Chapter 4

21 7 0
                                    

Kinakalikot ko lang ang mga daliri ko habang naka tingin sa labas ng kotse, sobrang tahimik kasi dito sa loob ng kotse nya halos paglunok ko na lang ang naririnig.

"Ahm kakaliwa ka diyan" Turo ko papuntang bahay.

Ganito lang kami magmula kanina, maneho lang siya nang maneho habang ako ang nagtuturo nang dereksyon.

Mga kinse  minutos bago kami nakarating sa bahay, hinintay ko munang buksan nya ang pinto ng nakalabas na ako.

"Pwedeng paki bukas na yung pinto? Nakalock kasi walang bukasan dito." Nahihiyang Sabi ko.

"You'll not even thank me?" Naiinis na anya.

Napaka ikli din naman ng pasensya nito "Pwede ba buksan mo na lang yung pinto ang dami mo pang arte."

Pumikit sya ng mariin bago humarap sa akin"Euvi.... Just say it,can you?" Bagaman alam kong nauubos na ang pasensya nya nandun parin ang pagiging kalmado.

Bakit ba napaka big deal sa taong ito sng pasalamatan sya?"Okay, Thank you Aiden." Sabi ko at ngumiti pa nang pagkalalaki sa harapan.

Naghintay akong buksan nya ang pinto pero bigla na lamang syang bumaba at sya na mismo ang nagbukas mula sa labas nito.

Bumaba na ako at kumaway na sa kanya nya. "Take care" simpleng sabi ko bago pumasok sa bahay kasabay ng   pag alis nya.

Nadatnan kong naka upo sa may sala ang kapatid ko habang nanunuod ng t.v.

"Asaan si Mama?" Tanong ko.

"Nasa sugalan" Hindi nya man lang ako tinignan ng sabihin nya iyon.

Nilagay ko muna sa may mesa ang bag ko bago pumasok sa kusina. Tinignan ko kung may maluluto pa ba kaming ulam na kahit sardinas lang. Hinalughog ko lahat ng pwedeng lalagyan pero wala na talaga maging bigas wala din.

Bumalik ako sa sala para tanungin so Jaycel kung kamain na sila.

"Jaycel, kumain na ba kayo? Wala na kasing maluluto, tsaka wala pa akong pambili."

"Oo kumain na kami nung pagkain binigay ng kapitbahay bago umalis si mama, Wala ng natira kasi kulang pa sa amin at saka sabi ni mama humanap kana daw ng trabaho wala na siyang pera."

Ito ang pinaka problema kay mama, Wala na nga kaming pera nakukuha pang mag sugal.

Niligpit ko muna lahat ng gamit ko bago naligo at nagpalit ng pormal para makahanap ng trabaho. Aalis ako ng bahay ng walang kain at ang tanging dala ay resume.

Dahil malapit lang kami sa University ay mas malapit din sa amin ang bayan halos sampong minutong lakaran lang. Naghanap ako ng part time sa mga coffee shop at mini restaurant dahil duon kadalasang tinatanggap ang katulad kong college.

Dalawang coffee shop at isang restaurant na ang napagtanungan ko at isa't kalahating oras na ako humahanap bago natanggap sa isang restaurant bilang isang waitress. Ayos ang sahod at malapit lapit lang sa bahay pero puyat naman ang kalaban ko. Pag uwi pa lang kasi galing sa school ay hanggang hating gabi  na ang duty ko pero ayos lang hanggat may kikitain.

Pauwi ng bahay ay naisipan kong bumili ng tigsasais na tinapay dahil hindi na kaya ng sikmura ko. Inilang subo ko lang ang tinapay dahil siguro sa gutom ko.

"Aba Jaimin hindi ba sabi ko sayo yang kalandian mo,huwag mo nang dalhin dito! Alam mo ba ano sabi sa akin nung mga kalaban ko sa sugal?!Sayo  raw ako kumukuha ng pera kasi may mayaman ka raw boyfriend. Ang hindi nila alam ay palamunin ka lang!"

Masasakit na salita kaagad ni mama ang bumingad sa akin pagpasok ko ng bahay. Ang hirap naman mabuhay ng tahimik dito sa mundo ang daming sinasabi sayo.

"Ma Sabi ko naman sayo wag mong paniwalaan ang mga iyon. Ako Ang paniwalaan mo dahil ako Ang anak mo. At saka pwedeng bukas na itong sermon nyo dahil pagod nako ma gusto ko nang magpahinga katatapos ko lang pong humanap ng trabaho." Kahit pagod na pagod na ako ay nahihiya ko paring talikuran si mama.

"Aba ngayon ka pa lang humanap ng trabaho? Bilis bilisan mo naman humanap ng pera bukod sa wala na akong pangsugal ay wala na din kaming makain ng kapatid mo." Sabi nya na hindi man tinatanong kung ako ay may pangkain pa.

Dumaretso na ko sa kwarto dahil hindi ko na mapigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Minsan akala ko sanay nako, na manhid na ako, yung tipong kaya ko na kahit anu pang sabihing masakit na salita ni mama pero itong puso ko hindi mapigilan yung sakit,pilit tinutulak ang mga luha kong gusto pang kumapit kaya sa huli iniiyak ko na lang mag isa kagaya ngayon, mag isa na naman akong umiiyak wala man lang ako masasandalan sa mga kaganitong sitwasyon.

Dahil siguro sa pagod ay nakatulugan ko na ang pag iyak. Nagising na lang ako sa ingay ng aking Alarm.

Gaya ng kahapon ay ako na ang  naglinis ng bahay habang tulog pa sila. Hindi naman kasi ako makapagluto dahil wala namang mailuluto.

Umalis ako sa bahay ng walang kain. Masyadong maaga pa pero mas gusto kong pumasok na  kaysa manatili sa bahay.

Pagdating sa University ay dumaretso na ko sa Engineering Department dahil wala naman akong ibang kaibigang pwedeng makasama.

Pagpasok ko sa room ng aming first period ay wala pang student duon. Kaya mas pinili ko na lang basahin ang lesson namin para ngayong araw.

Tumagal pa ng kalahating oras Ang pagbabasa ko bago pumasok si Zoey.

"Good morning friend! Why are you so early today?" Masiglang tanong nya.

"Wala lang masyadong ginawa sa bahay kaya napaaga ng pasok." Sabi ko habang nilalagay sa bag ang binabasa ko.

"Ahh okay... By the way, do you know if where is the first period of Eva?" Tanong nya. Natatawa pa'ko sa paraan niya ng pag-i-ingles.

"Hindi eh, kahapon ko lang kasi siya nakilala, remember?" Sabi ko at tumango naman sya.

"Paano ka nga pala naka uwi kahapon? Itinuloy mo talaga pag uwi mong nasisinagan bra mo?" Pag iiba nya ng topic.

"Hinatid ako ni Aiden." Simpleng sagot ko.

"Owww myyy goddd!!!! Seriously?! Si Bain hinatid ka!!!" Nagtatalon pa sya habang sinasabi nya iyon, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Tumigil ka nga nakakahiya sa mga kaklase natin" Natatawang sabi ko dahil patuloy lang sya sa pagtili at pagtalon.

"Ow my gosh! I envy you friend!! Imagine Bain Aiden Villanueva!! Your so lucky! Shitt!!" Hindi ko na napigilang mapatawa sa pagtili nya, dinaig nya pa akong hinatid.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Zoey. Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko siya na kahit hindi kami magkadugo ay importante ako sa kanya. At pagkasama ko siya nakukuha kong maging masaya.

__________________________________________________________
____________________
Hope you like it 😊😘
- chelssyyyyy the author

 A Person to Lean OnWhere stories live. Discover now