Mary Jane Mystic:
"Ayusin niyo 'yang sayaw niyo!"
"Yung posture mo, Violetta."
"Bakit hindi mo naman inaalalayan, Fierce?"
Napakamot na lamang sa batok ang dalawang magkapatid dahil sa kadaldalan ko.
"Madam Majestic, huwag niyo naman akong tawaging Fierce. Miguel na lang nga po," aniya. "Para namang nakikipagbiruan 'to na ewan," bulong pa niya.
Tinignan ko siya na parang nawiweirduhan ako sa kanya. "Fierce is elegant. Miguel seems weird to you. At code name mo ang Fierce."
"Pinagsisihan na ata ni Migs na ikaw pinapili niya sa ng kanyang codename," natatawang sabi naman ni Violetta. Napahalakhak ito at sa ginagawa niya mukhang hindi siya pormal na dalaga.
Maganda si Violetta, masisingkit ang mga mata. Kasing puti at kinis niya ang kanyang mama nasi Sky. Matangkad rin at cole black ang kulay ng buhok. Balingkinitan rin ang katawan. Habang naman si Fierce ay kasing tangkad ng kanyang papa nasi Trevor. Kambal ang dalawa kaya magkamukha ang mga 'to. The only different is mas manly face ni Fierce. He may have a long hair na abot sa gitna ng kanyang leeg, he is still handsome. Masingkit rin ang mga mata.
Napasingkit na lamang ako ng mga mata habang tinitignan ang dalawa. Huminga ako ng malalim bago sila tinignan ng seryoso. "How sad life is? Dati anim lang kayo, ngayon dalawa na lang."
"Ano ba pinagsasabi ni, Madam Majestic?" narinig kong bulong ni Violetta kay Fierce.
Napairap naman ako. "I'm talking about the inheritors. Noon, apat ang mga inheritors ng Teen Militia. At ang dalawa ay nasa red lining, minementor ko rin sila," explain ko sa mga 'to. "Nakakalungkot kasi dalawa lang kayong narito. So pwede bang pahingi ng suggestion? Bukod sa inyo, sino ba dapat ang imentor ko pagnagsimula na yung pasukan?"
Nagtinginan naman ang dalawa. Sa tahimik at elegante kong opisina, nakaluxury outfit sina Violetta at Fierce. Nakatuxedo yung lalaki at naka itim na sexy night gown ang babae. Pinapapractice ko lang sila ng isasayaw sa isang special na event.
"How about Daniel?" suggestion ni Violetta.
"Yung anak ni Tito Clyde?" ani naman ni Fierce.
"Mukha bang may anak 'yon?" baling ko rito.
"Malandi 'yon," reply naman ni Fierce. Pinagmulatan ko naman siya ng mga mata dahil sa sinabi niya.
"Si Tristan tapos si Iristotle. Di ba Morqanion ang mga 'yon?" suggestion na naman ni Violetta.
"Tristan is living with her mother sa ibang bansa and I think wala siyang plano maging parte ng Teen Militia. While Iristotle, is she even alive? Di pa nga nahahanap ang babaeng 'yon at ang kanyang tatay."
BINABASA MO ANG
Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]
ActionIn a world full of illegal acts, crimes and sins- Charity Lunox Marqueza found herself living in peace with her overprotective father, a famous C.E.O. of Luiton Company and Corporation. After the unexpected disappearance of her parent, Charity was s...