Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

"Ano ba yan girl! Ang bagal mo ah?" Kakasakay ko pa lang sa shotgun seat ng kotse ni Dever. Ito kasi gagamitin namin sa byahe, isasakay na lang daw sa barko, ayaw kasi mageroplano, sayang daw experience, sabagay.

"Sorry na, medyo nalate ako ng gising. O ano? Tara na! Teka wala si Karen?" Nilipat ko yung tingin ko kay Denver.

"Di na sya nagpaparamdam sakin simula nung uminom, wala na rin sya sa boarding house, wala na rin sila sa bahay nila sa Ortigas. Sabi daw ng kapit bahay nila nasa Canada na daw, binlock na rin ako sa facebook" walang gana nyang kwento samin.

"Tamang tama ishot na lang natin yan dun!" Masiglang hirit ni Carlo na asa back seat ng sasakyan.

"Tara na" nagseat belt na ako tsaka umupo ng komportable. Halos 18 hours din ata ang byahe papuntang Catanduanes kasama na yung oras sa barko.

1 o'clock pa lang naman ng tanghali ngayon.

"Kumain na kayo?" Tanong ko sakanila pagkaandar ni Denver.

"Tapos na" sabay nilang sagot kaya napatango na lang ako.

"Daan na lang tayo sa drive thru para bumili ng baon" sabi ni Denver kaya ayun nagdrive thru kami ng mga pagkain at namili rin sa convinience store para tuloy tuloy na ang byahe. Dalawang bucket ng fried chicken, walong rice at fries, may cooler din kami na maliit na nakalagay sa likod kay Carlo na may softdrinks, water, at coffee, ayun all set! Maluwag na maluwag kasi si Carlo sa likod kasi yung mga gamit namin nandun sa likod ng sasakyan, di rin ganun karami kaya nagkasya na dun.

"All goods! Lezzgooo!" Aya ko tsaka pumalakpak pa, medyo excited na ako.

At ayun matulog daw muna kami ni Carlo sabi ni Denver para daw may kadaldalan sya mamayang gabi o kaya palitan sya ni Carlo pag inantok na talaga sya.

"Aeri! Gising ka dyan! Nabibingi na ako sa katahimikan" naramdaman ko na lang na may pumupisil sa ilong ko dahilan para magising ako ng tuluyan.

"Ano ba? Denver naman eh!" Tinignan ko sya ng masama at akmang pipikit nanaman ako kaso pinisil nya ilong ko.

"Ano baaa!?"

"Gising na nga, nabibingi ako sa katahimikan!" Natatawa nya pang sabi sakin.

Umayos ako ng upo tsaka napakamot pa ng ulo.

"Tara dating gawi" tinignan nya ako sandali tsaka tumingin na ulit sa daan.

Nilabas ko yung cellphone ko at sinaksak sa speaker ng sasakyan. Inopen ko yung folder kung saan mga chorus lang ng kanta ang tugtog

"Ok game!" nangingiti ko ng tanong sa kanya.

"Max volume para sagad" tsaka sya tumingin sakin tsaka ngumisi kaya nasuntok ko sya kaya ayun tawa ng tawa yung hinayupak.

"Baliw! Edi di mo narinig yung ingay sa kalsada" sabi ko tsaka sya tinignan kaso sakto rin na nakatingin sya sakin. Nakared light din kaya nakahinto. Sya na yung umiwas.

Umubo sya, peke. "Green light na"

Inalis ko na rin tingin ko sakanya tsaka diretsong tumingin sa unahan.

"Bigay ka na tanong" sabi ko na hindi natingin sakanya, tangina nakakailang.

"Magkikita pa ba kami ni Karen?" Ngumiti sya, may halong lungkot, di ko alam pero ang hirap makitang sinasaktan ng ibang tao yung taong gusto kong alagaan.

Pinilit kong ngumiti, yung totoong ngiti.

"Ok shuffle" tsaka ko pinindot yung shuffle button.

Dahan dahan mong binitawan puso kong di makalaban dahil minsan mong iniwan labis na nahihirapan

"O! Mukang di na kayo magkikita ni Karen sabi ng tadhana, baka kasi nasa tabi mo na lang di mo pa makita" natatawang sabat ni Carlo na malamang kakagising pa lang, halos pandilatan ko sya sa sinabi nya.

"Gising ka na pala" natatawa si Denver habang patuloy lang ang pagdrive, ni hindi kami tinatapunan ng tingin.

Nakurot ko tuloy Carlo.

"Araaay"

Pinandilatan ko sya pero binawi ko rin agad kasi lumingon samin si Denver.

"Araray ang pag ibig" palusot ko tsaka ngumiti at lumingon saglit kay Carlo.

"Pagpumasok sa puso ay maligalig" dagdag ni Carlo.

"Mga baliw! Epekto ba yan ng may tulog? Carlo palitan mo na ako bakanaman" natatawang sabi ni Denver.

Tinabi na ni Denver yung sasakyan at nagpalit sila ni Carlo. Si Carlo ang nagdrive, ako pa rin ang nasa shotgun seat, nasa likod na si Denver at mukang manginginain na.

"Uso magyaya" pagpaparinig ko

"Gusto nyo?" Nag abot ng dalawang burger si Denver pero nang akmang kukunin namin ni Carlo, inilayo nya yun.

"Luh? Asa kayo? Umalis nga kayo! Ugh! Kairita! Papasok ba si maam? May PE ba ngayon? Zumba nanama---aray!" Yun, binatukan namin tsaka kinuha yung burger sakanya, may paaction pa si buang.

Pagkatapos manginain ni Carlo ng burger ay umandar na kami, mamaya maya ay tulog na si Denver sa likod.

"Lakas mo kay Lord sis! Umalis na si Karen, di mo nga lang sure kung busted na"

"O ano na plano mo sis? Magiibang bansa na kayo nila Tita Cassie next week, wala ka pa bang balak umamin kay Denver" Tinapunan ako saglit ni Carlo ng tingin tsaka ibinalik nya na ulit yung tingin nya sa daan.

"Eh Carlo, alam mo naman siguro yung rason ko kung bakit ayaw ko magsa---"

"Oo na, takot ka na masayang yung pagkakaibigan nyo at yung feelings mo na nagsimulang mabuo nung 10 years old kayo? Ayaw mo masayang yung pag asa mo sa mga walang kahulugan at mababaw na motibo na binigay nya sayo sa loob ng 12 years? 12 years na wala kang ginawa kundi magpakatanga, sundan at suportahan sya, tanawin syang may kasamang iba habang ikaw nasasaktan at mas masasaktan ka pa pag nakita mong nasasaktan lang ng ibang tao yung taong todo mong inaalagaan at iniingatan, ganon?" Tinignan nya ako tsaka umirap.

"Eh ikaw? Naisip mo ba sarili mo? Move forward girl! Galaw galaw dyan, pokpok ka remember? Chos" sabay pa kaming natawa ni Carlo sa sinabi nya.

"Di naman kita mapipilit na magmove forward or alisin feelings mo kay Denver, di ganun kadali yun. Ang pinopoint ko dito is bago ka gumorabels, umamin ka na sis para wala kang pagsisisihan pag nakaalis ka na!" Napabuntong hininga pa si Carlo.

"Tsaka na lang natin pag usapan yan Carlo, baka magising si Denver. Aamin naman ako bago ako umalis" nginitian ko na lang si Carlo at tsaka pinagmasdan si Denver na mahimbing na natutulog sa backseat.

Hindi ko hinihiling na suklian mo ang nararamdaman ko, sapat na ang malaman mo.

12 Years UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon