Prologue

2 0 0
                                    

Prologue

"Hindi mo ba nahahalata? Di mo ba nararamdaman? Manhid ka ba? O nagtatanga tangahan?" Nagpunas ako ng luha tsaka ko sya tinignan sa mga mata nya. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, di ko na mainda yung hilo na nararamdaman ko na dulot ng pag inom ko kanina.

"Aeri" hinawakan nya yung balikat ko. Alam kong di nya alam kung anong sasabihin nya.

Inalis ko yung kamay nya sa balikat ko tsaka tumayo "Naiintindihan ko, di mo naman kailangan ibalik" ngumiti ako tsaka humakbang na pero natumba ako sa tabi nya nang bigla nya akong hinila at hinalikan.

Hindi ko alam pero umabot sa punto na lumalim na. Para saan to? Gusto nya rin ba ako?

Ako na mismo yung pumutol, nakakandong na pala ako sakanya habang sya nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Umalis ako sa pagkakakandong sakanya at umupo sa tabi nya.

"Para saan yun?" Bahagya pa akong tumawa, sarcastic na tawa ba. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o maiinis ako kasi para nya akong pinaglalaruan.

"Maniwala ka man o hindi Aeri pero sinubukan ko. Sinubukan ko, bakasakaling maramdaman ko rin sayo yung nararamdaman mo sakin. Gusto ko sana suklian kasi ayaw kita masaktan kaso wala talaga eh" hindi ko sya matignan. Isa lang ang alam ko, ako lang yung nakakaramdam ng nararamdaman ko. Ano pa ba kasing aasahan ko? Bwiset naman kasi bakit ba umaasa ako?

Tangina naman kasi Aeriyesa Cassandra! Ang kaibigan, kaibigan lang.

Tumayo na lang ako tsaka dali daling lumabas, tinawag nya pa ako pero di na ako nagabala pang lingunin sya.

Bakit kailangan nya pa gawin yun? Bakit nya pa sinubukan? Ganun na ba ako mukang kaawa awa? Hindi ko naman hiniling sakanya na ibalik nya sakin yung nararamdaman ko eh mas pinahihirapan nya lang ako. Tangina naman kasi asa pa Aeriyesa.

-----

Please don't copy my work! PLAGIARISM IS A CRIME!

"12 Years Untold"

This story is inspired by "I'm Drunk, I Love You" (A movie of Paulo Avelino and Maja Salvador)

12 Years UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon