Chapter 8

26 1 0
                                    



"This party is very important lalo na sa batch niyo dahil dito kayo makikilala ng mabuti ng mga officials ng Teen Militia. You will got a chance to meet the headmaster together with her wife. As possible, maging close niyo sana si Mrs. Lheanne," pagpapaliwanag ni Sir Martin habang naglalakad kami sa bakanteng corridor ng Teen Militia.


Naka-akbay sa braso ko si Quinnie. Sabay kaming naglalakad. Nasa unahan namin si Sir Martin habang nasa likod naman namin sina Sergen at Tiago.


"Ano ba itsura ni Ma'am Lheanne?" tanong ko.


"Maganda," sagot ni Sir Martin. "Blonde ang buhok, maputi, saka maamo ang mukha."


Napa-oww naman ako. "I see..." Habang naglalakad kami, palakas na palakas ang tunog na naririnig ko. It's like party sound. Napalingon ako sa likod namin. Nakita kong nagsimula nang sumayaw si Tiago at ginaya naman siya ni Sergen. "Lakas ng trip niyo ah," sabi ko.


Nilingon rin naman sila ni Quinnie at pati ito ay natawa sa pinaggagawa ng mga boys.


"Ganyan ba talaga si Tiago?" bulong ko rito.


"Hindi naman masyadong ganyan. Pero nong kami pa lang yung trainees lagi niya akong kinukulit kapag bored siya. Eh lagi siyang bored. Kaya lagi niya akong kinukulit," aniya. "Pero dahil nandiyan na si Sergen. I guess nakahanap na siya ng kadamay sa mga kalokohan niya. And mukhang nahawaan naman agad si Sergen."


"Sumasabay na lang talaga siya sa trip ni Tiago noh," singhal ko. "Baka pinagblablackmail si Sergen kaya ganyan." Sabay kami nagtawanan ni Quinnie.


"Umayos na kayo. Malapit na tayo. Boys tabihan niyo na ang mga girls," utos ni Sir Martin sa amin.


Agad naman kumaripas patakbo si Tiago sa amin. Nilahad niya braso niya kay Quinnie. Agad naman siya tinarayan nito. "Ayoko nga! Nakita pa lang kita kanina nangulangot. Tigilan mo ko!"


Tinignan naman siya ng masama ni Tiago. "Eto naman ang arte arte!" Habang nakikinig ako sa bangayan nina Tiago at Quinnie tumabi naman sa akin si Sergen. Nilahad niya braso niya sa akin. Aabutin ko na sana ito anng bigla ako hinawakan ni Tiago sa braso at hinila palapit sa kanya. "Kung ayaw mo si Natasha na lang," aniya.


Tinignan ko naman si Tiago na parang may mali siyang ginawa. "Ba't mo ko hinawakan?" tanong ko.


Nagtinginan naman kami. Napakunot siya ng noo. "Bakit?"


"Nangulangot ka daw sabi ni Quinnie," naiiyak kong sabi. Bigla na lang umiba expression ng mukha ko. Para na akong naiiyak at di makagalaw sa kinakatayuan.


Para namang gusto akong pigilan ni Tiago sa pag-iyak. "Hindi. Hindi ka maniwala diyan kay Quinnie. Ganyan talaga siya mangtrip sa akin," aniya. Galit na napaharap si Tiago kay Quinnie. "Tignan mo tuloy Quinnie naniwala tuloy sa'yo si Natasha!"


Para namang natauhan si Quinnie at napalingon sa direksyon ko. Tinignan niya mukha ko na parang naiiyak na at nandidiri na sa pagkakahawak sa akin ni Tiago. "Hoy! Joke lang. Gaga. Hindi yan nangulangot si Tiago. Pinagtritripan ko lang siya," paliwanag niya. Napaharap siya kay Sir Martin. "Di ba, Sir Martin, ganyan ako mang-asar kay Tiago?"

Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon