Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3

Kasalukuyan kaming naghihintay dito sa terminal ng barko, napaaga kasi kami masyado at wala pa yung ibang bus na kasabay namin. Si Denver na yung nakapila habang kami ni Carlo ay nanginginain dito sa sasakyan.

"May ticket na tayo, mga 7 pa daw ang dating nun masyadong maaga ang dating natin"bungad ni Denver na kakarating lang.

"Eh kasi ayaw magstop over" saad ni Carlo tsaka inabutan ng pagkain si Denver. Pano ba naman kasi nung huminto si Carlo sa stop over, pinaCR na kami ni Denver, una at huling stop over na daw yun sabi nya tapos pinalitan nya na si Carlo sa pagdadrive hanggang dito dinrive nya, kape lang sya ng kape.

"Habang naghihintay tayo dito matutulog ako kaya inagahan ko para makapagpahinga ako" tumingin sakin si Denver tsaka ngumisi, ganun din si Carlo.

"Hoy babaknita! Natulog ka sa movie marathon, baka gusto mo maghintay ng 7 dito, magpapahinga muna kami tutal nakapagpahinga ka na" saad ni Carlo na naka cross arms pa, may mini TV kasi si Denver sa sasakyan tapos marami din syang movie sa flashdrive nya.

"Ok ok! Kalma, tulog na kayo mga Boss Madam gigisingin ko na lang po kayo pag andyan na yung barko" nginitian ko pa sila, "ok na?" Dagdag ko pa, nag apiran pa sila tsaka pumasok sa back seat, pumunta ako sa upuan sa unahan tsaka nanuod ng The Star is Born, nakapangilan na akong ulit nito pero di talaga ako nagsasawa, paboritong paborito ko to.

Saktong pagtapos ng movie ay dumating na din ang barko, pinauna munang pinasakay yung mga may vehicle kaya naman nauna na kami dun tsaka kami umakyat sa pinakataas, ayaw nila sa may aircon kasi mas nakakahilo daw dun.

Nang umandar na ang barko ay nagkaroon kami ng picture taking, pagkatapos nun ay nagpapicture kaming tatlo dun sa babaeng dumaan.

"Kayo namang dalawa ni Denver, Aeri" ang lapad ng ngiting nakakaloko ni Carlo na nakatingin sakin habang hawak yung camera.

"Tapos tayo naman dalawa sunod tapos si Denver naman at ako"dagdag nya tsaka tumawa kaya nagtataka syang tinignan ni Denver, wala naman kasing nakakatawa loka lokang bakla to.

"Tara dito Aeri" nakangiting aya sakin ni Denver na nakasandal sa railings ng barko.

Unang pose namin ay nakaakbay sakin si Denver tapos parehas kaming labas ipin ang ngiti. Pangalawa, candid pero talagang natatawa kami nun pano ba naman kasi si Carlo kung ano anong kalokohan sinasabi na kesyo yung dadaan daw jutay hahaha. Pangatlo, napilitan lang talaga kami sa shot na to, para kaming si Rose at Jack. Yung ibang pic naman ay nakawacky kaming dalawa, nakapasan ako sakanya tapos parehas kaming nakatawa, meron din nung nakapasan ako tapos nakangiti kami, yung huling pic naman namin ay yung nakapasan sya sakin tapos hirap na hirap yung muka ko sya habang sya natawa, meron din nung parehas kami natawa.

At dahil di ako papayag na ganun ganun na lang yung request kineme samin ni Carlo...

"Pang apat na shot, requested ko naman" ngumisi akong nakakaloko kay Carlo.

"Oh my god gurl, di maganda kutob ko. Umayos ka sis" nakacross arms at umirap na saad ni Carlo kaya natawa ako.

Ang last pose nila ay nakapulupot yung isang kamay ni Carlo sa leeg ni Denver habang yung isa naman ay nasa dibdibtapos si Denver naman ay nakahawak sa dalawang pisngi ni Carlo na tila pinipigilan ang paghalik nito kasi nakanguso si Carlo, yung muka naman ni Denver di maipinta hahahahaha, utos ko lang yun di talaga tunay na nangyayari yun. Di naman sila KJ kaya kahit na umay sila sa trip ko at kung minsan umay din ako sa trip nila, sinasakyan lang talaga namin trip ng isa't isa hahahaha.

"Parang mas malala ata yung request mo gurl!" Inirapan pa ako ni Carlo tsaka ako ngumisi.

"Payback yun! Kwits na tayo" tinaas baba ko pa yung kilay ko tsaka sya tinawanan.

Di rin pumayag si Denver na talo sya samin kaya ang requested pose nya samin ni Carlo ay yung nakapulupot ang dalawang kamay ko sa leeg ni Carlo, habang si Carlo nakapulupot sa bewang ko yung kamay nya at magkadikit yung noo namin. Namumula si Carlo nun at nang matapos halos masuka suka kasi inasar asar ko pa na tutuluyan ko kaya tawang tawa si Denver samin.

Medyo nahihilo na rin ako at kalahating oras na rin kaming nasa barko, kapag ganito gusto ko na lang itulog ayaw ko naman kasi uminom nung gamot na pangpawala ng hilo. Nasa kaliwa ko si Carlo na natutulog at nasa kanan ko naman si Denver na tumitingin ng litrato sa camera, napapagitnaan nila akong dalawa na natutulala na lang sa hilo na nararamdaman.

"Itulog mo na kasi yan" natatawang sabi ni Denver tsaka ako panandaliang tinapunan ng tingin, binalik nya rin yung tingin nya sa camera.

"Hindi ako makatulog, umay" hinawakan ko yung ulo ko, putek nakakahilo na talaga ako.

Inalis nya yung kamay ko na nakahawak sa ulo ko tsaka hinawakan ito at isinandal sa balikat nya na syang ikinagulat ko, mas nagulat pa ako at di ko alam ang magigong reaksyon ko nang hinilot hilot nya pa ang ulo ko.

"Ngayon mo sabihin na di ka makatulog" bahagya syang tumawa, "tulog na bago mo pa ako sukahan" dagdag nya pa.

Hindi ko alam pero sobrang komportable ako, di nagtagal nakaramdam na rin ako ng antok na dulot ng ginagawa nya.

"Aeri, dadaong na" malumanay na malumanay yung boses na naririnig ko kaya ako napadilat agad, nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat nya.

*Click*

"Ang sweet ha?" Pang aasar ni Carlo na may hawak na camera, pinicture-an nya kami.

Onti na lang yung hilo na nararamdaman ko. Yung mga may vehicle nanaman ang pinaunang bumaba kaya naman kasalukuyan na kaming nababa ng barko habang todo alalay sakin si Denver kasi medyo nahihilo pa ako.

"Denver, ok na ako kaya ko naman" sabi ko bago pa kami bumaba ng huling hagdan.

"Sigurado ka?" Tanong nya tsaka tumingin sakin, di ko alam pero nailang ako.

"Oo ok lang ako promise" nginitian ko sya tsaka umiwas na ako ng tingin.

"Hoy! Baka gusto nyong dalian dyan? Marami pang taong bababa? Lalanggamin na kayo eh" singit ni Carlo na pumagitna pa samin. Natawa na lang kami ni Denver tsaka sya nauna bumaba.

Tinapik naman ako ng mahina ni Carlo.

"Ikaw ha? Hahaha tara na!" Tsaka ako hinila ni Carlo pababa.

"Baka umasa ka nanaman? Motibo lang yan pero walang kasiguraduhan, baka nalilimutan mo kaibigan ka nya kaya sya ganyan, baka bigyan mo ng kahulugan?" Bulong sakin ni Carlo tsaka sya umiling.

Hindi ko alam pero hindi yung Carlong bakla yung nabosesan ko pero sakanya nanggaling yung mga salitang yun.

12 Years UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon