"Sorry na! Hindi kita papauwiin pag hindi mo pa ako inimik!"maktol ni Evelyn sa tabi ko.
Napailing nalang si Lorenzo at Emilio sa kakulitan ni Evelyn. Tumingin naman ako sa paligid at marami nang students ang naglalakad pauwi.
Nasa waiting shed kami nang school at hinihintay ko si Mama na sunduin ako. Marami atang tao kaya natatagalan ito ngayon.
"Wala pa ba ang sundo mo?" Suplada kong tanong.
Lorenzo chuckled kaya nas lalong napanguso si Evelyn.
"Pleaseee!" Nagpa-cute pa ito kaya napailing nalang ako at tumango.
"Sige na nga, ano pa ba ang magagawa ko kung napili na ako kanina? Na-send na nga ang pangalan ko sa registrar diba?"
"It's not too bad, Ariana. You are pretty and also smart. " singit naman ni Lorenzo sa tabi namin at ngumisi. Inirapan ko ito
"Supportive ka? Ha? Parehas kayo nang pinsan mong to!" Tinuro ko si Evelyn na ngumingisi ngayon.
"Tama nga naman ang sabi ni Lorenzo-panget! Maganda ka naman Ariana, tsaka, we have to win this year tapos si Emilio naman ang partner mo! Ayiiee" sinundot pa ako nito sa bewang kaya mas lalo akong napanguso.
Nadako naman ang tingin ko kay Emilio na busy sa cellphone niya at parang may ka-text. Halatang busy ito at seryoso.
Sino naman kaya ang kausap nito?
Teka... ano naman pakialam ko?
Nagulat pa ako nang bigla itong tumingin sa akin kaya napaiwas ako bigla.
"Excited nako! Nakuuu ako na ang bahala sa dress mo! Kakausapin ko si Mommy para personal niyang design ang gamitin mo!" Nakita ko naman ang galak nito at nagsimula nang magsalita sa mga plano niya.
Sumilip naman ako kay Emilio na ngayon ay nakikipag-usap na kay Lorenzo. Bakit ba hindi pa sila umaalis? May kotse naman si Emilio at Lorenzo ah?
When I stare at Emilio, hindi na ako nagdududa kung bakit maraming humahanga sa lalaking ito, his black messy hair with his green eyes looks so stunning. Ang mga mata nito na para bang gubat and it gives you peace and that calm.
No wonder my half-sister was his boyfriend. He is hot, talented and smart. Anak din ito nang sikat at magaling na lawyer sa bansa which is Papa's bestfriend.
Bagay.. bagay na bagay..pero bakit pa niya hiniwalayan si Andrea?
I don't know that much about Andrea but I can hear news about her around the Campus. Matalino ito and she's planning to follow our father's footsteps to be a lawyer.
Okay lang, nandoon naman si Papa sa tabi niya para gabayan siya.
Not like me, he left me for her because I think he felt tired, or he wasn't contented o dahil hindi talaga niya kami mahal.
Mapait akong napangiti when I remembered what Manang told me.
Yes, I am scared.. I am still scared.. I looled at Evelyn na nakangiting nagke-kwento at halata ang saya nito sa pagsali ko sa Contest.
Hindi ko pa rin kayang ibigay ang lahat nang tiwala sa kanya. I never had friends because all my life, I have father with me as a friend, companion and a parent.
May mga kaibigan nga ako noon but they are not the ones I talk with about my problems or secret, it was my Papa.
My friends back then are more like, student-classmates ones.. mag-uusap lang about school, groupworks or homeworks..
But with Papa?
Siya ang may alam nang mga problema at sikreto ko.
But life was awful. Tama nga naman sila, walang permanente kaya kailangan mong sanayin ang sarili mo, to prepare to be slapped by the world na in the end, you will be alone fighting.
BINABASA MO ANG
Pueblo Amore 1: Splintered Heart
Ficção GeralPueblo Amore 1 Ariana was broken when their father left them. It was unexpected and too sudden that it was so hard for her to forget. She feared that when she loves someone again, It will be the same. Emilio Ishmael suddenly came in her life, Will...