Dedicated this chapter to the one and only (Iloveintersexstory) 😁😁😁 sa nag iisang nag comment sa story ko.. Yow.yow thank you ahh 😀
Comment naman po jan 😅😅At sa lahat po ng nag vote maraming maraming salamat po at sa mga nag babasa po ng story ko maraming thank you po 😁😀
°°°°°°°°°°°°°°°°°Vhandar POV:
Kakasabi ko lang na iiwasan ko na siya pero heto at kasama ko siya ngayon. Ng mapag alaman kong siya pala ang uumiiyak na babae sa rooftap ay biglang may galit akong naramdaman sa taong nag paiyak sakanya. Hindi na napigilan ng sarili ko ang iwasan siya ng makita ang kalagayan nito bigla nalang gustong gusto ng aking katawan at puso na hagkan ito at patahanin para mawala ang sakit na nararamdaman nito. Mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko kaya dinaan kuna lang sa pang aasar dito naging effective naman dahil bumalik na ang dating mataray na babae pagdating sakin.
Kasalukuyan akong nag dadrive at ito ang isa ay sobra ang kapit oh sabihin nating mahigpit ng nakayakap sakin. Napapangiti naman ako dahil sa takot pa din itong sumakay dito sa mutor ko, nag talo pa kami kong ang car niya oh itong mutor ang gagamitin namin pero sa huli ako ang nanalo nangungulit pa ito kung saan kami pupunta pero hindi ko sinasabi sakanya kaya nanahimik nalang ito.
Naka ngiti parin ako ng maalala ang ngyari kanina, hindi kuna talaga mapigilan ang sarili ko pagdating sakanya hahayaan ko na lang ba ang sarili kong mapalapit sakanya oh baka maulit nanaman ang nakaraang pilit kunang kinakalimutan.
Napabuntong hininga ako ng sumagi nanaman ito sa isip ko, napapitlag ako ng may kumurot sa tiyan ko. Kaya medyo gumewang ang mutor pero naagapan ko naman.
"Bakit ka ba nangungurot" pasigaw na sabi ko dito para marinig nito.
"Pwede bang dahan dahan lang!" Sigaw din nito
Napailing nalang ako at medyo binagalan ang takbo malapit na din naman kami sa destinasyon namin.
Pumasok ako sa gate at ng makahanap ng paparadahan tinigil ko na ito hinawakan ko ang kamay nito para alalayan itong bumaba.
Bumaba na din ako at hinawakan ang wrist nito para hilahin patungo sa loob panaka naka ko itong sinusulyapan makikita mo dito ang galak at mangha sa nakikita.
Huminto muna kami sa may bench tinignan ko ang oras alas 3 na pala ng hapon. Hinarap ko naman ito at nakikita mupa din sakanya ang tuwa at pagka mangha.
"First time mo bang pumunta dito" tanong ko dito na may amuse sa mukha napatingin naman na ito sakin at nakita kong nag blush ito para itong batang tumango tango at bahagyang tumungo.
Napangiti naman ako sa naging reaction nito kaya naman hinawakan kuna ang kamay nito at hinila sa space shuttle huminto kami sa harap at tumingin dito.
"Kaya mo ba" ngising tanong ko sakanya tumingin naman ito sakin bakas dito ang kaba pero nawala din ito at napalitan ng taray mode nanaman.
"Oo naman ako paba" sabi nito at hinila ang kamay nito sa pag kakahawak ko at nag cross arm ito napailing nalang ako.
"Sige dito kalang at bibili ako ng ticket" tumango lang ito kaya naman nag punta na ako sa bilihan ng ticket ng makabili bumalik na ako sa puwesto namin kanina andun naman to inip na inip na naka cross arm pa din at nakasimangot walang pakialam sa paligid pinag titinginan na ito ng mga tao sa paligid nito lalo na ang mga lalaki nag tutulakan pa kung sino ang lalapit.
Hmmm sino ba naman ang hindi mapapatingin dito kung ang diyosa ba naman makikita mo pero diyosa ng katarayan tsssk nagiging corny na ako at madaldal na hindi naman dapat? Nilapitan kona lang ito ng makita akong papalapit ay tinaasan ako ng kilay problema nito.
BINABASA MO ANG
Devil Me (GXG ON-GOING)
De TodoKahit na ikaw nalang ang natitirang tao dito sa mundo? Hinding hindi ako mag kakagusto sayo ?? Sa tulad mong daig pa ang demonyo?? Ang tulad kong demonyo nagagawa ang ano mang nais mapasakanya lang ito..tignan lang natin kung may magagawa kapa kung...