Chapter 7

0 0 0
                                    

Chapter 7

"Girlfriend, girl na friend" dagdag nya pa na nakapagpatanggal ng gulat ko pero may part sakin na parang nadismaya lalo na parang normal lang yung sinabi nya na parang inosente sya sa biro nyang girl na friend psh.

Bakit ka ba nadidismaya Aeriyesa Cassandra? Girl na friend ka naman talaga diba? Anong inaasahan mo sa oo nya walang karugtong? Oo girlfriend ka nya? At bakit nya naman gagawin yun aber? Ah alam ko na! Kaya ako nadidismaya kasi girl bestfriend nya ako at hindi girl na friend lang duhh, sige Aeriyesa ilusot mo pa.

"Ahw hahaha sorry kala ko girlfriend mo" hindi pa rin natatanggal yung ngiti ni Mark kahit na napakamot sya ng batok, di ba to nangangalay ngumiti? Ano ba yan pati ngiti ng tao napapagdiskitahan ko, pano ba naman kasi bakit sya nagtatanong kung girlfriend ako kung pwede nya naman hintayin na iintroduce ako.

"Aeriyesa Cassandra, you can call me Aeri for short. Denver's girl bestfriend" natatawa kong introduce sakanya tsaka inalok yung kamay ko. Plastik ko ba?

"Mark Andrew, composer and songerist na guitarist din" mukang masayahing itlog este masayahin lang pala tong si Mark kasi kanina pa nakangiti di naaalis ngiti nya, natawa pa sya sa sinabi nyang songerist. Pagraham ball pa nga. Nagshake hands kami.

"Mark, arborin ko sana motor mo kung ok lang, magrarides kasi kami ni Aeri" medyo nahihiyang saad ni Denver.

"Ay sige sige, kunin ko lang yung susi sa loob" pinatong nya sa lamesa yung gitara na kaninang hawak nya tsaka pumasok sa room nya.

"Girl na friend girl na friend ka pang nalalaman dyan ah?" Pabiro ko syang inirapan na ikinatawa nya.

"Totoo naman eh, girlfriend kita tagal na nga natin eh, Misis ko" naramdaman kong namumula ako sa sinabi nya lalo na't ginaya nya pa yung tono ni Daniel Padilla kaya binatukan ko sya para di ako mapaghalataan.

"Yes Mister ko?" Balik ko sakanya kaya parehas kaming natawa kaya di nya na siguro ininda yung batok ko. Syempre di naman ako tanga para di sya tawagin ng Mister ko, pagkakataon na to malay mo aamin na pala sya kaya niyaya nya ako mag rides, ge Aeri wattpad pa, asa ka pa.

Lumapit si Denver sa lamesa tsaka kinuha yung gitara tsaka nya ito sinimulang tipain.

"Do you remember when I said I always be there,
Eversince we were ten baby

Natigil yung kaharutan namin nang lumabas si Mark na nakangiti nanaman habang iniikot ikot yung susi sa daliri nya.

"Ingatan mo Denver ha?" Paalala nito na malamang nakangiti pa rin.

Paalis na kami ng Nipa nya nang tinawag ni Mark si Denver kaya parehas kaming napalingon

"Type ko girl bestfriend mo, She's beautiful" walang bakas na hiyang saad nito habang nakangisi.

Umiling lang si Denver habang nakangiti tsaka nagpaalam kay Mark, hinila nya agad ako paalis.

"You're beautiful daw" pangangasar nito sakin nang nasa paradahan na kami ng mga vehicles

"Ikaw lang naman di nakakakita nyan eh" nakayukong bulong ko na napalakas pala kasi natawa si Denver.

Nabigla ako nang lumapit sya at hinawakan ang baba ko at itinaas ito.

"Sinong nagsabi na di ko nakikitang maganda ka?" Bulong nya din tsaka ngumisi. Ano daw? Edi maganda talaga ako para sakanya?

Binitawan nya yung baba ko at biglang umalis sa harap ko.

"Tara na! Tutunganga ka na lang ba dyan?" Naiwan pala akong tulala, nakasakay na sya sa Mio Sporty na blue ni Mark.

Sumakay na din ako, agad nyang inistart ito.

"Humawak ka na sa bewang ko" utos nya tsaka ako tinapunan sandali at lumingon sa harap, di pa kami naandar.

"Ha?" Di ko alam kung susundin ko sya kasi baka namali lang ako ng rinig.

"Sige ka dyan, baka mahulog ka nyan di kita masasalo" saad nito na bahagyang tumatawa.

Di ko alam pero parang may ibang kahulugan yung sinabi nya. Oo tama di dapat ako umasa sakanya kasi una pa lang naman alam ko ng hanggang magkaibigan lang talaga kami.

"Baliw" pinilit kong makitungo sa kanya ng normal lang. Kahit na naiilang ako dahil sa mga naiisip ko humawak pa rin ako sa bewang nya.

"Ok, let's go!"

Binigla nya yung andar kaya halos mabatukan ko sya habang sya ay tawang tawa sa reaksyon ko.

Habang nagrarides kami ay naglagay ako ng earphones at sinalpak yung isa sa tenga nya at saakin naman yung isa, di naman ganun kalakas kaya di naman sya nadidistract.

"Nice, shuffle" saad nya na sinunod ko naman.

Nagsimula namang tumugtog yung Lucky ni Jason Mraz at Colbie Caillat

"Do you hear me,
I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying" kanta nya sa linya ni Jason Mraz. Sobrang lamig at ganda talaga ng boses nya.

"Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard" sabay ko din sa linya ni Colbie Caillat, syempre di ako papatalo no!

"I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Oh oh oh oh oh oh oh oh" sabay naming sinabayan yung duet na part at tumawa pagtapos nito

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

Sana parati kami ganto. Hanggang kailan kami ganto? Pag umamin ba ako may magbabago? hahaha malamang meron, it's either lalayo sya o baka may hihigit pa dito. Napangiti na lang ako at napailing, imposible.

Sinabayan lang namin yung kanta hanggang sa matapos.

"Aeri?" Kasalukuyan kaming nasa Cade De Au, Coffee Shop sa sea side, maganda sana dito paghapon kaso umaga eh kaya sa loob kami.

Sumipsip muna ako sa frappe ko bago ko sya tinapunan ng tingin at tinaasan ng kilay. Kumagat ako sa burger ko tsaka sumubo ng fries habang hinihintay yung sasabihin nya

"Pano pag gusto kita?"

---

Someone's POV

Hanggang kailan pa kaya ako magpapanggap? Wala akong ibang gusto kundi maging andyan para sakanya, hindi ko alam kung pano ko rin sasabihin sakanya yung nararamdaman ko gayung kaibigan nya lang rin ako, gayung nagtatago rin ako ng mga salitang "ako na lang" sa likod ng "andito lang ako".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

12 Years UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon