Chapter 9

69 7 4
                                    


Whispering of sins, iyon ang bumungad kay Keannu pagkalabas niya sa kanyang pinagtataguan. Kakabigay pa lang ng binata ng files na hiningi sa kanya ni Charity. But then he felt a sudden heart attack when he saw Charmaine. Nakakrus ito ng braso at tinitignan siya ng masama.


"Hinahanap ka ni Jasper. Where have you been?" Dumulas ang mga mata ng dalaga sa pinto kung saan galing ang kausap. "Let me say, what did you do there?" aniya.


Naging tahimik rin si Keannu ng ilang segundo before he snapped off. "Nothing," he answered quickly. Lalampasan na sana nito si Charmaine nang bigla siyang hinarangan nito ng daan.


"Anong nothing?" The girl smiled. "I know you are lying!" she hissed.


"What's happening there, anak." Bigla na lamang pumasok sa eksena ang isang matandang ginang. Di ito masyadong maganda ngunit malinis sa kanyang suot at katawan. Elegante rin kumilos. "Kailangan na natin umuwi, Charmaine, and leave Keannu alone. We have a private occasion to attend."


Hinarap naman siya ng kanyang anak. "Ma'am, alam niya kung nasaan si Charity!"


"That's pathetic," Mrs. Valentino sighed bago tumingala sa binata. Nginitian niya ito, "pasensya na sa anak ko. She's just worried for Charity. Syempre, kaibigan niya na nang matagal. I hope she is safe."


She is not, Mrs.Valentino. They are going to kill her. Keannu said in his head.


Napatalikod na lamang ang ginang sa kanya ngunit nanatiling nakatingin sa si Charmaine sa binata. Pinagmasdan siya ng dalaga nang sobrang sama bago ito nagsimulang maglakad paalis. Keannu thought na tapos na ang pagkakahot seat sa kanya ng mga taong hindi niya mapagkakatiwalaan ngunit nang makadaanan ni Charmaine si Secretary Merceline ay parang bumalik ang kaba niya.


"Keannu, can I have your phone?" Hindi na nagdalawang-isip na tanungin siya ng sekretarya ni Sir Tycob. Nakalahad ang kamay ni Merceline habang naglalakad palapit sa kinakatayuan ni Keannu.


Nanatili namang kalmada ang binata kahit sa totoo ay kinakabahan na ito. "No, you can't."


Para naman siyang pinaghihinalaan na ni Merceline. Walang paalam na binunot ng ginang ang cellphone ng binata sa slacks nito at tinignan. Nang makita niyang nakalock ang phone ay parang napapikit ito sa gigil. "I think you still have access to her. And I know to myself na hindi ito ang ginamit mong device. I know what's running through your mind, Keannu," she said. "Anyway, thanks for giving us trace to Charity."


And then Merceline just walked away with Keannu's phone. Hindi naman alam ng binata ang kanyang irereact. He's wishing and hoping na hindi nila makita ang kanyang ginawa even sa ibang device niya sinend ang mga files na hiningi ni Charity.











Mary Jane Mystic:


Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon