Chapter 51

591 32 13
                                    

Scarlet pov.

Love? Yan ang rason kong bakit lahat ng tao nagiging masaya. Sadyang makapangyarihan talaga ang pagmamahal. Dahil nagagawa niya tayong pakiligin, patawanin at pasayahin. Love also make us cry. Lalo na kung paulit ulit ka nalang nasasaktan. Hindi masama ang magparaya at magpaubaya lalo na kung alam mong wala, hindi talaga pwede.

Happy ending? 
I dont think so... hindi ako better sadyang binebase kolang talaga sa karanasan ko.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng malaking kahoy. Nakaupo habang tinatanaw ang dalawang lalaki sa hindi kalayuan sakin. Panay ang kaway nila sakin dahil kanina pa sila naglalaro pero wala akong gana. Napatingin ako kay Vince habang malaki ang ngiti na papalapit sakin.
Sana siya nalang. Sana talaga siya nalang ang naging ama ni kyle. Eh di sana masaya ako ngayon. Sana talaga pwedeng utusan ang puso.
Kaso hindi eh,. Bigla ko tuloy naisip siya. Kumusta na kaya siya? Natuloy kaya ang kasal? Tsk.. malamang dahil hindi niya naman mapipigilan ang mommy niya.

"Hey! Are you okay?
Umupo siya sa tabi ko at pinapanood lang sa kyle na naglalaro kasama ang ibang mga bata.

"Yeah.. im fine ano kaba.

"Tsk! Hindi moko maloloko. Ang lungkot kaya ng mata mo'

"Oo na,

Saglit na katahimikan ang namayani samin. Pero hindi ko natiis dahil feeling ko ang awkward.

"V-vince?

"Hmm'

"May balita ka?

"Balita saan?

"Diba kaibigan mo siya?
Tumingin siya ng nakakunot ang noo dahil parang hindi niya nagets ang sinasabi ko.
"Si ano.. uhm alam mona'

"Ahh si Gino?

"Yeah' n-atuloy ba ang kasal?
Hays! Bakit ba kasi gusto kopang itanong.

"I dont know"
'Bakit? Umaasa kaparin ba?
Napaisip naman ako sa tanong niya. Yes umaasa talaga akong hindi matutuloy ang kasal pero diba magmumukha naman akong desperada nun?

"Masama bang umasa?

"Masama! Lalo na kung wala nang pag asa! Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo? Hindi yung umaasa ka sa wala.

"Sana talaga Vince ikaw nalang.
Mahina kong sabi.
Napatingin ako sa kamay ko ng bigla itong hawakan ni Vince.

"Nandito lang ako, ..
kahit hindi moko mahalin nandito parin ako! ..
Kahit masakit na,!
'Nandito parin ako!

"Bakit?

"Anung bakit?..

"Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?

"Dahil mahal kita!
Mahal na mahal...
Ngayon napatingin na ako sa kanya. Ang nagsusumamo niyang medyo singkit na  mga mata. Ang mamula mula niyang mga labe.Ang hindi gaano kakapal na kilay.  Plus pa na mabait siya.Lahat yun perpekto. Nasa kanya na halos lahat ng gusto ng mga babae. Pero bakit hindi ko siya magustohan?
Bakit siya parin? Tama na siguro ang hirap na to' kailangan konang tapusin.
Napasinghap ako ng punasan niya gamit ang kamay ang luhang nag umpisa ng mag sitalonan sa pisngi ko..

'Ssshh! you dont need to cry'
Pang aalo niya sakin.
'Alam ko naman na siya parin talaga.

"How can i stop this feeling?
'May alam kaba?

"Love me! You can use me to heal your wound.

"No! Masasaktan lang kita!
Bakit kaba ganyan?

"Just try? Try to love me back"

"Masasaktan lang kita Vince'

"Okay lang atleast sinubukan natin diba? If this won't work? Then lets get over..

"Vince!..
Hindi nako nakapagsalita pa ulit dahil bigla niya nalang ako niyakap. Hindi kona napigilang humagulhul ng maramdaman kong hinimas himas niya ang likod ko.
Bakit ka ba ganyan Vince? Pinapahirapan molang ang sarili mo! Tatanggapin koba ang alok mo? Pero paano kong hindi ko parin siya makalimutan? Masasaktan lang kita!

"Mo-mmy!

Napakalas ako sa yakap ng marinig ko ang boses ni kyle. At mabilis na nagpahid ng luha.

"Anu yun baby?

"Im h-ungry?

"Okay then we well go home now.

Tumingin naman ako kay Vince na nakangiti na ngayon.

****

Gino pov.

"Dude! Ang ganda pala dito! Ang sarap ng simoy ng hangin!

"Bakit bro? Natikman moba ang hangin dito?

"Tanga! Bakit nakakin ba yun?

Tsk! Kanina pa to sa byahe eh.. nakakarindi na.
Parehas yata may mga saltik sa utak ang mga to.
Nandito na kame ngayon sa rest house nila mike. Medyo may kalakihan din ang bahay. Napapalibutan ng mga nagsasari saring mga bulaklak. May mga puno din sa paligid.

"May nakatira ba dito dude?

"meron ang caretakers ng bahay na to..

Lumabas naman ang dalawang matatanda na mag asawa ata at masayang sumalubong samin.

"Senyorito! Bote at naka dalaw kayo ulit dito!

"Ah biglaan ho ehh'
Siyanga pala guys.. siya si nanay tesa at tatay berto sila ang nag aalaga sa bahay.

"Magandang araw ho.'

"Oh siya pumasok na kayo at ipaghahanda ko kayo ng pagkain.'
Masayang sabi ni nanay tesa.

Mabilis naman kameng pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay umupo ako agad sa sofa. Feeling ko kasi nakakapagud ang buong byahe namin.

"Bro! Gusto mo magpahinga muna sa kwarto?
Sabi ni mike sakin.

"Pwede ba? Medyo napagud kasi ako sa byahe eh.'

'May apat na kwarto sa taas..
Mamili ka nalang kung saan mo gusto mahiga.'
Tinangoan ko nalang si klent at jero at agad na umakyat sa kwarto. Pinili ko nalang ang pinakdulong kwarto. Pagkapasok ko sa loob, ay tumambad sakin ang isang di kalakihang kama at puti na pintura. May isang glass table lang sa gilid at isang may kaliitang kabenit. Walang may mga nakasabit na kung anu anu sa ding ding maliban sa nag iisang wall clock.
Pabagsak na hiniga ko ang katawan ko sa malambot na kama. Nag umpisa na namang magtanong ang isip ko. Nasaan na ba siya? Iniwan na niya ba talaga ako?
Hindi korin maiwasang magalit sa kanya. Lagi nalang siyang ganyan. Lagi niya nalang tinatakbuhan ang problima. Hindi niya pa nga sinusubukang lumaban. Kung natatakot siya, nandito naman ako. Wala ba siyang tiwala sakin? Lagi niya nalang akong iniiwan ng ganito.. dahil sa dami ng iniisip ko, hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako.

:21marupok

Kapit lang guys!

Still vote and comment parin!!

I Love You More Than He Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon