Tahimik kaming kumakain dito sa cafeteria kasama ko sila Eva at Zoey, second period na namin naging kaklase si Eva dahil iba ang kanyang first period.
"Sayang friend hindi natin naging kaklase si Bain,wala tuloy akong inspiration sa subject natin." Sabi ni Zoey habang kinakain ang atay ng baboy na nasa gilid ng Plato ko. Hindi kasi ako mahilig kumain niyon.
"Sus ang sabihin mo tulog ka lang buong second period kaya boblaks ka sa quizz natin hahahaha" Pang aasar sa kanya ni Eva.
"Wow Eva ganoon din naman score mo huh!!" Balik asar sa kanya ni Zoey.
"Tumigil na nga kayo nasa harap kayo ng pagkain" pagsuway ko sa kanila.
"Buti ka pa friend kahit wala kang internet and gadget sa bahay na papasa mo mga quizz natin" Sabi sa akin ni Zoey.
"Hindi lang naman sa internet nakukuha mga natutunan ko, tandaan mo libro unang nagpatalino sa tao" Sabi ko.
Iinom na sana ako ng inuming aking binili ng may naunang kumuha roon at ininum iyon.
"Hoy! May laway na yan!! Sabi ko kay Aiden habang patuloy sya sa pag inom ng inumin ko.
"Hmm you have a good taste Euvi." Sabi nya at tuluyan ng inubos ang aking inumin.
Inirapan ko sya at umalis sa tabi nya dahil sa inis. Shit paano ako iinom neto wala na ako pera.
Tumabi siyang pilit sa akin at ngumiti.
"Good morning Euvi." Malapad na ngiting anya.
"Tigilan mo nga ako Aiden." Sabi ko habang tinutulak sya.
Hindi siya natitinag sa pagtulak ko dahil mas isinisiksik niya pa ang sarili sa akin. Patuloy lang kami sa tulakan ng tumili si Zoey.
"Yieeeee, may tawagan na sila!!! Sabi niya habang niyuyugyog si Eva.
"Aiden, Euvi ang sweet!!!! Tili din ni Eva.
Bigla na lang umayos ng upo si Aiden at tumikhim.
"Tumigil nga kayo nakakahiya" Bulong ko sa kanila "Request kasi ni Aiden yo'n" Turo ko kay Aiden na natahimik na lang bigla.
"Assuming ka friend,si Bain pa talaga may request?" Sabi ni Zoey.
Tinignan ko si Aiden ng sya ang sumagot.
Tumikhim muna sya na parang nahihiya."Yes, I requested it" Sabi niya gamit ang malalim na boses.
"Ahhhhh ang ganda mo friend!! Sabi sa akin ni Zoey na may pagtulak tulak pa. "Napaka lucky mo talaga bish."
"Mag tigil ka nga Zoey nakakahiya pinagtitinginan na tayo sa kaingayan mo" Sabay turo sa mga taong nakatingin sa amin.
Umayos na sya ng upo at kumain. Natapos akong kumain ng kasalo si Aiden at dumaretso na kami sa kanya kanya naming subject.
Tahimik akong naghihintay sa professor namin ng marinig ko ang usapan ng mga kaklase kong Babae sa likod.
"Oo girl,ka uuwi lang daw last night"
"Diba sa New York nag aral yo'n?" Bilang tanong ng Isa.
"Oo, tsaka ang papa nya pa dumadalaw sa kanya du'n.
"Kaya pala madalas wala ang Dean noon, binibisita nya ang anak"
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinag usapan dahil lumayo na sila. Kung hindi ako nagkakamali ay ang pinag uusapan nila ay anak ng Dean namin.
Dumating na Professor namin kaya nakinig na lang ako.
Pagdating ng uwian ay hinintay ko pa sila Eva at Zoey bago nag pa alam na mauuna dahil may trabaho pa ako. Hindi ko na din nakita pa si Aiden ng umuwi ako.
Nagtuloy tuloy lang ako sa kwarto pag uwi ko nagpalit ng Rip jeans, white T-shirt at rubber shoes na white. Hinanda ko muna ang black shoes ko dahil yo'n ang bagay sa uniform namin bago pumasok sa kusina para magluto ng kakainin nila Mama, na sa palagay ko'y inutang lang.
Pagkatapos ng lahat ng ginawa sa bahay ay naisipan ko nang umalis. Pagpasok ko pa lang ng restaurant ay alam kong isang nakakapagod na gabi Ito.
"Jaimin dito!" Pagtawag sa akin ni Ma'am Joyce na syang Manager ng restaurant at nag interview sa akin.
Lumapit ako sa kanya sa may gilid ng counter.
"Eto nga pala uniform mo." Sabi sabay bigay sa akin ng damit. "Magpalit ka na lang sa may gilid nung cr nanduon ang locker room ng employee." Pagturo nya sa akin sa locker room.
"Salamat po." Sabi ko at pumunta na do'n.
Pagpasok ko roon ay may naabutan pa akong nagbibihis na sa palagay ko ay college student ding gaya ko.
"Hello po ako po si Jaimin bagong waitress po." Pagbati ko sa kanila.
"Hi!! ako nga pala si Trixie Ilan buwan pa lang din ako dito." Sabi nya ng may malawak na ngiti.
"Saan po ako pwedeng maglagay ng gamit dito?" Tanong ko sa kanya.
"Dito sa may tabi ng locker ko wala naman kasi gumagamit." Sabi nya.
Pumunta na ako duon upang makapag palit at malagay ko na rin ang mga damit ko. Nagpalit din ako ng sapatos para bumagay sa uniform kong White shirt with bow tie and black pencil cut skirt with gray apron.
Paglabas ko ng locker room ay si Ma'am Joyce na kaagad ang bumungad sa akin at tinuro ang dapat kong gawin.
"Ang gagawin mo lang Jaimin ay humuha at magdala ng order. Dito mo sa counter sasabihin ang order at dito mo din kukunin ang order, malinaw ba? Sabi nya at inuturo turo pa ang counter.
"Opo, malinaw na malinaw po." Sabi ko ng may ngiti sa labi.
"Kung ganoon ay mag umpisa kana dahil puno na tayo ng costumer.
Nagsimula na akong magtrabaho dala dala ang maliit na notebook pang sulat ng mga order. Paroo't parito ako kada may mag tatawag ng waitress at magbibigay ng order.
Abala ako sa pagpupunas ng mesa ng kalabitin ako ni Trixie ang nakausap ko sa locker room.
"Jaimin, ikaw na kumuha sa order ng table 2 pupuntahan ko pa kasi yung table 4 eh."
"Sige po." Sabi ko at saka na tinapos ang pagpupunas ng mesa bago bumalik sa counter ng maibigay na ang mga pinagkain at kuhanin na din ang notebook.
Tinignan ko kung sino ang mga costumer sa table 2 at nakita kong isang grupo sila ng lalaki.
Lumapit ako duon at nakayukong nag tanong.
"Can I take your order Sir?" Tanong ko ng nakayuko parin.
"I want you." Sabi ng pamilyar boses kaya napalingon ako. Natadnan ko pang tumatawa ng mga kasama nya dahil sa sinabi nya.
"Brend?" Tanong ko.
"Shit, Jaimin ikaw pala, namiss kita." Sabi nya bago yumakap sakin.
Habang nakayakap sa akin si Brend ay ginala ko ang mata ko sa kasama nya dahil sa pagkailang at hindi ko sinasadyang mahagip ang madilim na mata ni Aiden.
"Jaimin mga barkada ko nga pala at pinsan ko." Sabi ni Brend at tinuro pa si Aiden na hanggang ngayon madilim parin tingin sa akin.
"Problema nito? Ang sama makatingin."
_________________________________________________________
____________________
Hope you like it 😊😘
-chelssyyyyy the author
YOU ARE READING
A Person to Lean On
RomanceJaimin knows that she has a messed up life but is it right for her to be close to what she hated? Is it right for her to lean on the person who once made her suffer? And how long will the question resonate in her mind? Is this the ri...