Chapter 34

834 36 1
                                    

Nang gumaling si kyle, agad akong bumalik sa pagtratrabaho. Kahit hindi pa ako pinapayagan ni Vince ay nagpumilit na ako. Sinub sub ko ang lahat ng oras ko sa trabaho. Minsan kinukulit ako ni Vince pero madalas hindi ko siya pinapansin.
Hindi ko alam kong bat ako nag kakaganito. Nagsimula lang naman to nung araw na nag usap kame through chat..
Masyado akung naapiktohan sa kanila ni chezka.
Alam kung mali pero hindi ko talaga mapigilan magselos.
Simula nung araw na yun, hindi na ako nag open ng fb ulit.

"Maam scarlet, ok lang po ba kayo??

"Ha? Ah yes.. ok lang ako..

"Ahh ok po.. kanina pa po kasi kayo tinatawagan ni sir Vince.

"Ano?? Bakit daw??

"Iwan ko po.. wala namang sinabi.

"Ok sige salamat.

Nang tingnan ko ang cp ko naka tatlong missed call na ito.

"Tss masyado na yata akong .nag iisip!!

Ng pipindotin kona sana ang call button ng tumawag siya ulit.

"Vince??

"Tssk nagpapagud kana naman ba jan?? At hindi mo manlang napansin ang tawag ko??..

"Tss wala namang trabaho na hindi nakakapagud noh..
Pangbabara ko sa kanya.

"Ikaw talaga, bakit ba ang tigas ng ulo mo??.. diba sabi ko sayo hindi mo naman na kailangan mag pagud...

"So anung kailangan mo?? At napatawag ka??
Pag iiba ko ng usapan.

"Well, gusto ko sanang imbitahan ka sa isang party mamayang gabe...

"Haayss!! Bat ako?? Iba nalang.
'Sigurado akong sosyal ang party nayan. At hindi ako bagay sa mga sosyalang party2x.

"Please?? Ikaw lang kasi maasahan kong kasama ehh...
Tsaka, sigurado akong ikaw ang pinaka maganda sa party mamaya..

Kung nasa harap ko lang siguro siya tawang tawa na siguro ako sa mukha niya. Dahil sigurado akong naka pout ito hindi naman bagay.

"Oo na.. baka mamaya tanggalin mo pa ako sa trabaho..

"Ok.. thanks ill pick you up at six.
Bye?

Agad kong pinatay ang tawag. Wala akong hilig sa mga party dahil alam kung puro mayayaman lang ang nandoon. Hindi naman ako mayaman para makipaghalobilo sa kanila. Tsaka naiinis ako sa ibang mayayaman diyan na mga mata pobre. Hindi naman lahat pero kadalasan.
Pero alang alang kay Vince sasama ako. Bahala na maghahanap nalang ako ng damit na babagay sa parting yon.

"Tss.. ang tanga mo talaga scarlet kahit kailan!! Hindi mo manlang tinanong kung anung klaseng party ang pupuntahan niyo.!

Mabilis na natapos ang oras. Ngayon ay malapit ng mag uwian sa hapon. Pasado alas kwatro na at alas singko ang uwi ko. Pero uuwi ako na hindi pa mag aalasingko dahil kailangan ko pang maghanda para sa party mamaya.

Pagkarating ko sa cundo,ay agad akong linapitan ni kyle.

"Mommy!! Sabay halik halik sa pisngi ko. Pang pawala ko talaga siya ng streess.

"I miss you baby!! Moaahh!! Ganting halik ko sa kanya.

"Yaya, pwede ba bukas kana umuwi??
Wala naman akong pasok bukas ehh, kaya pwede kang umuwi ng maaga bukas.'

"Bakit po maam??

" niyayaya kasi ako ni sir Vince mo sa party, ehh hindi ko naman pwedeng dalhin si kyle.

"Ahh.. cge po maam,

Pagkatapus kung kausapin si yaya, dumaritso na ako sa kwarto at naghalungkat ng mga dress na babagay sakin.
Hindi naman ako nahirapang mamili dahil iisa lang naman ang favorite color ko.
Pinili ko ang nag iisang red dress ko na above the knee ang haba. Off shoulder ang style nito kaya kitang kita ang collar bone. Pinarisan ko ng isang pares ng high hill na sakto lang naman ang taas.
Nag lagay lang ako ng kunting lipstick at kunting blush on.
Tsaka sinuklay ang medyo mahaba kong buhok at hinayaan ko lang itong nakalugay. Straight naman ang buhok ko kaya ok lang kahit hindi itali.
Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko alam pero pati ako na impress sa hitsura ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag ayus sa sarili kaya medyo nanibago ako sa hitsura ko ngayon.

"Mommy tito here!!
Sigaw ni kyle pagkapasok niya sa kwarto.
Agad naman akong lumabas para puntahan si Vince.

"Woow!! Beautiful!!
Sinong magsasabi na hindi ka bagay sa pang sosyal na party??..

"Sus.. mambubula!!
Tara na nga!!

Hinalikan ko lang saglit si kyle sa pisngi at binilinan sa yaya na bantayan si kyle at lumabas na ako.
Sumunod din naman agad si Vince sa labas. Ang gwapo din ng suot ni Vince na isang itim na tuxido. Lalong lalo na ngayon na bagong gupit. Mas lalong nagpagwapo sa kanya ang bago niyang buhok.

Isang itim na ferrare ang sinakyan namin. Wala naman kameng ganoong napag usapan ni Vince sa byahe.
Pero ng tumingin ako sa labas, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Nag umpisa naring mamawis ang kamay ko at pakiramdam ko, pati noo ko may namunuo ng pawis.
Napatingin ako kay Vince na pormal lang na nagdadrive. Gusto kung bumalik.. gusto kong hindi nalang tumuloy. Pero malapit na kame, ayukong malaman ni Vince kaya nanatili akong tahimik.

"Were here!!
Masayang sabi ni Vince.
Pero pakiramdam ko hindi ako makagalaw. Biglang nanghina ang mga tuhod. Napatingin ako sa pagbukas ni Vince ng pinto ng sasakyan niya sa gawi ko. At agad na linahad ang kamay para alalayan ako. Napatingin ako sa kamay niya. Nag aalangan akong humawak dito.
Gusto kong sabihin sa kanya na dito nalang ako sa kotse..
Hinhintayin ko nalang siya dito.
Pero anu pang magagawa ko, nandito na kame.

Tinanggap ko ang kamay niya at lumabas na sa kotse. Tumayo muna ako saglit at tiningnan ang kabuuan ng bahay. Sobrang pamilyar ang bahay nato sakin. Nag iba man ang kulay pero hindi ko to makakalimutan. Ang bahay ni Gino.
Hindi na ako magtataka kung magkakilala sila ni Vince dahil parehas silang mayayaman ang pamilya.

Pero ang tanong.

Alam niya kaya na si Gino na ama ni kyle at Gino na kaibigan niya ay iisa??

"Ohh lord!! Bakit sobrang napakaliit ng mundo!!

:21marupok

Please vote and commet guys..
At sobrang thank you sa pag hihintay niyo ng Ud ko.

Medyo nagkaproblima kasi ang phone ko kaya hindi naka Ud.

Pero ok na sya guys!!

Luv lots!!!!

I Love You More Than He Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon