Chapter 57

434 23 4
                                    


Scarlet pov.

Hindi ko alam kong tama ba itong ginawa ko ang pumunta sa taong hindi kona dapat inaabala. Ilang beses pa akong huminga ng malalim habang nakatayo dito sa harap ng mataas na gate. Tumitingin tingin pa ako sa loob kung may tao ba dahil mukhang ang tahimik kasi ng paligid. Maya maya pa ay naisipan ko nading mag doorbell. Naka apat na akong doorbell saka lamang may lumabas at nagmamadaling tumakbo palapit sa gate. Isang beses lang ako nakapunta dito pero hindi ko siya nakita sa araw nayun.

"Anu yun iha?
Tanong ng hindi gaanong katanda na babae sa harap ko.

"Ahh--- hinahanap ko po si G-gino.
Hindi ko alam pero bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.

"Gino?
Bigla muna siyang napaisip at saka nagsalita ulit.
'Ahh gino ba kamo iha? Yung kaibigan ni senyorito mike?
Mabilis akong tumango bilang tugon.

"Naku! Kakabalik lang nila nung isang araw"...
Medyo malungkot niyang sabi. Ako naman, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panhihina ng tuhod.

"Sige po manang salamat po..
Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Teka iha! Sayo nalang to!
Tiningnan ko muna siya saka tumingin sa kulay pink na mukhang invitation. Nagtatakang binalik ko ang tingin sa mukha niya.

"Binigay kasi to nung Gino na hinahanap mo. "Ehh medyo hindi kona kaya ang bumiyahe" alam mona pag tumatanda......

"W-wag na po! Ibigay niyo nalang sa anak mo or apo niyo..

"Wala akong anak iha!
Nalungkot na naman ang mukha niya.
"Hindi kasi ako pinalad na mabigyan ng anak.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Tinanggap ko narin ang invitation card kahit labag man sa kalooban ko.
Pagkatapus naming mag usap ay nagpaalam na ako sa kanya. Kahit sa taxe ay hindi ko magawang tingnan ang card na bit bit ko. Dahil pakuramdam ko sumisikip ang dibdib ko. Nakarating ako sa bahay ni tita. Mabilis akong umakyat sa kwarto at naligo lang saglit. Nagbihis lang ako ng simpleng soot saka bumaba na sa sala. Hindi kona nakita si tita kaya hindi na ako nakapag paalam.

******

Una kung pinuntahan ang restaurant ni Vince pero sobrang naiinis ako ng makitang nakasara ito.
Oo nandito na ako sa manila. Nagbabakasakali kasi akong mahanap ko dito si Vince.
Pero mukhang wala akong vince na maabutan dito.
Wala sana akong balak pumunta sa condo unit ko. Pero parang may nag uudyok sakin na puntahan ko yun.
Pagkapasok ko sa unit ko, wala namang nagbago. At mas lalong walang Vince ang makikita ko dito.
Nanghihinang napaupo ako sa sofa siguro dahil sa pagud. Naramdaman koding mabilis ng nag situlo ang luha ko.
Namimis kona ang anak ko, si mama,-- may kasalanan pa ako sa kanya. Ang alan kasi niya si Vince ang ama ni kyle. Anu nalang ang iisipin niya.
Dahil sa tinding frustration ay napasabunot nalang ako sa buhok ko. Naramdaman kong medyo kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom pero binaliwala kolang yun. Kahit pa ako kumain ngayon, tiyak mawawalan din ako ng gana.
Papalabas na ako ng unit ng pagbukas ko ng pinto ay may tumambad na isang hindi kalakihang box sa lapag. Nagpalinga linga pa ako kung may tao bang naglalakad sa hallway pero wala naman.
Kaya agad ko itong pinulot at dinala sa sala. Dahan dahan kopa itong binuksan dahil maraming pumapasok na mga negatibong katanungan sa isip ko. What if bomba pala to oh baka ulo ng isang tao.. tinampal ko ang noo ko dahil sa mga naisip. Panu ba naman kasi hindi ko alam kong sinong misteryosong tao ang nag iwan nito sa labas ng unit ko.
Tumambad ang puting tela sa harap ko. Medyo magarbo ang design nito na animoy pwedeng sootin ng ikakasal.
Kinuha ko ang isang maliit na papel sa ibabaw at agad na binasa.

Please wear this if you want to see your child

Take care..

Binaliktad kopa para hanapin kong sino ang sender pero wala. Kaya linokot ko ito at itinapon kung saan. Napatingin na naman ako sa magarbong damit na nasa harapan ko. Walang anu anung inihagis ko ito sa gilid at mabilis na lumabas sa unit ko. Ramdam kong pinaglalaruan lang ako ni vince kaya bakit ko yun isusuot? Pagtapat ko sa elevator ay naghintay muna ako ng ilang segundo bago bumukas. Pagkabukas nito ay nakita kung may isang lalaking nasa loob. Hinintay kong lumabas ito pero mukhang hindi sa floor na ito ang punta niya kaya pumasok nalang ako. Ng magsira ang elevator ay saglit kong pinasadahan ng tingin ang lalaki. Naka sumbrero ito at may soot na mask kaya hindi makita ang hitsura niya. Medyo may katulad ang tindig niya. Parang nakita kona noon pero hindi ko matandaan. Tumingin ako sa harap ko pagkatapus ko siyang suriin pero bigla akong kinabahan ng makita kong nakatingin siya sakin gamit ang repleksyon namin sa ding ding ng elevator.
Nagtama ang mga mata namin kaya mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko. Napatingala ako sa taas ng magpatay sindi ito at sabay ng tuluyan na pag kamatay ng ilaw ay ang paghinto ng elevator. Medyo nagpanik na ako pero hindi ako makasigaw dahil naramdaman ko nalang na may kong anung nakatakip sa bibig at ilong ko. Medyo nakaramdan nadin ako ng hilo. Pero pilit isinisigaw ng isip ko ang pangalan niya.
Hanggang sa bumibigat na ang talukap ng mata ko ay siya parin ang iniisip ko.

'Sorry i need to do this!!

Isang boses ang narinig ko bago tuluyang pumikit ang mata ko.


:21marupok

Vote and comment parin.

Please please support my second story. Hindi pako nakakapag ud dun dahil tinatapus kopa to.
Pero ill make sure na pagkatapus nito ay mag uud agad ako dun.

Visit my profile if  you want to see my story.

I Love You More Than He Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon