"I see, Ms. Mystic. You are trying to have new friends here," tugon ni Ma'am Melinda. Marahan siyang pumasok sa silid at nginitian ulit kami. Nakatago ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Pinagtinginan naman namin siya ni Collins.
Then ilang segundo ng katahimikan ay napatayo si Collins mula sa kinauupuan at agad na binati ang ginang. "Magandang gabi po, Mrs. Agile," sabi niya sabay yuko.
Curious ko naman tinignan ang ginawa ni Collins bago ko inilipat ang tingin kay Ma'am Melinda.
"Are you two close to each other?" tanong ni Ma'am Melinda sa amin.
Patago naman akong napa-irap bago sumagot. "Siya po yung nagdala sa akin sa Teen Militia." Echosera ka.
Napataas naman ng kilay si Ma'am Melinda bago mag half smile. "You two look good with each other," pagbibiro niya sa amin.
Agad naman kaming nagulat ni Collins sa narinig. Nagtinginan kaming dalawa bago pa man ako umiling. "No. I don't actually make any romantic connections to boys talaga," sabi ko rito. Jusko! Tangina. Na ship pa ako wala sa oras.
Para namang lumungkot ang ekspresyon sa mukha ni Ma'am Melinda. "Ow. That's sad. Anyways Collins , pinapatawag ka ng headmaster. Kanina ka pa hinahanap. Dito ka lang pala makikita," aniya.
Agad naman napaayos ng tindig ang lalaking katabi ko bago yumuko para magpa-alam sa akin. "Sige. Mauna na ako, Ms. Mystic." Dali-dali siyang naglakad sa direksyon ni Ma'am Melinda at inoffer niya ang braso niya rito. Agad naman pinatong ng ginang ang kanyang kamay rito bago pa sila naglakad palabas sa mini library.
"Goodbye for now, Natasha. Bumalik ka na lang sa party if you want but first things first, ayusin mo muna buhok mo na nakaharang sa maganda mong mukha," ani Ma'am Melinda.
Napasimangot na lang ako bago pagod na napa-upo sa upuan ng piano. Napakrus ako ng braso at masamang tinignan ang direksyon kung saan ko last nakita ang dalawa. "Ginawan pa ako ng issue ng gaga."
"Natasha."
"Natasha..."
"Natasha, nasaan daddy mo?"
Napatingin ako sa apat na mga teenagers sa harap ko. Dalawang babae at dalawang lalaki. Mukha silang mga mayayaman. Napaka elegante nilang tignan at lahat sila ay goodlooking.
"B-bakit po?" tanong ko habang yakap-yakap ang aking teddy bear. I think I was turning five that time.
Bigla naman nag squat ang isang babae sa harap ko bago ako nginitian but in a weird way. She fixed my hair na nakaharang sa aking mukha bago magsalita. "Because we will kill him..."
BINABASA MO ANG
Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]
ActionWanted criminals running in our cities. Are you willing to chase them one by one? book cover from lilxsky Date Started: March 28, 2024