Charity Lunox Marqueza:
Tirik na tirik ang araw. Hapon at nasa gitna ako ng bakanteng kalsada ng Ylara o kaya naman ng Onyx City. Mainit at halos mapaso ang aking balat sa liwanag na nagmumula sa kalangitan. Sa tingin ko naliligaw na ata ako. I'm hungry and lost at hindi ko na rin alam kung saang parte ako ng town.
I'm still wearing my black fitted cocktail dress from the celebration party last night. Sabog ang aking buhok dahil sa pagtakas ko kagabi. Nakasuot pa ako ng three inches heels at mga mamahaling alahas sa katawan. Wala akong dalang masyadong gamit kundi ang isang designer bag na binigay sakin ng pinsan ko nasi Joanna. Ang laman lang non ay yung phone ko, some of my credit cards and a wallet. Sa ngayon iyon lang ang meron ako.
Pagkatapos ko maglakad ng kalahating oras sa lugar na 'to inilibot ko naman ang aking mga mata sa paligid. Napaka-lawak at haba ng kalsada ngunit puro namang mga palayan at taniman lang ang makikita sa gilid. A dry field na halos isang anino ng tao wala kang masisilayan. Sa di kalayuan may mga nakahilerang windmill. Umiikot at tila sinasabayan ang bagal ng oras ngayon.
I can't help but to feel helpless seeing my situation right now. I'm lost. Not literally lost. What I mean is nawawala na ako sa sarili ko! Hindi ko alam kung sa susunod na mga oras ay mabubuhay ako. Hindi ko rin alam na pagpikit ng aking mga mata mamayang gabi ay makakasama ko pa daddy ko. Wala akong ideya kung nasaan siya ngayon o kung okay lang siya. All I just know is lahat ng meron kami noon ay mawawala na sa susunod na mga araw... kasi papatayin nila kami. Uubusin nila. And that's a fact.
Frustrated akong napasigaw sa kinakatayuan ko. Sabay nito ang aking pagsabunot ng buhok. I want to cry. I want to give up. Pero pinipilit ko pa ring maglaban kahit alam ko namang talo na ako sa laro na 'to.
People see me as their angel but they were wrong. So wrong... na hindi nila nalalaman na salungat ako sa mga sinasabi nila.
"Babae?" bakas ang confusion sa mukha ng gasoline boy na nagbabantay ngayon sa gas station na nilalapitan ko rito. Sa haba-haba ng aking paglalakad kanina ay ito ang unang bumungad sakin. Hays, sa wakas! May mga tao na rin sa kalsada na 'to.
Tumigil ako rito kung saan makakakita ka rin ng isang mini-store sa gilid. Halos wala akong masilayan ni isang costumer sa loob no'n at wala ring nagpapalagay ng gas na mga sasakyan sa estasyon na tinatayuan ko. Weird. Pero sabagay, simula ng pagising ko kanina ay walang kotse o motor na dumaan sa kalsada na nilakaran ko.
Isa atang ghost road 'to. Nakaka-inis naman.
Tinignan ko ng mabuti yung gasoline boy na kanina pa nagtataka sa existence ko sa lugar na 'to. I sighed bago nilingon ang glass window na nasa tabi ko lang. Pinagmasdan ko roon ang ekspresyon ko. For someone walking at the middle of nowhere, napaka-odd naman kung magpakita ako rito na ganito ang itsura.
He tilted his head at tinignan ng mabuti ang suot-suot ko ngayon. Party dress and a high pointy heels. Di ko siya pinansin at naglakad na lang ako diretso sa mini-store. May nakita kasi akong cashier roon and I think she can help. Napayakap ako sa sarili at huminga ng napakalalim.
"Saan kaya galing 'to?" napakamot ito sa batok bago ko nilampasan. Di ko na siya masyadong kinibo pagka't gusto ko pagtuunan ng atensyon ang nagbabantay na babae sa loob. Noong ginawa ko iyon ay pinagpatuloy na lang ng gasoline boy ang ginagawang trabaho kanina. Nililinis ang mga gas tank na nasa gilid.
BINABASA MO ANG
Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]
AçãoIn a world full of illegal acts, crimes and sins- Charity Lunox Marqueza found herself living in peace with her overprotective father, a famous C.E.O. of Luiton Company and Corporation. After the unexpected disappearance of her parent, Charity was s...