Chapter 8

13 2 0
                                    

"Naku kung hindi lang talaga siya anak ng Dean tiniris ko na yo'n paalis dito sa school, napakayabang!!" Hindi matigil ang pagbunganga ni Zoey habang nagpapalit kami ni Eva dito sa locker room.

"Hayaan mo na Zoey, pagdating ng araw mas makaka angat pa tayo sa kanya dahil sa ugali niyang yo'n alam ko nang wala siyang mararating." Sabi ko.

"Tama si Jaimin, kakarmahin din yan sa kayabangan niya." Segunda ni Eva.

"Hmp! Basta ang yabang nya!!" Pagtaray ni Zoey.

Hindi na lang namin siya pinansin no Eva at tinapos na ang pagbibihis, Hindi na namin kasama si Aiden dahil bigla na lang itong nawala matapos noong kaguluhan kanina.

"Guys hindi nyo ba alam kung saan nagpunta si Aiden?" Tanong ko habang papunta kami ng building.

"Ayyieeeee Worried si ateh." Nang aasar na ani Eva.

"Hindi, nagtataka lang ako kung bakit bigla na lang siyang nawala." Aniya ko.

"Ayy friend baka narealize nya na na huwag ng lumapit sa iyo haha." Pang aasar din ni Zoey.

"Hay bahala na nga kayo, wala man lang akong makuha na matinong sagot. O sya mauna na ko sa klase ko." Pagpaalam ko bago umakyat ng second floor.

Buong klase namin ay hindi mawala sa isip ko kung saan nagpunta si Aiden baka kasi may nangyari na roon dahil hindi man lang siya nagpaalam na umalis.

"Woy!! Anu na? Hindi pa tayo uuwi?. "  Napabalikwas ako ng sumulpot sa harapan ko si Eva,hindi ko na napansin na tapos na ang klase namin dahil sa pag iisip kay Aiden's uj.

"Oh Asaan si Zoey?" Tanong ko ng mapansing hindi niya kasama si Zoey.

"Nasa labas lang, paano ba naman kanina ka pa namin hinihintay na lumabas eh lutang ka diyan kaya nagdecide na akong pumasok." Sabi niya.

"Hehehe ganun ba? Sorry Naman nadala ako sa lesson namin,grabe." Pagsisinungaling ko.

"Aysus lesson ba talaga?" Malisyosong tanong niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na, nando'n nga si Zoey naghihintay habang kausap ang ilang close friend nya.

"Zoey!!! Tara na!" Pagkuha ko ng atensyon niya.

Nagpaalam muna siya sa mga kausap niya bago lumapit sa amin.

"Oh kamusta panaginip mo? Nagkatuluyan ba kayo?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

"Masyadong focuse lang ako sa lesson kaya ganun." Pagdadahilan ko.

"Wag ako lokohin mo friend." Sabi niyang hindi naniwala sa dahilan ko.

"Bahala na  nga kayo kung anu gusto niyong isipin dalawa." Sabi ko at naglakad na papuntang gate.

Hindi ko na nakita pa kahit pag uwi si Aiden kaya wala akong mapagpipilian kung hindi umuwing naglalakad.

Nagpalit ako ng damit pag uwi at naglinis na bago pumuntang trabaho.

Pagdating sa trabaho ay sina Maam Joyce at Trixie ang nadatnan ko. Nag umpisa na akong mag serve sa costumer bagaman nagfofocuse ay hindi ko maiwasang umasa na papasok dito sa restaurant si Aiden at sabihin kung ano ang dahilan ng bigla niyang pag alis.

Hanggang sa natapos ako sa trabaho at walang Aiden na dumating at walang Aiden na maghahatid sa akin.

Umuwi na lang akong mag isa at tinulog ang nararamdamang pagod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 A Person to Lean OnWhere stories live. Discover now