Chapter 6

73 10 3
                                    



Charity Lunox Marqueza:


Bumaba na ako sa motor ni Von. It was quite an exhausting journey. Ang layo ng tinahak naming apat. Speaking of apat, I didn't expect na may makakasama pa kaming dalawa sa paghahanap namin sa daddy ko. This Nicholas invited some friends. Isang lalaking mukhang mabait at may itsura. Gwapo siya! Napakagwapo talaga niya. The problem is... kulang lang ito ng appeal sa kanyang sarili. He is so quite at saka parang ang boring niyang tao. But he is nice, of course. Siya pa ata ang nag-imbita sa isa pa naming kasama.


Thanks God cause ang huli naming pinuntahan kanina ay babae. Pinsan daw nong lalaki. She is so loud and noisy. Ang hilig niya tumawa at sumigaw. Habang nasa biyahe kaming apat rinig na rinig ko pa rin ang kanyang boses.


"I'm free! I'm free! Akala ko talaga magbabakasyon ako sa restaurant ni Tita. But no! You guys saved me," masayang tugon na lamang ng babae naming kasama. Napababa ito sa motor ng kanyang pinsan at saka napatakbo sa driveway ng parking lot. Tumigil kaming apat sa pinakamalapit na motel. And trust me, ang layo ng pinuntahan namin sa sinasabi nilang malayo.


I sighed bago inayos ang gumugulo kong buhok dahil sa biyahe namin kanina. Muntik pa nga ako matapilok dahil sa heels na suot ko. "Anong oras na ba?" tanong ko na lamang sa sarili ko. Bigla na lang kasi inantok at parang napagod kahit naupo lang ako sa motor ng mga limang oras.


After kasi namin ipaalam yung babaeng makakasama namin sa paghahanap namin kay Dad ay diretsong umarangkada na si Von. He told them na papagabi na at kailangan pa naming pumunta sa motel na 'to. Tomorrow, magsisimula na kami sa paghahanap sa tatay ko. They will help. I'm so glad to know that someone will help me kahit hindi ko sila... kahit nahihiya ako... kahit hindi pa ko sure kung katiwa-katiwala ang mga taong kasama ko.


"Hey!" tawag sa'kin nong babae pagkatapos niya lumingon sa'kin. Napasuklay siya sa blonde niyang buhok gamit ang kanyang daliri bago unti-unting lumapit sa direksyon ko. "My name is Vanessa Haze Marcoleta. Ikaw? Anong pangalan mo? Super pretty niyo po. Sabi raw ni Kuya Scot anak po kayo ng mayaman? Magkano net worth mo?" aniya sabay ngiti.


Hindi ko naman alam ang irereact sa babaeng kausap ko ngayon. In my peripheral view, nakita kong napa-iling si Von sa inaakto nong Vanessa sa'kin ngayon. While yung Scot naman ay tinignan na parang nawiweirduhan siya sa inaakto ng kanyang pinsan.


"Sinasabi ko na nga ba, sakit ng ulo ang isang 'to." Napa-ayos na lang ng jacket si Von bago kami nilampasan mula sa likuran ganoon rin yung Scottie.


"Vanessa, pag 'yan na ugali mo makaka-abot kay Madam Majestic, lagot ka." Scottie.


Napagasp na lang ang babae sa sinabi ng dalawang lalaki sa kanya. "Sorry na," aniya. Napapout na lang ito bago napalingon sa'kin ulit. She's like...she seems like waiting for my answers.


Nginitian ko siya. Yung mainit na ngiti para hindi ako mag mukhang masungit sa kanyang harap. "My name is Charity Lunox Marqueza. Yes, I'm from a wealthy family. Yet yung mga pera namin... unti-unti nang ninanakaw mula sa'min. And I think it's not a good idea to mention our money kasi sa totoo lang hindi talaga importante sa'kin 'yon." Napayuko na lamang ako para itago ang mga luhang bumubo sa mga mata ko. Naalala ko na naman kasi ang daddy ko. Knowing na his life is in danger at wala pa akong ideya kung nasaan siya- natatakot ako, nalulungkot na lang ako sa nnaagyayari sa papa ko. Muli kong ibinalik ang aking mga mata kay Vanessa. "I'm eighteen years old na pala. Ikaw? Ilang taon ka na?" tanong ko rito.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon