Third Person:
Napalakad ang isang dalaga sa gitna ng silid at agad na nilapitan ang isang ginoo. "Hindi pa po ba natratrace si Charity?" tanong ni Charmaine rito.
"Hindi pa," sagot ng matanda bago pinagpatuloy ang kanyang pag-pipin ng mapa sa table. Sinabihan niya agad ang ang kanyang tauhan ng sunod na gagawin pagkatapos niya magplano bago binalingan ang dalaga. "Tell your dad, Miss Charmaine, na kailangan natin ng back-up sa pulisya. Now."
"Okay," the girl nodded bago naglakad palabas ng kwarto. Naka-eye contact pa nito si Joanna na taimtim at problemadong naka-upo sa mahabang bangko na nasa gilid. Inirapan niya pa ito bago umiling.
Joanna sighed in frustration at napasabunot ng kanyang buhok. She's so worried sa pwedeng mangyari sa kanyang pinsan. Although pinagalitan na siya ng grabe ng kanyang tatay nong nakaraang araw, di pa rin nito matigilang isipin si Charity.
Napalingon sa kanya si Jasper na nasa kumpol nina Tycob Alfonso. Naging aware ang binata sa nangyayari sa kanyang nililigawan. Nang masigurado nito na hindi na siya kailangan ng kanyang ama ay lumapit ito kay Joanna. "Okay ka lang?" tanong niya. Napa-squat siya sa harap nito.
"Yes," dali-daling sagot ni Joanna. Madiin niya itong sinabi at di man lang nito magawang makatingin kay Jasper.
"Parang hindi," sabi sa kanya ng binata.
"Oo nga. 'Wag ka na nga makulit," aniya. Pinagmulatan ni Joanna ng mata si Jasper bago napatayo mula sa kinauupuan. Padabog itong nagwalk-out palabas ng kwarto. Pinagtinginan naman siya ng mga tauhan ni Tycob Alfonse na naiwan sa silid.
Pagkalabas na pagkalabas ni Joanna ay nasagupa niya ang isang pamilyar na mukha sa hallway. Napatigil ang dalawa sa paglalakad. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joanna nang maka-eye contact niya ito. Ipagpapatuloy na sana ng dalaga ang kanyang paglalakad pero bigla na lang nagsalita ang kanyang iniiwasan.
"What a heartless cousin," pagpaparinig ni Keannu. Napamulsa ito sa grey niyang slacks. Nakaka-amaze ang tangkad ng lalaking 'to. And his face... ang gwapo-gwapo niya. "Kailan pa?" mahinahong tanong nito kay Joanna.
Nag-iwas naman ng mata ang dalaga. "Last month," sagot nito rito.
Muli siyang tinignan ni Keannu. Ang nakaka-ilang na titig na maiintimidate ka talaga ng grabe. Wala na itong nasabi kundi umiling. Muling pinagpatuloy ni Keannu ang paglalakad habang nakapamulsa sa mamahalin niyang damit.
Napasilip siya sa silid kung saan galing ang dalaga. Maingat at tahimik niyang pinagmasdan ang mga tao na naroon. He don't want to mess with them yet he wants to help Charity. Naaawa siya pagka't alam niya kung ano ang magiging kakalagyan nila ng kanyang tatay.
Keannu's phone rang. Napalingon tuloy sa kanya ang mga tao na nasa loob ng kwarto. Parang nagulat naman sa nangyari ang binata at dali-dali itong lumayo sa pintuan ng silid. Naglakad ito agad palayo sa lugar na 'yon bago kinuha ang kanyang cellhone sa bulsa. Pagtingin niya rito ay unknown number ang tumatawag. Napa-tsk na lang ito sa inis bago sa pilitang sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]
ActionIn a world full of illegal acts, crimes and sins- Charity Lunox Marqueza found herself living in peace with her overprotective father, a famous C.E.O. of Luiton Company and Corporation. After the unexpected disappearance of her parent, Charity was s...