Chapter 6
Tatlong araw na kami dito, 1 week pa kami dito kaya marami pa kaming oras para magbond kaya ayos lang din siguro kung buong araw namin di nakasama si Denver kahapon kasi magkasama sila ni Trixie, di naman namin feel ni Carlo makisama kay Trixie pero pinakikitunguhan naman namin ng maayos, parang nagiging OP lang kasi kami kay Denver at Trixie nung sinubukan namin makisama sakanila para makabond din namin sana si Denver kaso nga lang parang pinaparamdam nya na umalis na kami, nahiya naman kami sakanya, tsk. Baka ngayon na lang rin naman yan kaya hahayaan na lang namin si Denver at Trixie tutal kahit pa magkadevelopan ulit yang dalawa, aamin at aamin pa rin ako kay Denver para wala akong pagsisihan pag alis ko.
"Good morning Aeri" bati ni Denver sakin pero iniwasan ko sya ng tingin tsaka ako tumayo ng kama at nilagpasan sya, kumuha ako ng susuotin ko tsaka pumasok ng CR.
Kakagising ko lang at sya naman kakagaling nya pa lang sa CR.
"Good morning Trixie" panggagaya ko sa tono nya, narinig ko naman na natawa sya bati ko kaya napairap ako.
"Tampo ka ba Aeri ko?" Buti na lang nasa CR ako kundi makikita nya ang pamumula ng muka ko, bwiset ka Denver!
"Tanong mo si Trixie" pabalang kong sagot tsaka nagsimula na akong mag ayos, nagsuot lang ako ng two piece tapos nagshort ako, pinatungan ko na lang ulit ng see through na ginamit ko kahapon.
Paglabas ko nakatalikod si Denver sakin na may inaayos sa backpack nya. Agad namang napalingon ito sakin tsaka ako tinapunan na tingin na kala mo nakakita ng multo.
"Anong muka yan? May dumi ba ako sa muka?" Tanong ko tsaka pumasok sa CR at tinignan yung muka ko sa salamin.
"Bakit ka nakaganyan?" Tanong nya sakin tapos tignan ako head to toe.
"Kasi nasa beach tayo" sagot ko tsaka pinuntahan si Carlo na mahimbing pa rin na natutulog.
"Uminom ba kayo kagabi?" Napalingon ako kay Denver na nakaupo na sa double size bed.
"Hindi, photoshoot lang. Eh si Trixie? Nakahanap ba kayo ng bermuda grass na lalamunin nya?" Tanong ko tsaka sya nilingon kasi tawang tawa yung abno kaya nakitawa na lang din ako di dahil nagbibiro ako, natawa ako kasi wala nakakahawa yung tawa nya.
"Tara labas tayo, wag mo na muna gisingin si baks sarap ng tulog eh" di pa ako nakakasagot nang hinila ako palabas ni Denver. Habang hila hila nya ako napasinn ko na nakainterwine yung kamay nya sakin.
Naglakad kami na nakaganun pa rin kaya kung ano ano na kinikwento nya pero wala akong maintindihan kasi sa kamay namin nakatuon yung pansin ko, ngayon lang to ginawa ni Denver. Ok Aeri kaibigan ka nya gaga baka di kang napansin.
Napansin nya siguro na di ako naimik kay tinanggal nya na din.
"Tara Denver, dive tayo malalim yung tubig dun ngayon o!" Tinuro ko yung diving area tsaka tumakbo patungo dun.
"Oy sandali! Nangiiwan ka ha?" Nilingon ko sya sandali at nakita ko na tumakbo din sya.
"Wow ha? Parang di nangiwan kahapon" rebat ko tsaka nagpatuloy tumakbo.
Nagulat ako ng kinulong ako ni Denver sa bisig nya.
"Huli ka" bulong nya na nagpataas sa balahibo ko, shit Denver bakit ganyan ka? Halos napabalikwas ako nang bigla nya akong kilitiin hanggang da mapahiga na ako sa grass, may grass kasi patungo sa diving area.
"Nagseselos ka ba kay Trixie ha?" Biro nya at tumigil sa pamgigiliti tsaka ako nginitian ng nakakaloko. Sarap sagutin ng 'ano ngayon kung oo?'
"Selos mo muka mo hakdog" sabi ko tsaka dali dali na tumayo at tumakbo.
Pagdating sa diving area tumungo ako sa dulo diving board.
"Di mo na ako mahahabol Denver James" nilabas ko pa yung dila ko para asarin sya.
Nagulat ako ng tumakbo sya papunta sa gitna ng diving board, akmang tatalon na ako ng tumalon talon sya sa diving board at maout of balance ako na malamang natuluyan akong nahulog.
Pag ahon ko kitang kita ko na tawang tawa sya ginawa nya. Sa kakatawa nya di nya namalayan na nakaaho na ako at nasa likod na ako.
"Pay back time, asshole" ginawa ko rin yung ginawa nya kaya sya naman ang naout of balance at ako naman ang tumawa ng tumawa. Para makasiguro na di na sya babawi tumalon na din ako.
Nagtulakan pa kami pagdating sa malapit sa hagdanan ng ahonan kasi nagpapaunahan kaming dalawa. Syempre di ako papatalo kaya ako ang nanalo.
"Wala ka naman pala eh" natatawa tawa pa ako habang hinahabol yung hininga ko, nakakapagod.
"Tara downtown tapos rides?" Tanong nya na nagtatas baba pa ng kilay habang nakangiti ng nakakaloko.
"Now na?" Biglaan naman kasi to.
"Oo, balik din tayo agad mukang mahimbing naman tulog ni Carlo eh" nauna na syang naglakad sakin.
Nauna syang pumasok ng Nipa, akmang kukuha pa lang ako ng damit kasi basa na ako nang tinawag nya ako.
"Salo" agad ko namang sinalo yung tshirt nyang v neck light pink.
"Para parehas tayo, dala ko round neck ko eh" saad nya habang naghahalukay sa maleta nya.
Hihiramin daw namin motor nung performer na taga dito na nakaclose nya, wag na daw ako magpalit ipatong ko na lang daw yung shirt tutal matutuyo rin naman daw pag rides.
Tulog pa rin si Carlo, ano kayang ginawa nun at bakit parang pagod na pagod?
Tulad ng kagustuhan ni Denver parehas kaming nakalight pink shirt, v neck ang akin at round neck sakanya. Masyado syang sweet sakin, di ko alam pero parang may bago eh. Talagang sweet si Denver na kaibigan, caring, parang jowa na nga eh kaso nga lang parang lumevel up ngayon. Nevermind talagang sweet naman si Denver, nabibigyan ko nanaman ng kahulugan dahil sa nararamdaman ko aish!
"Mark!" Tawag ni Denver sa lalaking natugtog ng gitara sa di kalayuang terrace ng Nipa na malamang ito yung higiraman namin ng motor.
"Ey Denver!" Pagkarating namin ay nagfist bump sila. Napunta naman sakin yung tingin nung Mark at ngumiti.
"Girlfriend mo? You two look cute together" tuloy tuloy na salita nung Mark.
"Oo" halos maubo ako sa sinagot ni Denver. Ano daw?
BINABASA MO ANG
12 Years Untold
General Fiction12 years, kay habang panahon kung iisipin ngunit para kay Aeriyesa Cassandra, hindi pa ito sapat para aminin yung nararamdaman nya kay Denver James na matagal nya ng kaibigan pero papaano na kung kailangan nya ng umamin? Aalis na sya at sa pag alis...