Chapter 7

17 2 0
                                    


As soon na narinig ko boses ni Rachel sabay non ang pagsipa niya sa libro ko patalsik sa ibang direksyon. I was left speechless. Lalo na't nang makita kong halos matupi at masira mga pages ng libro. Hindi ko alam kung ganon kalaki ng galit na nararamdaman ko ngayon. Pet peeve ko pa naman na matupi ang mga pages ng libro na ginagamit ko. I am very maalaga pa naman sa mga bagay tulad ng mga libro.


Agad ako nilampasan ni Rachel. I see na may mga kasama siyang group of friends. Kaya pala ang tapang ng gaga. I was really battling with my thoughts. Kung papatulan ba siya o hindi. But I also realize na bago lang ako dito sa Teen Militia. I cannot act like I'm the queen here. I will never be. Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim.


Kalma, Natasha. Kalma.


Today, I will let it slide.


Pero lintek lang walang ganti.


Humanda talaga yang Rachel na 'yan kapag nakahanap ako ng tsempo sa kanya. Hindi na ako magdadalawang isip na patulan siya. Lalo na't sirang-sira na reputation ko outside Teen Militia. I wouldn't mind. The former academic achiever, perfect daughter, with a bright future ruined her life by engaging in a school violence. I don't care!


"Oh? Nandito ka na pala?" Bumukas yung pinto ng room ko. Bumungad sa akin si Quinnie with her cocky glasses at nagsisicompile na mga libro sa kanyang braso. Pinatong niya ito sa lamesa bago napatingan sa akin. She arched her eyebrows. "Napano 'yang mukha mo? Ba't nakasimangot ka diyan? I called you kanina sa dining area. Hindi mo man lang ako narinig."


Narinig kita. Ayaw lang talaga kita pansinin.


Isinara ko na lang ang close bago napaharap kay Quinnie. Kakatapos ko lang maglipit ng mga gamit na binigay sakin ng school. "Wala. Wala lang sa mood," sabi ko sa kadormmate ko. "Sorry pala kagabi. Tinakasan kita."


Ngumusi naman siya. "It's fine. But we were hoping na next week pumayag ka na. Grad the chance, Natasha." Pinakita niya sa akin mga libro na dala niya. "You see this? I'm going to be the healer sa group natin."


Napakunot naman ako ng noo at binasa ang pamagat ng mga libro na hawak niya. Puro mga medical stuffs. "Magnunurse ka?" tanong ko.


"Pre-med," sagot niya. "I'm going to be a doctor here sa Teen Militia. I just decided kahapon. Pinapili ako ni Ma'am Melinda. To be the healer, killer, spy, or decoder. I chose the healer."


Natawa na lang ako. "The safest choice." Wait, teka! "Ano?! Healer? Killer? Spy? Decoder? What do you mean about that?"


Napa-upo namna sa kama niya si Quinnie bago ako sinagot. "When we are going for a mission may mga kanya-kanya tayong roles and expertise. And naka divide sa apat na category yun kaya nga apat tayo na trainees ni Ma'am Melinda. Dahil hindi ka lumitaw kahapon, nauna na kami ni Tiago pumili ng role. I chose to be the healer. Tiago chose to be the decoder. And you should thank Sergen dahil pinili niyang hinatayin ka na magdecide sa dalawang natirang role. So either you choose to be the spy or killer."


Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Gusto kong matawa. Wait teka. Natatawa na nga ako. "You guys are so unbelievable," I said. "Talagang pinili niyo pa ni Tiago ang pinaka safe na role."

Teen Militia: Sleeping With The Sirens [Novel #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon