Alliston
"Dito!?" I didn't try to hide my disappointment when we stopped infront of a newly painted white gate. "You woke me up this early, deprive me to sleep some more, just to come here?!"
Tila hindi apektado ng iritasyon ko na tumango lang si Pooper. Bumusina lang ito. Ilang segundo lang ay may matandang lalaki na ang nagbukas samin ng gate.
Ibinaba ni Louella yung salamin ng sasakyan nito para batiin yung matandang lalaki na ngiting-ngiti ng makita sya.
Pagkatapos ay pinasok nito yung sasakyan sa malawak na lawn. Kitang kita ko pa yung pila ng mga bata na tila nagkakagulo pa habang nakatingin sa sasakyan namin. Mukhang inaasahan talaga na darating ito doon.
"I don't want kids, Pooper. Damn you! You should have asked me first kung gusto ko pumunta dito o hindi!"
Inihinto nito yung sasakyan nito matapos makapagpark ng maayos. Walang imik na tinanggal yung seatbelt at saka ako tinapunan ng tingin.
"That's exactly why I brought you here, Alli bear. You want to love me, right? Accept all of me then. You can't choose kung ano lang yung gusto mong gustuhin sakin." Seryosong sabi pa nito. Dumukwang ito para tanggalin din yung seatbelt ko. "I don't like kids din noon. This is the price I am paying to Grant. It's her orphanage, Alli. Lahat ng na-save nya as she was seeking her revenge for her mother's death, dito nya dinadala. Grant saved me. She brought me here too. Not as one of them. But to show me how lucky I am compare to them."
Natigilan ako sa sinabi nito. It surprised me that Grant has this soft side. Grant has no empathy towards other people. She doesn't even have a conscience to start with. Ang tingin lang nito, basta pasok sa prinsipyo at pangangailangan nito, lahat ay tama. I know. I know because as Grant is building her hatred, I was there to control her. I was trying to stop her in totally crossing the line of her insanity.
"Come, Alli. Meet them. Everyone has a story to tell that's yet to be told. Don't you want to know me more?" Ngumiti ito at saka bumaba ng sasakyan.
Everyone cheered when they saw her. Mabilis na nagtakbuhan pa yung mga bata at yumakap sa kanya. Napangiwi naman ako.
Nah. Dito na lang ako sa sasakyan. Bahala na sya dyan kung gusto nya magstay kasama ng mga batang yan.
Tumingin sa direksyon ko si Louella. She even lifted a kid na para bang tatlong taon o apat na taong gulang na. Pagkatapos ay sinenyasan ako na bumaba ng sasakyan.
I groaned inwardly. Oo, I am starting to like her because she's nice. But it doesn't mean na mag-aadjust ako para sa kanya no.
Nagulat ako ng may binulungan itong batang babae. Pagkatapos ay tumakbo papunta ng sasakyan yung bata. Awtomatikong ni lock ko agad yung pinto.
Yikes! Ang dungis dungis nya no! Mukhang kakakain lang ng tsokolate. Bakit ba hinahayaan nila yung bata na kumain ng chocolates kung di naman kayang kumain ng hindi madudumihan yung bibig nila? Eeewwieee!
Kinatok nito yung bintana ng kotse at saka idinikit yung madungis nitong mukha na para bang sinisilip ako mula sa labas. Nagpaawa pa nga ito habang sige sa pagkatok.
Damn you, Louella! You're so cruel! Really! Bone-deep.
"Alliston, bumaba ka na dyan! Naghihintay yung bata." Sigaw pa nito mula sa labas. Tumawa pa ang gaga. Akala nya yata nakakatuwa yung ginagawa nya.
At saka anong bata? Gusgusing bata. Jusko!
Bumalik yung tingin ko sa batang babae na nakatingin pa din sakin mula sa labas. She's too adorable. Morena ito na parang goldilocks yung buhok. Brown big curls. She has dimples too.
BINABASA MO ANG
Taming Alliston
ChickLit"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa meeting namin ngayon kasama ng mga investor nya. Sinundo na nya ako sa unit dahil lagi akong nalelate. "Problema mo ba? I'm decent. It's no...