Hindi ko na mabilang kung ilan Santo na ang natawagan ko, hindi ko na rin alam kung sino lalapitan ko makahanap lang ng pangbayad sa Ospital,bigla na lang nahimatay si mama pag uwi ko kaya sinugod namin sya dito sa Ospital.
Napahagulgol na lang ako ng maiisip ang sunod sunod na problema, kailangan ko pang magbayad ng tuition para ngayong semester. Saan ako hahanap ng pera?
Napaupo na lang ako sa baitang ng Fire Exit ng Ospital,magkakalahating oras na akong panay iyak at tawag sa mga pwede kong utangan pero kulang parin.
"Papa balikan mo na kami, Hindi na namin kaya" pagkausap ko sa hangin dahil matagal na kaming iniwan ni papa sabi ni mama maliit pa lang kami umalis na sya kaya kami naghihirap ng ganito.
"Hindi na babalik ang taong iniwan kana" napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko, hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim sa may parte ng fire exit.
"Sino ka?" Tanong ko
Hindi sya sumagot. Nilahad nya lang Ang kanyang panyo at umupo sa tabi ko. Nahihiya man ay tinanggap ko na ang panyo dahil mas nakakahiya baka masinagan nya ang luha at sipon ko.
Nanatili lng sya sa tabi ko,hinahayaan akong umiyak nang umiyak, at nakinig sa mga hinanakit ko. Ilang sandali kami sa ganoong posisyon na kahit papaano gumaan ang loob ko, na kahit Isang beses at kahit ngayon lang may nakinig sa akin.
I don't care who's beside me, because right now I only need is a person to lean on
YOU ARE READING
A Person to Lean On
RomanceJaimin knows that she has a messed up life but is it right for her to be close to what she hated? Is it right for her to lean on the person who once made her suffer? And how long will the question resonate in her mind? Is this the ri...