"Gising na,Ariana!" Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Kuya na pumasok sa kuwarto ko.
I groaned at kinuha ang cellphone ko tsaka ako nagtalukbong nang kumot. I heard him opening the curtains and windows at maaraw na.
Napailing ako when I saw that it is 6 am! Ang aga nilang gisingin ako!
"Halika na, Ariana at naghihintay na si Mama sa baba!"
"Kuya naman eh!" Maktol ko at napaupo sa kama dahil kinuha niya ang kumot.
Napatawa naman ito nang makita ang mukha ko, panigurado na ang pangit ko!
Di na naman kasi ako makatulog kaka-isip kay Emilio at sa intrams. Kinakabahan ako.
Pinitik nito ang noo ko kaya tinignan ko siya nang masama, meanie!
"Dali na, Sis. I missed you." Biglang lambing nito kaya lumambot naman ang mukha ko.
"Busy ka sa firm kuya? Kamusta naman ang Hacienda?" He sighed.
"The firm's fine. I am a bit worried about the hacienda. Kailangan natin nang maraming partners para naman mas makilala pa ang products natin na bulaklak."
Bigla ko naman naalala ang offer nila Evelyn. Biglang sumigla ang mukha ko at lumapit kay Kuya na tinutupi ang kumot ko.
"Handang tumulong ang mga Vasquez kuya!" Napatingin ito sa akin na kunot-noo.
"Vasquez? Lorenzo Vasquez? The youngest heir sa La Flor?" Tumango naman ako.
"I met him kuya, and he said personally na pwede silang makatulong. You must meet him and talk to him about the hacienda!"
"They are also partners with Tito Ivan. Probably with Papa also." Nakita ko na nag-aalala ito.
Probably because baka ay magkita sila ni Papa sa iilamg occasion. I jut smiled and patted his shoulder.
"Huwah mo nang isipin yun, Kuya. Ang mahalaga ay lalago pa ang Florestiqa." Tumango naman ito at ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako.
"Fine, give me his number and I'll call him to set a meeting. But for now, you brat, have to eat." Sabi nito at sabay kaming bumaba nang kusina.
Pagbaba namin nakita ko si Manang at Mama na naghahanda na sa kusina. Maraming pagkain na siyang pinagtaka ko.
"Mama? Bakit ang dami naman?"
"Oh! Good morning nak!" Lumapit ito sa akin at binigayn ko naman siya nang halik sa pisngi.
"May bisita kasi tayo anak, Kaya maaga kitang pinagising. Nine-thirty naman ang klase mo ngayon diba?" Tumango naman ako.
Nasa teacher conference kasi ang dalawang teachers ko kaya nine-thirty kami papasok.
Pinaupo naman kami ni Mama sa lamesa. Katabi ko si Kuya at si Mama naman sa harapan namin.
"Alam mo ba kuya kung sino ang bisita?" He shrugged.
"Kakadating ko lang kaninang madaling araw kaya hindi ko rin alam." I nodded at him.
Tinignan ko naman si Mama at napansin ko na bihis na bihis ito. She is already wearing a long floral skirt at long sleeve na black turtle neck.
Nakaayos na rin ang buhok nito na para bang pinaghandaan. Ke-aga aga at ganito ang porma niya?
Eh kami nga ni Kuya naka-pantulog at magulo pa ang buhok.
Nilagay na nila Manang ang huling pagkain sa lamesa. Mainit init pa ito at bigla naman may nag-doorbell kaya naplingon kami sa may entrada nang bahay.
BINABASA MO ANG
Pueblo Amore 1: Splintered Heart
General FictionPueblo Amore 1 Ariana was broken when their father left them. It was unexpected and too sudden that it was so hard for her to forget. She feared that when she loves someone again, It will be the same. Emilio Ishmael suddenly came in her life, Will...