Louella
Pagpasok namin sa loob ng orphanage ay sinalubong na kami ni Grant. Nakangiti ito ng malapad nang makita si Alliston na may buhat buhat na bata. Pero nawala iyon ng makita kung sino yung buhat ni Alli.
Grant doesn't like Cray. Not because of anything else. She just doesn't like the kid because Cray resembles the guy that killed her mother. The guy who planted a bullet on her mom's head right infront of her. That must be painful for Grant. Lalo na sa gaya nito na masyadong mataas ang memory retention.
But still, she's being civil to Cray at least. Saka kahit naman medyo aloof ito sa bata ay hindi naman ito unfair dito. Grant's giving the same treatment to her as she is giving to everyone.
"So they've met." Kaswal na sabi ni Grant. Katabi nito si Sammie at Leigh na tumutulong sa pag aasikaso sa mga bata. May mga caretaker naman na nandito at tinutulungan ang mga ito.
Ibinaba ni Alli si Cray. Yung bata naman ay lumapit kay Grant. Yumuko si Grant para halikan si Cray sa noo.
"How's your birthday?" kaswal na tanong nito kay Cray at bahagyang ngumiti.
Excited naman na nagkwento si Cray tungkol sa lakad namin ngayon. Kung ano ang mga kinain nila kaninang lunch at yung mga binili ni Alli para dito at sa iba pang bata dito sa orphanage. Ibinida din nito yung new shoes nito na suot suot na nga nito ngayon ata ayw ng hubarin para daw hindi ito mahiya tumabi kay Alliston kanina.
"Anong sinabi ko sayo tungkol sa paghingi, Cray? Hindi ba at sinabi ko na masama iyong manghingi at tumanggap lagi ng bagay mula sa ibang tao?" Sita nito kay Cray. Pagkatapos ay inis na tiningnan kaming dalawa ni Alliston. Parehas lang kami ni Alli na tinaasan ito ng kilay.
Sharing isn't bad. Saka the kid needs it. Sabi nga ni Alliston, it's a necessity.
"Hindi nyo dapat sinasanay yung bata na tumatanggap ng kahit ano. Ang instruction ko, raketa lang ang bibilihin."
"Regalo mo yun kay Cray. Yung mga binili namin sa kanya at sa iba ay regalo namin sa kanila." Depensa ko na lang para di na sumabat si Alli.
Umiling lang si Grant bago binalingan ulit si Cray. "Ikaw naman Cray, wag ka tanggap ng tanggap. Hindi lahat ng bagay, libre mo makukuha."
Napayuko naman si Cray nang marinig iyon. Halatang takot ito kay Grant. "Pero may papalit naman ako."
"Anong papalit?"
"Sabi po ni Ate Alli dapat lalaro ako ng tennis araw araw."
Lalong nagsalubong yung kilay ni Grant. Halatang hindi nagustuhan yung ideya na maglalaro din ng tennis si Cray. "Hindi ba sinabi ko sayo na mas okay magbasa ng books kesa maglaro sa labas? Dapat mag-aral ka ng mabuti para may marating ka. Akala ko ba gusto mo maging gaya ni Ate Alli? Kung maglalaro ka lang sa labas, wala kang mararating paglaki mo. Magiging kagaya ka lang ng tatay mo na wal-"
As I was about to stop Grant, Alliston already grabbed Cray's arm palayo kay Grant.
"Hey, that's foul!"
Umangat lang yung kilay ni Grant dito. "Get away in this, Alliston. You don't know anything about raising a child."
"So as you." Maangas na sagot dito ni Alli. Pansin ko pa yung paghawak ni Cray sa laylayan ng damit nito na para bang takot na takot na makitang nagagalit si Grant. Maybe the kid is reliving the memory of seeing Grant bathing her father's blood.
"Kids ought to play. It's their job to be annoying." Rason pa ni Alli. "They need to do outdoor activities for their mental and physical health. If igagaya mo yung bata dito sayo na puro libro lang ang ginagawa, they'll get bored. They will be like you who will never understand how to show empathy and sympathy towards other people too."
BINABASA MO ANG
Taming Alliston
ChickLit"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa meeting namin ngayon kasama ng mga investor nya. Sinundo na nya ako sa unit dahil lagi akong nalelate. "Problema mo ba? I'm decent. It's no...