Chapter 11

70 7 0
                                    


Third Person:


"Sigurado ka ba na ang apat na 'to ang nang loob sa inyo?" madiing tanong ni Tycob Alfonse sa dalawang security na naka assign sa watch room. Napatango naman ang mga ito. Napahilamos naman sa inis ang matanda bago padabog na binalik ang bond paper na hawak-hawak.


Pasimple namang napakunot ng noo si Joanna habang nakatayo sa gilid. Nakasuot na ito ng itim na blazer at slacks. Ilang steps malapit sa kanya nakatayo ng tahimik si Keannu. Matangkad ito ng sobra sa kanya kaya kailangan pa tumingala ni Joanna bago makita ang mukha ng binata. Napalingon ang lalaki sa kanya. Tinignan naman niya ng masama ito bago napagtantong maglakad sa desk. Kinuha ni Joanna ang bond paper at tinignan ang mukha ni Charity na naka-drawing rito. Iginuhit ito ng propesyonal na pala guhit ng mga criminal faces. Hindi masyadong accurate na mukha ito ng kanyang pinsan. Pero kung ikukumpara sa actual ay makikita mong kahawig niya ito.


"Kasama talaga niya lagi ang lalaki na 'to," turo ni Merceline sa litrato ni Nicholas. Napa-tilt ng ulo ang ginang. "I wonder who is he." Tanong nito sa sarili bago dinulas ang mga mata sa direksyon ni Keannu.


Para namang nagtaka ang binata kung bakit tinignan siya ng ginang.


"Di ba ikaw ang gusto ni Charity? Sa tingin mo boyfriend niya 'to?" aniya.


"I don't know. Hindi ko naman siya kinaka-usap," tukoy ni Keannu kay Charity.


Nanatili pa ring nakatingin si Joanna sa litrato ni Charity bago inilipat ang kanyang mga mata sa litrato ng isa pang babae. Mukhang maganda ito sa gubit. At lalaki naman na mukhang timid. "Sino sila?" mahinang tanong niya sa sarili. "Paano niya sila na kilala?"










Charity Lunox Marqueza:


Napahinga na lang ako ng malalim bago napa-squat sa kinakatayuan. "Paano ko ba nakikila ang isang tulad niyo? Ang galing niyo kanina. Natakot rin ako," sabi ko kay Vanessa.


Napangiti nanan siya bago niya ako lampasan. Tumungo si Vanessasa table nina Nicholas at Scottie na ngayon ay abala sa pagtatype nila sa maliit na laptop. "I guess nagulat ka ng grabe sa galing ko."


Napakamot naman ako ng batok. "Actually, hanggang ngayon takot pa rin ako," sabi ko. Like how? Saan nila nakuha ang lakas ng loob para gawin 'yon? Paano nila makakayang tumutok ng baril sa mga tao? Grabe! Thinking na mga pasaway yung kasama ko, hindi ko talaga alam yung dapat ko ireact.


Nandito lang ako sa gilid, pinagmamasdan sila. I don't want to cooperate. I can't consider myself one of thems, criminal?


Nakita ko pang may binulong si Vanessa kina Nicholas. Hindi ko na narinig 'yon kasi sa pagod at sobrang init napa-upo na ako sa sahig. Nandito kami ngayon sa isang abandon na building, sa isa sa mga kwarto nito. Naka-ilan rin kaming sikot sa city para lituhin ang mga pulis bago kami nakapunta rito.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon