Chapter 1
"Cheers!" Sigaw ko sabay taas ng pang15 na bote ng alak na iniinom ko.
Tinaas din ni Denver at Karen yung baso nila. Si Denver na kaibigan ko pero higit pa duon ang tingin ko sakanya, si Denver na kaibigan ko simula bata ako.
Anim na taon ako nun nung napagdesisyonan ni mama na lumipat kami ng Maynila sa bago nyang asawa, galing kaming probinsya nun. Walang bata ang gusto makipaglaro sakin, mga rich kid kasi sila, ayaw nila ng laro kong piko, pogs, at mga panglarong kalye, pangpoor daw at sabi pa nila dirty daw nung mga laro ko. Si Denver lang yung batang lumapit sakin at nagkainterest na makipagkilala at makipaglaro .
Balik tayo sa present, yan naman si Karen, nililigawan nya. Halos isang taon na syang nanliligaw wala namang napapala, ewan ko ba dyan sa babaeng yan napakaswerte nya kay Denver no! Gwapo, matalino, mabait, masipag, matyaga, talented, halos nasakanya na lahat ng gugustuhin ng isang babae. Ewan ko rin dito sa Denver na to kung bakit nagtyatyaga pa dyan kay Karen andito naman ako, manliligaw pa lang sya kami na agad hahaha, syempre joke lang! Hard to get kaya ako.
Tinignan ko si Elyse, kaibigan ni Karen na malamang knock out na. Umay, tumayo na lang ako at nagpaalam kay Denver na pupunta ako sa unit ni Carlo na sa gabi Carla. Sa condo unit kasi kami ni Denver naginuman, kakatapos pa lang ng gig nya sa bar. Composer, gitarista, at singer din kasi ito kaya nakakasideline syang tumugtog. Feeling singer din ako kaya minsan kasama nya ako sa mga gig pag talagang nangangailangan ako.
Pagewang gewang akong pumunta sa unit ni Carlo, limang unit ang layo mula sa unit ni Denver. Nagdoorbell lang ako at yun na, expected nito pagdating ko.
"Waaaah Carlooo! Kailan babustedin ni Karen si Denver?!" bungad ko sakanya.
"Juskoo! Loka ka Gurl! Pumasok ka nga muna at baka may makarinig sayo" hinila ako ni Carlo papasok at pinaupo sa sofa at tsaka sya kumuha ng baso ng tubig at mga snow bear, marami syang ganun dito kasi alam nyang sya ang dinidiretsuhan ko paglasing o kaya naman pag di na umabot si Denver sa unit nya edi kay Carlo ang tuloy.
Nakaupong hilata ako sa sofa nya at habang sya andun sa solo na upuan na sofa rin naman, malay ko ba kung ano tawag dun.
"O ano nag inuman nanaman kayo kasama si Karen?" Tumango lang ako
"Loka ka Gurl? Iniwan mo si Dever at Karen sa unit nya na silang dalawa lang?" Napatingin ako agad sakanya tsaka tinaasan sya ng kilay.
"Boba ka ba? Sa tingin mo hahayaan ko yun?" Nahihilo na talaga ako.
"O sinong kasama nilang dalawa dun?" Tinaasan pa ako ng kilay ng gaga
"Si Elyse kaso knock out na din Baks. Yaan mo na kung mapasaya man nya si Denver edi ok atleast naging masaya sya" tumawa pa ako ng bahagya tsaka bumalikwas
"Kaloka ka gurl! Ano yun di mo hahayaan pero pag napasaya, ay sige hayaan na pala. Sige nga balik ko sayo yung tanong mong pambungad kanina ha? Ikaw? Kailan ka matatapos kay Denver? Ok lang sanang masaktan ka kung may lakas ka ng loob kaso gaga ka hanggang kailan ka magtatago? Hanggang kailan ka aasa sa motibo? Gagang to" sinesermonan nya nanaman ako hahaha wala ng bago.
"Carlo" malumanay kong tawag sa kanya.
"O ano? Nagising ka na? Hibang to" nakacross arm nya pang tanong.
Tinaas ko yung dalawang kamay ko at pinakita yung sampung daliri ko.
"Ilan to?"
"Sampo, lutang ka?"
"Ganyan karaming bilang mo na sinabi yan sakin, mas marami pa nga ata" tsaka ako tumawa para asarin ko sya.
Tumabi sya sakin at pinatong yung ulo ko sa balikat nya tsaka tinapik noo ko.
"Aray ko"
"Tanga ka kasing gaga ka, mas masakit pa sa tapik ko sa noo mo yung katangahan mo wag kang ano dyan Sis" ngumiti na lang ako tsaka umiling.
Papikit na sana ako kaso tumunog yung doorbell. Tumayo naman bigla si Carlo kaya ayun bumagsak ako pahiga ng tuluyan sa sofa. Sumunod naman ako kay Carlo kahit pa umiikot na paningin ko.
"Carlo, kailangan ko na umuwi samin. Iuuwi ko pa to si Elyse. Di ko na din naayos si Denver, ok lang ba kung kayo na bahala?" Napatingin sakin si Karen nang mapansin nya ako sa likod ni Carlo.
"Pahinga ka na Aeri! Mukang lakas na din ng tama mo" muka ba akong nakikipagbiruan sakanya? Tsk, close kami?
Nginitian ko na lang sya tsaka tinanguan.
"Sige Carlo ha? Ikaw na bahala" kumaway sya tsaka inakay na paalis si Elyse.
Pagkaalis nila ay binatukan ako ni Carlo.
"Aray ko! Ano ba?" Ngumuso pa ako
"Gaga ka kaplastikan mo! Halika na loka!" Inakay ako ni Carlo papunta sa kwarto nya at hiniga duon sa kama nya.
"Hay nako! Bahay ko to girl no? Pero ako pa yung matutulog sa extra bed ko sa lapag? Dadalhin ko na lang rin dito si Denver" Talak nya sabay alis na. Pumikit na lang ako hanggang sa nakatulog na ako.
"Aeri! Gising! Uy! Aeriyesa Cassandra! Rise and shine! Yuhoo!" Paulit ulit pa akong inaalog alog ng kung sino man na demonyong to na sa boses pa lang, alam kong si Denver na
"Demonyong to, natutulog pa yung tao! Di pa ako ginigising ng diyos wag ka magulo!" Bulakbol ko tsaka nagtalukbong ng unan.
"Bobo, ginigising ka na. Diyos ako ng kagwapuhan wag ka mag alala" pagyayabang nya pa.
Tinanggal ko yung unan na tinalukbong ko at humarap sakanya.
"Hoy Denver James! Ang kapal mo, umagang umaga ang hangin hangin mo na pesteng to" pinanlisikan ko sya ng mata, di ako magpapatalo umagang umaga binibwiset nya ako.
"Aba! Aba! Umagang umaga nagbabangayan na kayo agad! Luto na po ang breakfast nyo Señorito't Señorita, nahiya naman sainyo ang may ari ng condo unit na ito kaya pinagluto pa kayo" nakacross arms pang pangbungad ni Carlo na kakapasok pa lang ng kwarto.
"Babawi ako Carlo wag ka mag alala, pupunta tayong Catanduanes!" Masayang saad ng demonyo sa tabi ko este ni Denver pero tekaa...
"Gago! Ano catanduanes? Malayo yun tanga, kwento mo sa pagong kami nanaman gagastos tapos ikaw nagyaya" nabatukan ko tuloy sya.
"Ano pang ineexpect mo? Kuripot yang si Denver" gatong pa sakin ni Carlo.
"Gaga may guesting ako, alam mo naman medyo sumisikat na mga covers ko sa YT kaya inimbita ako, sagot nila lahat dun wag kayo mag alala" nagkatinginan kami ni Carlo tsaka sabay kaming nagkibit balikat.
"Sama na kayo, first guesting to o!" Pangungumbinsi pa nya kasi nga kibit balikat lang sinagot namin.
"Sige G!" Saad ko sabay tango tsaka tingin kay Carlo.
"O sige gora na this! Basta libre. Kailan?" Pagsang ayon din ni Carlo.
"Next next day"
------------
Aeri pronounce as Ey-ri :)
BINABASA MO ANG
12 Years Untold
General Fiction12 years, kay habang panahon kung iisipin ngunit para kay Aeriyesa Cassandra, hindi pa ito sapat para aminin yung nararamdaman nya kay Denver James na matagal nya ng kaibigan pero papaano na kung kailangan nya ng umamin? Aalis na sya at sa pag alis...