellow light pero wala.

"Oh? Muntanga ka diyan?" tanong sakin ni Topaz habang may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa nakakairitang mukha niya.

Agad akong umayos ng tayo at inirapan siya. "I was just trying a new pose para itest ang elegance and class ko and well kahit anong gawin ko ang ganda ko parin hindi gaya mo," palusot ko and I flipped my hair para mas convincing pero sino nga ba naman ang niloloko ko? Isang Topaz Yell Cordelia lang naman.

"Is that so?" sabi niya habang hindi parin nawawala ang ngiti niya.

"Yes" ngiting-ngiting sabi ko pero sa totoo lang ay iba ang ibig ipahiwatig ng mga tingin ko sa sa kanya.

'Subukan mo lang ipaalam to sa mga kamember mong mga-walang-class-girls kung ayaw mong kalimutan ko na kapatid pa kita at lunurin ka ng tuluyan sa pacific ocean'

Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa sa mga librong hawak niya. Yes, MGA dahil dalawang libro ang hawak niya at may isa pang nakapatong sa lamesa at pinagsasabay niya ito ng pagbabasa. Siya lang mag-isa dito sa sala and I was wondering kung asan yung iba nang biglang may bumaba sa staircase.

"Hoy dilaw! Nakita mo ba yung tinapon ko sa basurahan kanina?" speaking of Satanas.

"Ay wag na pala, nakita ko na," sabi niya habang nakatingin sa akin. I gasped when I get what she meant. Ang kapal talaga ng face niya! Excuse me? Ako? Basura? The oh-so-gorgeous and beautiful Pearl White Cordelia?

"Are you trying to say na I'm a basura? lf I'm a basura then what are you nalang?" nakapameywang na sabi ko sa kanya. Nagsimula ng malukot ang mukha niya hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi ko. Lihim akong napangiti dahil nakita ko na naman ang priceless face niya everytime na nagiging conyo ako. Well, hindi naman talaga ako conyo, l'm just speaking like that to annoy my sisters.

"Oh kadarating palang ni Pearl nag-aaway na naman agad kayo," sabi ng isang mahinhin na boses kaya napatingin ako sa kanan at nakita si Amethyst na nakangiti ng matamis sa akin.

"Pumunta ka na sa ibang bansa hindi pa rin tumutuwid yang dila mo?" sabat ni Topaz habang nagbabasa pa rin. Hindi ko siya pinansin at niyakap si Amethyst.

"Welcome home Pearl," sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Waaaah mimi l missed you talaga! Nakakalungkot without you kasi walang nagcacare sakin dun," napapapout na sabi ko. Totoo naman kasi talaga na nakakamiss ng sobra ang pagiginng maalagain ni Amethyst, kahit yung mga sermon niya ay namiss ko rin. Pati na rin yung mukha niyang mala-anghel na talaga namang ang sarap sa matang titigan.

"Saan ka ba galing? At anong ginawa mo dun?" tanong naman ni Ruby at bumaba na saka tumabi kay Topaz na nag-angat ng tingin mula sa pagbabasa ng libro at naghihintay sa sagot ko.

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon