Chapter 4

0 0 0
                                    

Chapter 4

Iisang kwarto lang ang kinuha ni Denver, may isang single size na bed at double size bed, Nipa ang kinuha nyang room bato ang pader sa labas at kulay puti sa loob, may isa rin na CR, may terrace na simple lang at may upuan din at lamesang kahoy dun, isang floor lang naman at kubo ang dating pero bato .

Kakarating pa lang namin.

"Ok dito ako" sabi ni Carlo at humiga sa single size bed.

"Hoy tabi kayo ni Denver! Ako dyan!" Sabi ko kay Carlo at tinapik ang pwetan nya.

"Hoy ka din babaknita! Baka nalilimutan mong kayo ni Denver ang nagkakatabi sa condo ko paglasing kayo at ako ang nasalo, habang ako nasa single bed sa may lapag! Ngayon ka pa magiinarte ha?" Saad ni Denver sakin na nakatungkod pa yung kamay nya at nakangisi sakin, baklang to.

"Hay basta ako dito na ako, tumabi na lang ang tatabi sakin, bahala kayo" sabi ni Denver tsaka nilapag yung gamit nya sa gilid, "lalabas muna ako, kakausapin ko lang yung organizer, pahinga na muna kayo" pagpapaalam ni Denver tsaka umalis.

Nagpahinga muna kami ni Carlo, tulad ng napag usapan sa single bed sya at ako ang tatabi kay Denver sa double size bed.

Nagising na lang ako nang may bumukas na pinto, pinto pala ng CR yun. Si Denver yung lumabas dun, nakapajama sya at nakalong sleeve, basa pa yung buhok nya na halatang kakatapos pa lang maligo.

Nilingon ko naman si Carlo na nagtitipa ng cellphone nya.

"Kanina ka pa gising?" Nilingon nya ako tsaka tumango.

"Magpapahinga muna ako, 7 na ng gabi" sabi ni Denver tsaka humiga na.

"Parang masarap uminom" nginisian ko si Carlo.

"Ay sis G ako dyan!" Malanding sabik na sabik na saad ni Carlo tsaka tumayo.

"Iinom tayo?" Sigaw ko malapit sa tenga ni Denver.

"Tara inom" sakay pa ni Carlo.

"Pass ako, wala pa akong pahinga" nagtalukbong pa ng kumot si Denver pero bigla nya tinanggal yung talukbong nya tsaka ako tinapunan ng tingin.

"Diba nahihilo ka? Magpahinga ka, iinom pa amp" seryosong sabi nya tsaka nagpalit palit sya ng tingin samin ni Carlo kaya natawa kami ni Carlo. Yung kilig na nararamdaman ko dinadaan ko sa tawa.

"Kakapahinga ko pa lang pinagpapahinga mo nanaman ako, goods na ako! May alak eh tsaka minsan lang tong bakasyon na ganto kaya masarap uminom kaya sumama ka na" pangungumbinsi ko pa sakanya.

"Minsan lang nga pero marami pa tayong araw at oras para dyan pero kayo bahala basta ako pass muna" nagtalukbong nanaman sya ng kumot.

"Ay KJ, osya tara na sis!" Hinila na ako palabas ni Carlo.

Nakaanim na akong bote at may gin pa na kalahati sa harap namin ni Carlo.

"Carlo, bakit parang ang sweet naman ata sakin masyado ni Denver? Baka ito na?" Napangalumbaba pa ako tsaka nakangiti habang nagsasalita.

"Sis baka nalilimutan mong kakaalis lang ni Karen? Baka ginagawa kang libangan" tinignan nya ako at ngumiti sya ng nakakaloko, tama naman kasi sya baka nga siguro.

"Echos lang! Kaibigan ka nya at may pake sya sayo kaya ganun" sabi nya habang dinuduro pa ako kaya natawa ako, oo nga naman.

Palagi may punto si Carlo, ako lang kasi tong asang asa sa mga motibo na di naman dapat asahan kasi kung tutuosin gawain talaga yun ng isang kaibigan.

"Ganto na lang! Sa 12 years sasabihin mo sakin yung mga pagpapakatanga na nagawa mo para kay Denver every year, pag di mo agad nasagit edi shashot ka!" Paghahamon ni Carlo na nakapangalumbaba pa sa harap ko.

"G"

"1 year"

"Nagkasakit sya tapos ako yung gumawa nung project nya, pinagpuyatan ko yun kasi natatakot ako na wala syang grade eh excuse naman pala sya" natatawa tawa pa ako habang inaalala yun, tawang tawa sakin yung nanay ko at si Lolo Seb na lolo ni Denver.

"2 years"

"Intramurals namin nun nung grade 6 tapos nainjured sya sa paglalaro ng basketball kaya sinugod sya sa hospital, ako naman tumakas takas ako sa guard nun tapos tinakbo ko simula school namin hanggang hospital kasi wala akong pamasahe" nagulat pa nga si Lolo Seb nun tsaka si Tita Denrelle at Tito Henver kasi dumating akong pawis na pawis.

"Bata ka pa lang maharot ka na gurl" tinapik pa ni Carlo yung noo ko.

"3 years"

"1st year high school naging messenger nila ako nung first high school crush niya na tagakabilang section, naging MU sila nun"

"4 years"

"2nd year high school kami, ako yung utusan nyang bumili at magbigay nung pagkain sa nililigawan nyang 1st year" humagalpak naman sa tawa si Carlo.

"Food panda ka gurl?" Kahit ako natawa.

"Gago"

"5 years"

"Magkaiba kami ng section tapos nagcutting sya, sumama ako kahit na may mga recitation at quizzes"

"Bakit sya nagcutting?" tinaasan pa ako ng kilay ni Carlo.

"Trip nya lang" bahagya ako napatawa. Oo na tanga na!

"Ay gagitang to" nagsalin si Carlo sa shot glass at nilagok ito na sinundan nya ng chaser.

"6 years"

"4th year high school, nagkagirlfriend sya, palagi akong third wheel tapos ako pa nagpapaalam sa magulang ng  girlfriend nya nun para payagan at makapagdate sila" napapalakpag si Carlo.

"Ikaw na ang tanga ng taon, kung may parada ng mga tanga ikaw na ang mangunguna day! Sayo na ang corona" nagkunwari si Carlo na may hawak na corona at pinatong sa ulo ko ang imaginary crown kineme nya kaya nag wave na mala-miss universe ako, tawanan nanaman kami tsaka nya ako pinashot tutal mukang walang taong hindi ako nagpakatanga kay Denver.

"7 years"

"Nakilala ka na namin nyan, dinamay pa kita nun na sumama sakin  papunta sakanila kasi emergency daw pero pinapili nya lang ako ng medyas para sa first gig nya kaya halos mabatukan mo ko nun kasi iniwan mo yung klase mo para lang samahan ako"

"Odibaaa? Dinamay mo ko katangahan mo day" nagiinarteng nilagay ni Carlo yung kamay nya sa noo nya kaya mas lalo akong natawa.

"8 years"

Nagshot muna ako bago sumagot.

"From Ortigas bumyahe ako papuntang Tagaytay para manuod lang ng gig nya, galing akong family reunion" nagsalin ako ng chaser tsaka ito nilagok.

"9 years"

"9 years?" Ngumiti ako ng mapakla.

"9 years, 10 years, 11 years, 12 years patuloy pa rin nagtatago yung nararamdaman ko bilang kaibigan, ok na ba yun" tinignan ko si Carlo tsaka ako lumagok ng taylong sunod sunod na gin at straight kong ininom yung kalahating red horse.

"Hinay hinay" natatawang sabi ni Carlo.

"Nakakatawa no? Ang tagal na pero wala akong lakas ng loob magsabi, di ko rin alam kung manhid ba sya o ayaw nya lang talaga bigyan ng kahulugan kasi nga magkaibigan kami" sinabayan ko yung tawa ni Carlo kaso biglang pumatak yung luha ko.

"O baka di nya lang kayang suklian kaya di nya binibigyang kahulugan? Kaya nagpapakamanhid sya?" Di ko alam pero ang lakas nung tama sakin nung sinabi ni Carlo, siguro nga pero di na importante yun, sapat na siguro yung malaman nya para panatag akong makaalis.

Tanggap ko naman kung ganun, di kasi lahat ng mahal natin at gusto natin gugustuhin at mamahalin rin tayo pabalik, minsan sa pag ibig walang sasaya kung walang magpaparaya. Ang tunay na nagmamahal kahit masakit at mahirap nagpapalaya kasi kung patuloy mong panghahawakan, di yun pagmamahal, pagiging makasarili yun.

"Yung pag amin mo Aeriyesa, yun din yung magpapalaya sayo sa pag alis mo. Kailan mo balak umamin?" Seryoso na si Carlo kasi tinawag nya na ako sa pangalan ko.

"Bago tayo umuwi, asahan mong alam na nya yung nararamdaman ko"

12 Years UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon