Prologue

64.5K 1.5K 777
                                    

"Dad, can we take a short break?" Pagod na pagod na ako. Tumutulo na yung pawis ko mula sa noo papunta sa gilid ng pisngi ko.

Habol ko na din yung paghinga ko mula sa ilang oras na paglalaro. Idaan pa yung bigat ng hawak kong raketa at paghabol sa bola kahit pa ikadapa ko iyon.

"Break? Again?" Tumawa ng sarkastiko yung Daddy ko at saka mas nilakasan yung hampas ng bola papunta sa direksyon ko.

I fell off my knee nang habulin ko iyon. Marahil dala ng sobrang pagod ay nagkasalabit na lang din yung mga binti ko at kusang bumigay kaya ako tuluyang bumagsak.

"That's why you always lose, Alliston." Dad hissed in a disappointed tone. "You always complain. You're so weak. Do you think may kalalagyan ka kung ganyan ka kahina?"

Napatingin na lang ako sa sahig bago dahan dahan tumayo. I felt my knee aching. Baka nagasgasan na iyon kahit pa may suot akong kneepads.

"Tony, Can't you go easy to your child? She's just nine."

Napaangat yung mukha ko kay Uncle Kail, kapit bahay namin at isa sa mga kalaban ni Daddy sa negosyo.

Weird that they are competitors but they are still hangging out in the same place kahit pa naghahanapan lang sila ng kahinaan ng isa't isa.

"Mukhang pagod na nga po sya." Magalang na sabi pa ng anak ni Uncle Kail na si Kuya Kyeroh. "Okay ka lang ba, Alli?"

Nahihiyang umayos ako ng tayo at nag-iwas ng tingin sa mga ito. Nakakahiya.

Right, Alli. Be ashamed. Nakita ka ni Kuya Kyeroh na lalampa lampa. Kaya ka pa naman naglalaro tuwing weekends ay para makalaro sya.

Every Sunday ay sumasama ako kay Daddy dahil naglalaro ito ng tennis kasama nga sila Kuya Kyeroh at Uncle Kail.

"That kid is always slacking off. She's not a princess. She should learn that everything should be worked hard for. What a brat! Hindi lahat dinadaan sa ganda lang. Dapat matuto syang maging madiskarte at pagtrabahuhan ang mga bagay na gusto nyang makuha." Disappointed na lumapit sakin si Daddy at inabutan ako ng tubig.

Right. I asked him to buy me a bike para makasama ako kina Aria at Jen pag gusto nilang magbike tuwing walang pasok.

"Take things seriously, Alliston." Tinapik pa nito yung ulo ko saka hininaan yung boses para kami lang ang makarinig. "Remember what I told you. Winner takes it all. Yung nakukuha ng second place? Yung mga bagay na itinapon na lang sa kanya ng first place. Nobody remembers a second placer in any competition. Only the top ones are being acknowledged. Be the best! You're such a disappointment."

Nahihiyang uminom na lang ako ng tubig na inabot nito kanina.

Dad doesn't like me because I remind him of my mother's deception. Lagi nila iyong pinag-aawayan kaya alam ko. Minsan kelangan ko na nga lang magbingi-bingihan para di ako madamay.

My Mom was a former beauty queen na nagkagusto kay Daddy. Ginawa nito lahat ng paraan para maikasal sila kahit pa ang gumamit ng impluwensya ng mga kamag-anak nitong may mga posisyon sa gobyerno. Dad, being her perfect pawn dahil isa ito sa mga kinikilalang mailap na bachelor sa lugar namin.

"Why I end up having a daughter instead of a son?" Bulong pa nito habang naiingit na nakatingin kina Uncle Kail at Kuya Kyeroh na ipinagpatuloy na lang yung paglalaro din ng tennis. "Kail is so lucky to have a perfect son like Kyeroh. I wish I can just have a son like him. Kaya ikaw Alliston?" Tumingin pa sakin ito. "You should marry someone like Kyeroh. Siguro naman ganyan kataas yung taste mo. Your mother knows how to choose, so no doubt."

I caught the sarcasm in his tone. It's not new. I am accustomed to it. Both of my parents are good at showing their good side to other people. Sa harap ng madaming tao, our family is perfect. But inside? No, it isn't.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon