Chapter 7

15 5 6
                                    

Nauna na akong pinababa ni Aiden dahil magpapark pa daw siya. Naglalakad pa lang ako sa hallway ay alam ko ng may kaganapan sa University. Hinigop ko ang kapeng inilibre sa akin ni Aiden ng malamang  hindi ako nag aalmusal bago nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad ay hindi ko naiwasan ang bola na tumama sa kamay ko kung saan nakalagay ang aking kape kaya nabuhos ito sa kung sinong kasalubong ko.

"Shit!!" Sabi nang natapunan ko.

"Sorry po." Paumanhin ko.

"I just entered this school then this is what will welcome me? Seriously?" Sa pagsasalita mahahalata na hindi siya lumaki dito sa Pilipinas.

Isa siyang Babae na maputi at bakas ang karangyaan sa kaniyang suot na mga alahas.

"Sorry po talaga." Paghingi ko ulit ng paumanhin.

"Hayts! Whatever bitch!" May pagtaray pang anya.

Alam kong kasalanan ko pero alam ko ring hindi tama na tawagin nya pa ako ng ganoon. Tinggal ko na lang sa isipan ko iyon at pumunta na sa First period ko.

Tahimik akong nakaupo ng pumasok si Aiden at tumabi ng upuan sa akin.

"Hey, where is your coffee my Euvi?" Sabi niya ng mapansing wala na akong dalang kape at hindi ko rin alam kung bakit mag simula kagabi ay "my Euvi" na ang tawag nya sa akin.

"Natapon kasi kaninang natamaan ng bola ang kamay ko at tsaka tigil tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng My Euvi baka akalain nila na mag jowa tayo." Sabi ko pero hindi niya pinansin iyon at kinuha lang niya ang kamay ko at tinignan iyon.

"Woy, anung ginagawa mo sa kamay ko? Tanong ko.

"You said, your hand was hit by the ball so I'm checking it if it is okay." Inosenteng anya habang patuloy lang sa pagsuri ng kamay ko.

Hindi ko napigilang kurutin ang mukha niya.

"Wala naman nangyaring masama, ayos nato." Sabi ko habang kinikurot pa rin siya,Bagaman namumula ay hindi naman na masakit iyon.

Nakangiti akong tinitignan siya habang kinikurot, Ewan ko ba magmula ng makasama ko siya kahapon ay parang naging magaan ang loob ko sa kanya.

Nakita ko siyang namula at nag iwas ng tingin.

"Don't pinch my cheeks like that again!" Nakangusong sabi niya.

"Bakit naman?" Natatawang sabi ko dahil sa nakanguso niyang mukha.

Mas lalo siyang namula sa pagtawa ko.

"Tss, just don't." Naasar niyang sagot.

Aasarin ko pa sana siya nang dumating na si Eva na kaklase din pala namin at pumasok na din ang aming professor.

Hindi namin kaklase si Zoey dahil ang pagkaka alam ko ay sa Construction Materials and testing sya ngayon.

Natapos ang klase namin na gising na gising ako dahil sa aking dalawang katabi. Si Aiden na nasa kanan ko na buong klase yata ay nilalaro ang daliri
ko at si Eva  na sa kaliwa ko na sa akin tinatanong ang hindi niya maintindihan imbes na sa Prof.

Nasa labas kami ngayon ng Classroom ni Zoey naghihintay para sabay sabay na kami pumuntang cafeteria , Hindi ko rin alam kung bakit mas gusto ni Aiden na kami ang kasama dahil pagkakatanda ko ay may barkada siyang kasama noong enrollment.

Pagpasok pa lang ng cafeteria ay nanduon na naman ang parang may bago sa University. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakad.

At dahil kasama namin si Aiden ay hindi maiwasan ang bulungan at tinginan ng ilan.

 A Person to Lean OnWhere stories live. Discover now