CHAPTER 11

20 9 0
                                    

Chapter 11
Alone

Patuloy akong tumatakbo sa gitna ng gubat. Kung saan-saan na ko napunta, I've been to a cave, a trail that lead me to a dead end.

I don't know what to do, it's getting darker and darker each time. Halos isang oras na rin akong tumatakbo at napapadpad kung saan-saan, and I'm very sure na wala na sila at nakaalis na cause it is already six forty.

Patuloy akong tumatakbo, ng hindi sinasadyang napatid ako sa ugat ng puno. Fuck!

"Malas naman oh..." hinimas ko ang mapula-pula kong paa. "Wag kang mamaga ha, kailangan ko pang makarating sa pang-pang."

Sinubukan kong tumayo ngunit kaagad ring nabuwal. Malas! Bakit ngayon pa, pwede namang sa isang araw diba...ehh!

Napagpasiyahan ko na mag-pahinga muna sa ilalim ng puno. And I really hope that there's no wild animals roaming around here. Ayoko pang mamatay no!

Napahugot ako ng malalim na hininga. At ngayon nagsisisi ako, sana pala hinayaan ko na lang yung phone na yun ehh!. Pano na ngayon?

Napapikit ako at dahil na rin sa pagod kakatakbo ay agad akong hinila ng antok.

________xx_________

"Soliana.."

"Soliana.."

"Soliana nasan ka ba...?"

Napakunot ang noo ko, minulat ko ang mga mata ko at sinuri ang paligid. Narinig kong may tumatawag sa akin.

Nananaginip ba ako?...Hindi! Malinaw kong narinig yun ehh!

'may lumalabas daw po diyang multo'

Tumaas ang balahibo ko ng maalaala ang sinabi ng bangkero kanina. Paano kung multo nga 'yon? Bakit naman ako hahanapin ng multo?

Bumuntong hininga ako at pinilit tumayo. At nanlaki ang mata ko ng makitang naging kulay violet na ang ankle ko.

Napaupo ako...paano na to ngayon?. Sobrang dilim ng paligid ang nagsisilbing tanglaw na lamang ay ang hating buwan sa langit.

Luminga linga ako para maghanap ng pwedeng magamit na tungkod. At nakakita ako ng di kahabaang manipis na sanga ng puno. Gumapang ako para maabot yun.

Dito muna ako magpapalipas ng gabi, bahala na kung ano mang meron dito...mas delikado kung ngayon ako maglilibot dahil gabi na at sobrang dilim pa ni-flashlight wala ako ehh.!

Mahirap na mamaya may maka face to face pa kong ahas diyan 'di ba?...

Naghanap ako sa malapit ng mga malilit na kahoy para gamitin sa pagsiga. It is a good thing that I'm a girl scout, cause I have with me my string bag containing some goods such as lighter...

Iika-ikang bumalik ako sa punong pinanggalingan ko kanina. Inumpisahan ko nang tipunin ang mga kahoy, at inapuyan ito.

Bukas kailangan ko nang makita ang daan kung hindi baka abutin na naman ako dito ng isang buong araw. Hinalwat ko ang bag ko para tingnan kung may pwede bang kainin doon. And luckily I found a candy...as in CANDY singular...meaning isa lang.

I shove it inside my mouth, it is better than none right.

Sumandal ako sa puno at inumpisahang magbilang ng  tupa...

"Seventy five-" napalinga ako ng makarinig ng yabag kung saan. Kinuha ko ang tungkod at pinilit na tumayo.

"Sinong nandiyan?" paunang sabi ko. Mas lalong lumakas ang yabag, wari mo'y papalapit sa kinaroroonan ko.

It All Starts In SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon