Alliston
"You're late."
Napalingon naman ako nang labasin ako ni Louella mula sa private room niya pagkakita pa lang sakin. Tanging glass wall lang kasi ang pagitan niyon sa pwesto na ibinigay nya sakin as her assistant. Kaya naman tanaw nya talaga na kadarating ko lang.
Kasunod nito yung mga kausap nito na dalawang babae na mukhang tauhan nito. I am not surprise though, lagi namang busy itong babaeng ito. Kahit yata sa pagtulog puro negosyo nasa isip nya.
Why is she into their business too much? Mayaman naman sila. Why don't she just hire competent people to do her work for her?
Oh, yeah. Louella has trust issues nga pala. Saka narcissistic. Feeling yata nito ito lang ang magaling. That no one can do things better than herself. What a nut ass.
"Is your alarm clock not working? Or you weren't aware of the time itself?" Masungit na sabi pa nito na lalong nairita nang pasadahan ako ng tingin.
Ano bang problema nya lagi sa suot ko. Hindi ko naman kasalanan na belong na sya sa mga oldies no!
Oh, ganoon nga pala pag matatanda na. Masusungit at laging iritable. Yikes!
"Hindi ko napansin. Sorry." sabi ko na lang para di na humaba yung usapan.
"Sorry?!" Louella exclaimed. Bahagya pa ngang tumaas ng isang pitch yung normal na tono ng boses nito. "I am making millions a minute, Alli bear. Respect my time if you can't respect yours! Kelangan bang bilihan kita ng tower clock para aware ka sa oras? This is so irresponsible"
Napatingin ako sa wrist watch ko. It's only eleven o'clock in the morning pa lang naman.
Grabe naman, makasita? Saka ang OA nung tower clock ha.
"Pooper, calm down. It's my first day here. Ang sungit mo agad. Meron ka ba? O masyado mo lang akong namiss?" Ngumiti pa ako sa kanya. Baka kasi madaan ng ngiti. Tutal naman lahat nagsosoften pag nginingitian ko. Even Grant na sobrang hirap suyuin pag galit.
"So you were expecting special treatment because it's your first day?" Masungit pa din na sabi nito.
"No." Umiling naman ako agad. "I am just expecting atleast some considerations for my adjustment period."
"Such excuses for incompetence."
Huminga muna ng malalim si Louella na para bang kinakalma din nito yung sarili nito. Pero halatang bakas pa din yung inis sa bukas ng mukha nito.
Hindi ko tuloy alam kung ano yung gagawin at sasabihin ko para mawala na yung pagkainis nya. Ang aga aga naman ng bad mood na yan. Hindi pa nga ako nakakaupo.
"Fine, I'm sorry okay?"
Akala ko naman ay ma-a-appease na ito dahil humingi na ako ng pasensya. Pero damn! Talagang naghahanap yata ito ng away. Nagsisimula na din tuloy ako mainis.
"Okay. But I specifically ordered my guards not to let your guards in, hindi ba? Anong ginagawa nila dito?"
Umangat lang yung kilay ko sa sinabi nito na nagsasalubong pa din yung kilay nang masulyapan yung mga bodyguards ko.
"That's for my safety. Saka wala naman-"
"You're safe when you're with me. Palabasin mo yang mga yan! It's a huge insult with my capabilities to protect you inside my own territory!"
I gaped at her. Napaka nya ngayon. Akala ko ba ceasefire na kami? Bakit ang sungit na naman nya?
Letse ka Louella. Isa pa!
BINABASA MO ANG
Taming Alliston
ChickLit"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa meeting namin ngayon kasama ng mga investor nya. Sinundo na nya ako sa unit dahil lagi akong nalelate. "Problema mo ba? I'm decent. It's no...