chapter 15

346 13 2
                                        


Vanessa POV:

"Ouch !!ouch !!dahan dahan naman"

"Akala ko ba kaya mo ang tapang tapang mo kanina hindi kapa nga nasaktan ng masuntok ka eto lang aaray kana" nakasimangot na sabi ko dito akala mo ang tapang kanina ginagamot ko lang ang natamo nitong na cut sa gilid ng labi nito andito kame ngayun sa sala at nakaupo sa sofa para gamutin ang sugat nito ayaw pa sana nito kanina pero napilit ko parin ito para naman mapasalamatan ko ito sa ginawa niyang pag tulong sakin noon.

"Oo naman kaya ko pero pwede namang dahan dahan" sabi nito na napangiwi ng medyo diniinan ko ang pag dampi ng bulak sa gilid ng labi nito.

"Pwede manahimik kana lang" irap ko dito at pinag patuloy ang pang gagamot dito.

Lihim ko namang pinag masdan ang mukha nito wala ka manlang makitang bahid ng pimple dito, makinis at may kaputian din ito maganda sana siya pero maganda din ang gusto nito.

Napatingin naman ako sa labi nito ,her luscious pink lips na parang nang aakit pag tititigan mo ay parang may malakas na puwersang hihila sayo para halikan ito 'aysst ano ba itong iniisip ko nababaliw na ata ako'.

Nakita kong ngumiti ang labi nito kaya naman napabalik ako sa ulirat at napaangat ang tingin ko dito nakatitig din pala ito pero sa lips ko ito nakatingin biglang lumakas ang kabog ng dib dib ko na laging ng yayari pag nahuhuli kong nakatitig ito sakin titig na walang halong kabastusan kundi komportable sa pakiramdam.

Mag sasalita sana ako pero walang salitang lumabas dito, naitikom ko nalang ang labi ko ng iangat na nito ang paningin at nag tama ang aming mga mata andun na naman ang pakiramdam pag tinitigan mo ang mga mata nito.

Kung noong una ang mga mata nito ay walang buhay at animoy nasa kabihasnan ka at kumikislap sa itim pero ngayon kulay dark chocolate na ito at may buhay na ito kumbaga may konting liwanag ka nang makikita sa dilim.

Nagkatitigan lang kami at hindi ko namalayang magkalapit na ang mukha naming dalawa ilang inch nalang ang pagitan napalayo namang kami agad ng may magsalita.

"Oh mga anak handa na ang dinner tara na at kumain" si manang leti na papalapit na samin.

"Aa--ahm opu manang su--sunod napo kami" nautal kopang sabi pakiramdam kong nag ba blush ako, hindi ako makatingin kunwaring inaabala sa pag sisinop ang ginamit kong first aid kit.

Tumayo na ako ng mayos, ang first aid kit at nilapag na muna sa lamesa bahala na ang maid ang mag sinop dito. Mag lalakad na sana ako patungong kitchen ng mapansin kong nakatayo lang si Vhan mula sa kinauupoan nito kanina at nakatingin sakin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay para matakpan ang pamumula ng aking mukha.

"Ano tatayo kana lang diyan ,tinawag na tayo ni Nay Leti wag mo nang paghintayin" tinarayan kona lang ito parang walang nangyari kanina.

Nauna ng naglakad patungong kitchen ng makapasok nakita kong nakahain na sila naupo na ako at sakto naman ang pasok ni Vhan naupo naman ito sa harap ko inalis kona lang ang tingin dito at nanguha nalang ng makakain. Nag luto si Nay Leti ng favorite ko ang ginataan manok masarap talaga ang ginataan na luto ni manang nag mula kasi ito sa bicol ipinag luto ako nito ng 8 yrs old ako ng time na pagod ako galing sa pag lalaro, ito ang iniluluto niya simula non lagi na akong nag rerequest sakanyang ipag luto ako nito.

Matapos mag pray nag simula na kaming kumain ng mag salita si manang.

"Mukhang mag kaibigan na kayo ng alaga ko Clar" napatingin naman ako kay Nay Leti na katabi na ngayon ni Vhan na nakangiti namang nakatingin sakin.

"Ahm siguro po" sabi naman ng isa, nakatingin na din ito sakin.

"Ano iha mag kaibigan naba kayo nitong si Clar" hinawakan pa ni manang ang kanang balikat ni Clar tumingin naman ang isa dito at nag half smile lang at tinuon ulit sa pag kain.

Devil Me (GXG ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon