Chapter 55

550 27 7
                                    


Scarlet pov.

Nakaramdam ako ng gutom kaya medyo napahimas ako sa tiyan ko habang nakapikit pa. Pagkatapus ay umunat muna ako saka hinawi ang kumot. Nag indian set pa ako sa kama at medyo kinosot kosot kopa ang dalawa kong mata dahil medyo tamad pa akong imulat ito. Napatingin ako sa maliit na orasan sa side table at napa hampas nalang ako sa noo ko ng makitang pasado alas onse na ng umaga. What the heck! Wala manlang nag abalang gisingin ako?

Dali dali akong lumabas sa kwarto at mabilis na nagtungo sa sala.
Naabutan ko si Vince na nanonood ng tv habang nasa tabi niya si kyle. Ng makita ako ni kyle ay tumalon agad ito sa sofa at tumakbo palapit sakin. Agad ko naman siyang binuhat at pinaliguan ng halik.

"Iha kumain kana! My nakahain ng pagkain sa mesa!
Sigaw ni tita kapatid ni mama.

"Si mama po?

"Ahh wala my pinuntahan yata"
Hindi nalang ako sumagot at dumiritso na ako sa kusina habang karga karga si kyle.
Pinaupo ko muna si kyle sa katabing upuan ko tsaka kumuha ng pagkain.
Maya maya lang ay nakita kong pumasok si Vince sa kusina at kumuha ng baso.

"How are you now?

"Huh?
Nagugulohan ako sa tanong niya.

"I mean.. kumusto na pakiramdam mo?

"Ok lang naman ako.'
Wala naman akong sakit'

"Wala daw.. hindi ka nga nakauwi maghapon ehh"

"P-pano mo nalaman?..
Natataranta kong tanong.

"Tsk.. its obvious.
'Hindi ka kaya umuwi.'

"Ahh--- k-kasi anu' uhm nagkita kame ng kababata ko dito. Ayun nagkayayaang mamasyal.'
Pagsisinungaling ko.

"I see.. sabi mo ehh"
At kinuha na si kyle sa upoan.

"Saan mo siya dadalhin?..

"Sa labas' tapus na siyang kumain kanina"
Kaya maglalaro nalang kame"
At hindi na ako hinintay pang sumagot dahil nag lakad na siya palabas.

Mabilis ko namang tinapos ang pagkain ko para masundan ko sila sa labas.
Pagkatapos ay naghugas ng pinagkainan ko.
Bumalik muna ako sa kwarto para maligo.
Simpleng blouse at maong short lang ang sinoot ko. Pagkatapus ay nag suklay lang tsaka bumaba na.

******

Vince pov.

Pagkalabas namin ni kyle ay agad siyang nakipaglaro sa mga bata dito sa labas.
Habang ako ay nakaupo lang dito sa ilalim ng puno kong saan dito din umupo dati si scarlet.

Bigla kong naisip ang sinabi ni scarlet kanina.
Alam kong ayaw niya lang akong saktan.

The truth is i know everything.
Hindi na siya dapat nagsinungaling dahil alam ko na naman kong anu talaga ang nangyari.

Flashback

Pasado alas onse na at hindi parin bumabalik si scarlet.
Bigla rin akong nakaramdam ng kaba kaya medyo hindi ako mapakali. Lumabas narin ako at tumitingin tingin sa mga triysicle na dumadaan.
Pero wala parin. Hanggang sa mag alas dose na. Sasakay na sana ako para puntahan siya ng bigla nalang magring ang cellphone ko. Ng tingnan ko ang pangalan ng caller ay agad na nangunot ang noo ko.

I Love You More Than He Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon