Chapter 5
Paggising na paggising ko si Denver agad ang bumungad sakin kaya naman napangiti ako pero napawi din nung naalala ko yung napag usapan namin ni Carlo kagabi. Pano kaya ako aamin sayo? Pano ko sasabihin sayo na yung kaibigan mo higut pa dun yung tingin sayo?
Bumangon na lang ako tsaka binalingan ng tingin si Carlo na tulog pa rin sa single size bed, sobrang lamig na din kasi simula nung dumating kami hanggang ngayon di pa pinapatay yung aircon.
Naghalfbath lang ako tsaka nagsuot ng black na one piece na backless na may tinatali sa leeg, nagpatong ako ng see through na parang cardigan na white (di ko alam tawag hihi) tsaka nag short. Nagmessy bun na lang ako tsaka naglagay ng kakaonting water proof na liptint para naman di ako maputla tignan.
Paglabas ko ng CR gising na yung dalawa at mukang hinihintay ako matapos sa CR kasi gagamit din sila.
"Ay bongga ka day! Bet ko yan" bungad ni Carlo sakin. Paglingon ko naman kay Denver umubo sya tsaka ngumiti.
"Ayos ha?" Saad nya tsaka pumasok na sa CR, paglipat ko ng tingin kay Carlo nakangiti sya ng nakakaloko tsaka nagthumbs up.
Nagchikahan lang kami ng kung ano ano ni Carlo hanggang sa lumabas na ng CR si Denver at malamang si Carlo naman ang gagamit.
"Bakit di ka na lang nagtshirt tulad ng dati? Ngayon lang kita nakitang nagganyan" seryosong sabi sakin ni Denver tsaka umiwas ito ng tingin, inaamin ko na kinikilig ako kasi may pake sya.
Tumawa na lang ako ng bahagya para di mahalata.
"Bakit sexy ba ako? Crush mo na ba ako?" Biro ko sakanya pero sa katunayan di talaga biro yun.
"Di tayo talo, kaibigan kita hahaha di lang ako sanay na nakaganyan ka" ginulo nya yung buhok ko tsaka sya lumabas.
Ah kaibigan, sabi ko nga kaibigan. Kaibigan nga kasi bakit ko ba kasi binibigyan kahulugan yung simpleng galaw nya na natural na gagawin at ipaparamdam nya kasi ng kaibigan nya ako, magkaibigan kami.
"Rinig ko yun, ouchy!" Imbis na magulat ako na sumulpot sa likod ko si Carlo, mas nananaig pa rin sakin yung nararamdaman ko. Inaasahan ko na pero masakit pa rin pala.
"Tara na baks! Enjoy na natin to aalis ka na nga eh" hinawakan ni Carlo yung balikat ko tsaka nginitian ako kaya nginitian ko na lang rin sya.
Pagkalabas namin sa terrace ay nakita namin si Carlo na nakaupo sa upuan na mukang hinihintay kami.
"Tara na?" Tanong ni Denver na tinanguan namin.
"Mukang masarap magbicol express" saad ko tsaka kami nagkatinginang tatlo.
Nag order kami ng bicol express at dalawang platter ng kanin. Malakas kasi kamo kumain kaya nga kami nagkakasundo sa mga pagkain, malakas kami kumain pero pareparehas kaming mga di nataba.
"Denver? Is that you?" Habang naghihintay kami may sumulpot na babae sa harap namin.
"Oh hi Aeri! You're here din pala!"
Si Trixie, sya yung kabatch namin na niligawan ni Denver nung 1st year highschool kami.
"You and Aeri are bestfriends pa rin pala, sobrang strong ha? Can I join you guys?" Hindi pwede.
"Sige upo ka Trixie, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya, oo na plastic na! Ayaw ko maging harsh no!
"Ay Trixie, ito nga pala si Carlo" pagpapakilala ni Denver kay Carlo.
"College bestfriend namin sya" patuloy pa ni Denver.
"Hi! I'm Trixie, vocalist of Head in The Clouds Band" pag iintroduce ni Trixie sa sarili nya, walang naman nagtatanong di rin naman interesado si bakla sa kanya. Nagshake hands pa dila ni Carlo.
"Anong inorder nyo?" Tanong nya samin.
"Bicol express" sabay sabay naming sagot.
"Aw sad to say I'm on a diet guys, I only eat veggies" ang arte arte magsalita.
"Buong bansa walang pakealam" bulong ko kaya natawa si Carlo na asa tabi ko, si Denver naman napahawak na lang sa sentido nya, sigyradong narinig nya yung buling ko.
"Pardon?"
"Ay nothing! Pwede ka naman umorder kung di mo trip order namin" prangka kong saad kay Trixie, may pagiging nice pa rin naman ako kaya di ko diniretsa.
"Samahan kita sa downtown Trix, gusto mo?" Nagtataka kaming napalingon kay Denver sa offer nya kay Trixie.
"O talaga pwede?" Isa isa kaming tinignan ni Trixie.
"Kayo na lang, may inorder pa kami eh mas gusto na namin pagkain dito, ingat na lang. Excuse me, CR lang ako" paalam ko tsaka ako tumayo, nakakainis!
Iiwan nya kami para kay Trixie? Kami yung kasama nya pero si Trixie yung niyaya nya sa downtown tapos di nya tinanong kung ok samin or di man lang sya komunsulta samin.
Pagbalik ko nakaalis na si Trixie at Denver, nakahain na din yung pagkain.
"Oy baks! Ano yun?" Natatawang tanong sakin ni Carlo.
"Nakakainis kasi baks, tayo yung kasama nya pero di man lang satin komunsulta? Ano yun? Pag wala syang kasama satin sya? Tapos pag meron bahala na tayo? Tsk" kinuha ko yung isang platter at tsaka sumandok.
"Dami mong sinasabi, selos ka lang day!" Natatawa tawa pa si Carlo kaya naman sinubuan ko sya nung bicol express na may siling kalahati na maliit habang natawa sya kaya halos mabilaukan na sya kaya ayun nawala yung badtrip ko, tawa na din ako ng tawa.
Nag photoshoot na lang kami ni Carlo sa twin rock na tinatawag nila na asa right side, nilakad namin kasi bumaba na yung tubig sa dagat tapos naglakad lakad papunta dun sa diving area sa dulo, di naman kami makapagdive kasi mababa na yung tubig, photoshoot ulit sa gilid nun.
Tirik na tirik na din yung araw kaya naglakad na kami pabalik sa nipa.
"Hi" may humarang samin na babaeng sobrang ganda. Mas maganda pa dun kay Trixie.
"Kayo ba yung kasama ni Denver James?" Nakangiti pa sya, sobrang approachable nya di tulad ni Trixie nakakakulo ng dugo.
"Oo kami nga, hi" bati ko tsaka ngumiti
"I'm Aya, organizer ng event" pag iintroduce nya tsaka nya nilahad yung kamay nya.
"Carlo, Carla sa gabi" pagpapakilala ni Carlo at nakipagkamay kay Aya na natatawa tawa pa.
"Aeriyesa, Aeri na lang" nakipagkamay rin sya sakin.
"Parang familiar hmm" nakalagay yung kamay nya sa baba nya na tila nag iisip.
"Oh! Ikaw ba yung nakakasama ni Carlo na jammer nya sa ibang gig nya?" Tanong nya, nakikijam din kasi ako kay Carlo minsan o kaya kagustuhan nyang pakantahin ako.
"Oo ako nga" nahihiya kong sagot, pano ba naman kasi di ako masyado sanay maexpose or mapansin.
"Is it ok kung papakantahin kita sa event? You have a potential, why don't you try? G ka ba?" Napatulala ako sa pagimbita nya, sobrang unexpected.
Napatingin ako kay Carlo na nakangiti at napapalakpak na nagthumbs up pa.
"Su-sure!" Nauutal pa ako kasi sobrang di ko inaasahan to. Tamang kanta lang kasi ako, madami nagsasabi na maganda boses ko pero kasi kumakanta lang ako para masabayan si Denver.
"Ok! Asahan kita ah? btw una na ako may mga kailangan pa kasing ayusin, good luck and see you around!" ngumiti sya tsaka kumaway paalis.
BINABASA MO ANG
12 Years Untold
Ficción General12 years, kay habang panahon kung iisipin ngunit para kay Aeriyesa Cassandra, hindi pa ito sapat para aminin yung nararamdaman nya kay Denver James na matagal nya ng kaibigan pero papaano na kung kailangan nya ng umamin? Aalis na sya at sa pag alis...